Chapter 1

1413 Words
Hindi pa rin matanggal sa isip ko ang mga nangyari sa amin ni Miggy noong gabi ng kanyang birthday. Ito na nga lang halos ang naging laman ng utak ko. Matapos ng mga nangyari noong gabing iyon ay hinatid na niya ako sa bahay namin. Mabuti na lang at tulog na si Mama no'ng mga oras na iyon. Kung hindi, lagot talaga ako kapag nalaman niyang lalaki ang naghatid sa akin at hindi si Mia. Ginawan ko ng cake si Miggy. Sana ay pumasok na siya. Araw-araw kasi ay ginagawan ko siya ng cake pero hindi naman siya pumapaso. Kaya sa huli, ibinibigay ko na lang ito sa mga kaklase ko o kaya naman kay Mia. Walang nakaka alam kung ano nga ba ang nangyari sa amin ni Miggy. Ang sabi niya, hindi yun malalaman ng iba at huwag ko rin daw ipagsasabi. Sumunod naman ako. Ayaw ko rin naman na may makaalam sa nangyari. Natatakot ako na baka husgahan agad nila ako. Kampante naman ako na po-protektahan ako ni Miggy kapag nangyari yun. Gusto niya ako, yun ang sabi niya. Panghahawakan ko iyon. "Ano, ibibigay mo na naman ba sa akin yang cake?" tanong ni Mia. Nandito kami ngayon sa canteen. Hindi pumasok si Miggy. Nagbabaka sakali ako na baka kasama niya ang kanyang mga pinsan ngayon. "Wait. Hintayin lang natin si Miggy. Baka papasok na 'yun ngayon," sabi ko. Lumilingon pa rin ako sa pintuan para abangan ang pagdating ni Miggy. "Iyah, ang creepy na ng dating mo. Huwag ka ngang ma-obsess kay Miggy."  Lumingon ako kay  Mia bago bumuntong hininga. "Obsess na ba talaga ako?" Walang alinlangan siyang tumango. "Alam mo kasi, si Miggy yung tipo ng lalaki na hindi nag se-seryoso. Hanggang crush lang ang pwede kong maramdaman. Kapag na in love ka, lagot ka. Talo ka na." Kinagat ko ang labi ko. Tumingin na lang ulit sa pintuan. Ayoko mang aminin, pero naapektuhan ako sa sinabi ni Mia. Paano kung hindi seryoso si Miggy? Ngunit... nararamdaman ko naman na seryoso siya. Naramdaman ko iyon nang gabing yun. Napaayos ako ng upo nang bumukas ang pintuan ng canteen. Bumilis ang t***k ng puso ko nang makita ang mga pinsan ni Miggy na papasok sa canteen. Sunud-sunod silang pumasok, ang pinakahuli ay si Miggy. Nabuhay ang lahat ng dugo sa aking katawan. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa makaupo na sila. Tumingin ako kay Mia. "Nandito siya," masayang sabi ko. "Maibibigay ko na sa kanya ito," sabay kuha ko ng cake na nakalagay sa mesa namin. Tumigil sa pagkain si Mia. Uminom muna siya bago niya ako sagutin. "Gusto mo bang samahan kita sa pagbibigay n'yan sa kanya?" Umiling ako. "Kaya ko na 'to," sabi ko. Tumayo na ako at nagpaalam na kay Mia. Nginisian niya ako at kinindatan. Tumawa ako, huminga ng malalim at tumuloy na sa mesa nila Miggy. "Hi," bati ko sa kanila paglapit. Natigilan sila sa pagkukwentuhan at pagtatawanan nang marinig nila ako. "Uhmm, Miggy..." tawag ko sa pangalan niya sabay abot sa kanya ng cake na hawak ko. "Oh my..." sabi ng isang babaeng pinsan niya. Yumuko ako, hinihintay ang pagtanggap ni Miggy sa cake na hawak ko.  "I'm sorry... pero hindi ako kumakain ng-" naputol ang sasabihin ni Miggy ng magsalita ang isa pa niyang pinsan na lalaki, na sa pagkakaalam ko ay Christian ang pangalan. "Kunin mo Miggy. Don't be rude," matigas na utos niya bago lumingon sa 'kin. "What's your name?" "Iyah," tipid na ngiti ko. "Iyah. Upo ka sa tabi ni Miggy." Napalingon si Miggy sa sinabi ng kanyang pinsan. "Chris!" protesta niya. "Malinaw naman siguro ang pandinig mo, Miggy. Hindi ko na kailangan pang ulitin." "Tss..." napailing na lang si Miggy. Hindi na nagawa pang tumutol. "Sige na. Join us, Iyah," Tumago na lang ako at umupo sa tabi ni Miggy. Inilapag ko ang cake sa mesa. Inilagay ko naman sa kandungan ko ang aking bag. Hindi ako nililingon ni Miggy. Ang mga pinsan naman niyang babae ay isa-isang nagpakilala sa akin. "I'm Lizzy," pagpapakilala sa akin nung nakapusod ang buhok. Siya ang nakaupo sa kabilang gilid  ko. "I'm Nicole," masayang bati naman nung maputi at singkit. "I'm Ara," seryoso naman ang bati sa akin nung nakasalamin. "And I'm Christian."  Tumikhim si Miggy, tumingin ako sa kanya. Kunot ang kanyang noo. Ang kaninang mukha niyang may ngiti ay nawala na. Gusto ko siyang kausapin ngunit hindi ko alam kung paano nga ba umpisahan ang usapan. Isa pa, parang hindi niya nagugustuhan ang presensya ko. Ayaw ba niya na nandito ako? Ikinakahiya ba niya ako? Iniwan nila kami para bumili ng pagkain. Kami lang ni Miggy ang natira dito sa upuan. Nilingon ko ang table namin ni Mia kanina. Wala na sya doon. Umalis na siguro siya nang hindi ko man lang napapansin. "Why are you here?" tanong ni Miggy sa akin na siyang ikinagulat ko. Nilingon ko siya, matalim ang tingin na ibinibigay niya sa akin. "Miggy..." sambit ko. "Ilang araw ka ng hindi pumapasok. Nag-alala ako sa 'yo. Akala ko ano nang nangyari-" "Stop it," putol niya. "Galit ka ba? May nagawa ba akong masama?" malungkot na tanong ko. Nag iwas siya ng tingin. "Sorry kung meron man akong nagawa na ikinagalit mo." "Hindi ako galit," mahina niyang sabi. "Huwag mo akong lapitan kapag may mga kasama ko... lalo na kapag mga pinsan ko. Pwede mo akong lapitan kapag wala akong kasama." "Bakit? I-ikinakahiya mo ba ako?" "No," iling niya.  Hindi na namin naituloy pa ang pag uusap dahil dumating na ulit ang mga pinsan niya. Nanatili lang kaming tahimik habang ang iba ay puro daldalan. Hindi matanggal sa isip ko ang sinabi niya. Bakit ayaw niyang lumapit ako kapag may kasama siya? Bakit? Hindi ko siya maintindihan. Hindi ko maintindihn ang gusto niyang mangyari. Hindi ba... kapag gusto mo ang isang tao, dapat ay nakakasama mo siya palagi? Kahit na may iba pa siyang kasama ay ayos lang. Hindi lang yung kayong dalawa na lang lagi. Dapat ay makilala mo rin ang mga tao sa buhay niya. "So, Iyah. Girlfriend ka na ba ni Miggy?" tanong bigla ni Nicole na siyang ikinagulat ko. Girlfriend? Namula ako sa  aking narinig. Sasagot pa lamang sana ako sa kanyang tanong ngunit inunahan na ako ni Miggy. "Hindi, Nicole. Hindi..." mariin na sabi ni Miggy bago siya tumayo at lumabas ng canteen. Lahat kami ay nagulat. Tumingin ako sa mga pinsan niya. "Susundan ko siya," paalam ko. Tumango naman silang lahat. Iniwan ko na ang cake na gawa ko para kay Miggy. Hinawakan ko ng mahigpit ang bag ko bago lumabas. Nahanap ko siya sa likuran ng building namin. Maraming puno rito. Nakasandal siya sa isa sa mga puno habang naninigarilyo. Lumapit ako sa kanya. Nakita niya ako at naging matalim na naman ang tingin nya sa akin. "Bawal manigarilyo dito sa loob ng campus," sabi ko nang makalapit sa kanya. Muli nyang hinithit ang sigarilyo at ibinuga sa akin ang usok. Hinawi ko naman agad ito. "Bakit nandito ka na naman?" "Miggy, may problema ba tayo?" natawa siya sabay tapon ng sigarilyo at inapakan ito. "Sabihin mo naman, please..." yumuko ako. Mas humigpit pa ang hawak ko sa aking bag. "Tigilan mo na lang ako," walang gana niyang sabi. Nag angat ako ng tingin at agad na umiling. "Anong sinasabi mo?" "Look..." aniya. "Alam ko na may nangyari sa atin. Pero hindi naman ibig sabihin na magiging tayo na. We just fcked. That's all..."  Nanikip ang dibdib ko sa sinabi nya. Hindi. Hindi pwede. Sinikap kong huwag umiyak sa harapan niya. Nag angat ako ng tingin. "Miggy, ikaw ang una ko. Hindi pwede," iling ko. "I know. Pero hindi ka naman tumanggi. Pwedeng-pwede mo naman akong itulak nung gabing 'yun. But you didn't. Ginusto mo rin naman ang nangyari. Kaya nga dalawang beses nating ginawa kahit sa kotse lang tayo, 'di ba?" tumawa siya sa huling sinabi niya. Umiling ako ng paulit-ulit. "Gusto mo ako. Sinabi mo 'yun. Malinaw na malinaw na inamin mong gusto mo rin ako..." tumulo na ang mga luha ko. Hindi ko na mapigilan ang hapdi dahil sa mga salitang sinabi niya. Hindi pa rin ako naniniwala, Miggy. Alam kong may nararamdaman ka para sa akin. Naniniwala ako na pareho ang nararamdaman nating dalawa. Umalis siya sa pagkakasandal sa puno at naglakad na palayo. Tinalikuran niya ako. Pero bago siya tuluyang umalis ay nagbitiw muna siya ng salitang ikinapunit ng puso ko.  "What we had that night, it's pure lust. No feelings involved. Just pure lust."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD