Dennis drop me in a Hotel. Ang sabi niya, kapag iuuwi niya ako sa bahay namin ni Ramcess. Mayayari daw ako, lalo na sa ginawa ko kanina sa Hall. Magagalit talaga iyon kapag nakauwi ako. Mas mabuti raw munang umiwas ako sa asawa ko lalo na't ganoon ang nangyari sa birthday party. Ginalit ko si Ram ng sobra. Pinasabog ko ang dignidad niya bilang Ramcess Morgan sa pamamagitan lang ng pagkakailanlan na hindi ko siya kilala. Ayaw niya ring nakikita akong nabugbug na naman sa asawa ko. Kaya agad niya akong hinatid sa lugar na hindi ako matuntun ni Ram. Agad naman akong sumang-ayon na bumalik sa Hotel na pinag-stay-han namin ni Kia noon. Gusto ko na rin makahinga muna sandali. Dahil pati ako, na frustrate at exhausted na rin. Masama pa rin ang loob ko kay Ramcess kahit nakaganti na ako. Alam