Chapter 2

1399 Words
Hindi ako nagsayang ng oras. Hinabol ko si Miggy at niyakap siya mula sa likuran. "Please, don't go. Okay lang sa akin kahit huwag tayong magpansinan kapag maraming tao. Okay lang talaga sa akin, Miggy. Huwag mo lang gawin ito..." pagmamakaawa ko. Wala na akong pakealam kung magmukha akong desperada. Pinilit niyang hawiin ang kamay kong nakayakap sa kanya. Ngunit hinigpitan ko pa lalo ang yakap. "Aaliyah, don't do this. Please..." "Hindi! A-alam ko na kahit konti ay may nararamdaman ka. Hayaan mo lang ako, Miggy. I'm sorry, but I'm desperate. Desperada na talaga ako. Gagawin ko lahat ng gusto mo." Ilang buntong hininga ang pinakawalan niya bago ako sagutin. "Alright..." aniya. "Pero wala akong maipapangako na kahit ano sa 'yo. Don't expect too much." Tinanggal ko ang yakap sa kanya. Pumunta ako sa harapan niya at tumango sa kanyang sinabi. "Okay lang. Pangako, lalapit lang ako kapag sinabi mo." Hinawakan niya ang pisngi ko sabay punas sa mga luhang natutyo na. "You don't deserve me," marahan niyang sabi. "Masasaktan ka lang sa akin, Aaliyah." Umiling ako, hinawakan ang mga kamay niyang nasa pisngi ko. "Kaya ko. Kaya kong magtiis. Matagal na kitang gusto, Miggy. And I want this.. so much," pag amin ko. Matagal ko ng gustong sabihin kay Miggy ang tungkol sa nararamdaman ko. Kaya naman hindi ko na palalampasin ang pagkakataon na ito ngayon. Lahat ng pangaral sa akin ni Mama ay nawala na lang na parang bula. Nakalimutan ko na lahat dahil kay Miggy. Hindi ko pa rin matukoy kung gaano nga ba kalalim ang nararamdaman ko. Pero gusto ko ito. Kahit na mahirapan ako ay gugustuhin ko pa ring makasama ang taong gusto at pinipili ng puso ko. "Come on, pumasok na tayo," aya niya sa akin. Tinanggal niya ang mga kamay niyang nasa pisngi ko at nauna ng maglakad. Tahimik lang akong sumunod sa kanya. Hindi ako sumabay, nasa likod lang niya ako. Wala naman kasi siyang sinabi na sabay kaming maglakad. Unang pumasok ng room si Miggy. Nagpalipas muna ako ng ilang sandali bago pumasok. Ayoko naman na may makahalata sa amin. Dumiretso na lang ako sa tabi ni Mia. Nanliliit ang mga mata niya habang tinitingnan ako. Umupo ako sa tabi niya. Hindi ko pinansin ang mapanuri niyang tingin. "Bakit maga yang mata mo?" puno ng pag dududang tanong niya. Yumuko ako. "Napuwing ako." "You're not a good liar, Iyah," aniya. "Lumapit ka kay Miggy kanina. Anong nangyari? Nag usap kayo? Kinain ba niya yung cake? Umalis na ako kanina dahil akala ko ay okay ka na kasama sila. Pero mukhang pinaiyak ka naman yata-" Nag angat ako ng tingin. Nilingon ko siya at umiling. "Mabait sila. Tsaka, kinain ni Miggy yung cake," pagsisinungaling ko. "Talaga? Kinain nya? Teka nga... tatawagin ko-" "Mia... please," pakiusap ko. Alam ko na tatawagin niya si Miggy, kaya naman pinigilan ko siya. "Sinungaling ka, Iyah. May nangyaring hindi maganda," may tono ng iritasyon sa kanyang boses. "Kung nag usap kayo, bakit hindi ka niya pinapansin? Kung nag usap kayo, bakit inaakbayan niya si Bea ngayon?" Sinubukan kong huwag magulat sa sinabi ni Mia. Gusto kong lumingon para makita kung totoo ba ang sinabi niya. Ngunit hindi ko na yata kailangan pang gawin yun dahil narinig ko na ang hiyawan ng mga kaibigan ni Miggy. "Whoa, Miggy and Bea! Malamang bukas ay mababalita na naman ang paghahalikan niyong dalawa." Gusto kong umiyak ulit. Pinigilan ko lang ang sarili ko. Don't expect too much, Iyah. Ginusto ko naman ito, eh. Hiningi ko ito kay Miggy. Kaya dapat kayanin ko. Pero... Bakit kailangan ipamukha pa niya ito ng harap-harapan? Bakit kailangan pa niya akong itago sa lahat? Bakit kapag ibang babae ay ayos lang makasama siya kahit maraming tao? Bakit kapag ako hindi pwede "Mia," tawag ko. Lumingon siya sa akin. "Pangit ba ako?" "H-huh?" kunot noong tanong niya. "Maganda ka, Iyah. Effortless nga yang ganda mo, eh. Kahit na walang make up, maganda ka pa rin," ngumiti ako ng tipid sa sinabi nya. Nag ayos ako ng upo. Sa buong maghapon ay si Miggy lang ang iniisip ko. Hanggang sa mag uwian na ay siya at si Bea lang ang laman ng utak ko. Sabay silang umalis. Sumakay pa si Bea sa kotse ni Miggy. Sa kotseng yun... bumuntong hininga ako. Pinagpatuloy na lang ang paglalagay ng ibang libro ko sa locker. "Iyah, hindi nga pala kita maisasabay sa pag uwi. Si Mommy kasi, eh. May utos," ani Mia. Isinara ko na ang locker ko at tinignan siya. "Ano ka ba... okay lang yun," ngiti ko. "Sorry talaga."  Inayos ko ang bag ko at natawa sa sinabi nya. "Ayos lang nga. Huwag ka ngang mag sorry."  Naglakad na kami sa hallway. Kaonti na lang ang mga estudyante dahil malapit ng gumabi. Sa gate ang tuloy ko, habang si Mia naman ay sa parking lot. "Mag ingat ka," aniya bago kami maghiwalay. Tumango na lang ako at kinawayan siya. Habang nag aabang ako ng jeep ay may biglang tumabi sa akin. "Hi, Miss. Pwedeng makisabay?" nilingon ko ang nagsalita dahil mukhang pamilyar ang boses. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mukha niya. "Jed?!" hindi makapaniwalang sabi ko. Ngumisi siya. "Aaliyah Denise Romero..." bigkas niya sa buong pangalan ko. "Ikaw nga si Jed?" hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na siya ang nasa harapan ko. "Oo nga! I'm Jed Herrera. Ano, mas lalo ba akong naging gwapo?" tawa niya. "Jed!" sa sobrang saya ko ay niyakap ko na siya. Umuwi na siya! Umuwi na si Jed. Isa siya sa pinakamatalik naming kaibigan. Malamang, matutuwa si Mia kapag nalaman niya na umuwi na ang lalaking ito. Noong Grade 8 kasi kami, nag migrate sila ng pamilya niya sa Australia. Hindi na sila umuwi simula noon. Nakakausap na lang namin siya ni Mia sa video call. "Whoa! You really missed me, huh?" tawa nya ng maghiwalay kami sa yakap. "Ikaw kasi, eh! Kailan ka pa nakauwi? Hindi ka man lang nagsabi!" hinampas ko ang braso niya. "Kahapon lang. And... well, surprise!" halakhak niya. "Nasaan na si Mia?" "Nauna ng umalis." "Ahh," tano niya. "So, dinner? Treat ko!" nakangiti niyang tanong. Lumitaw tuloy ang dimples niya. "Sure!" Tumungo kami ni Jed sa pinakamalapit na kainan. Ang dami naming naging kwentuhan. Ang tagal din kasi naming hindi nagkita. Kinwento niya sa akin ang buhay niya sa Australia. Nandito lang sila para magbakasyon, aalis din sila sa susunod na buwan. "Ikaw, Iyah. May nanliligaw na ba sa 'yo?"  Natigilan ako sa pagtawa. Naalala ko na naman si Miggy. "Wala..." iling ko. 'Yun naman talaga ang dapat na sagot k, 'di ba? Hindi ko naman alam kung ano nga ba talaga kami ni Miggy ngayon. "Sa ganda mong yan? I'm sure marami ang pumipila sa yo!"  "Naku, Jed. Huwag mo nga akong bolahin. Baka ikaw nga d'yan. Baka marami ka ng pinaiyak na babae sa Australia." Umiling siya habang nanlalaki ang mga mata. "Hindi, ah! Alam mo namang hopeless romantic ako nung High School pa lang tayo." Ngumisi na lang ako at nagkwentuhan pa kami sa ibang bagay. Nang lumalim na ang gabi ay inalok na niya ako na ihatid pauwi. Dahil sa oras na rin ay pumayag na ako. "Kumusta na nga pala si Tita?" tanong ni Jed habang nasa byahe kami. "Ayos naman." Tumango siya. "Bukas nga pala, babalik ako sa school nyo. Susunduin ko kayo ni Mia. Punta tayo sa amin." "Sige..." Inalok ko si Jed na pumasok sa bahay pagdating namin. Kaya lang ay tumanggi na siya. Ang sabi niya ay susunod na lang daw. Pagpasok ko ng bahay ay tumungo na agad ako sa kwarto ko. Si Mama ay tulog na. Nagbihis muna ako ng pantulog bago humiga sa aking kama. Kinuha ko ang cellphone ko nang tumunog ito. May dalawang mensahe akong natanggap. Parehong unknown number. Unknown number: Hey, Iyah. It's Jed. See you tomorrow. Sweet dreams! :) Napangiti ako. Oo nga pala, binigay ko ang number ko sa kanya bago kami maghiwalay. Sinave ko muna ang number niya bago magreply. Ako: Okay, Jed. See you! Goodnight :) Matapos kong mag-reply ay ang pangalawang mensahe naman ang binuksan ko. Galing din sa unknown number. Unknown number: Goodnight. Save my number. Miguel Sebastian Arevalo. Hindi natanggal ang tingin ko mensahe niya. Sa simpleng text lang niya ay nagagawa na niyang patibukin ng mabilis ang puso ko. Unti-unti akong napangiti habang nakatitig pa rin sa aking cellphone.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD