"Father Vaughn... puwede ba kaming lumabas ni Faith?" pagpapaalam ni Ivan. Nangunot ang noo ng guwapong pari. "Lumabas? At ano naman ang gagawin niyo sa labas?" "Kakain lang po kami. Yayain ko po siyang kumain," magiliw na sambit ni Ivan. Patagong kinuyom ni father Vaughn ang kaniyang kamao. "At bakit mo naman siya yayayain pang kumain sa labas? Kung may pagkain naman tayo sa kusina? Hindi mo na ba gusto ang mga pagkain sa kusina? Nagsasawa ka na ba sa mga iyon?" Napalunok ng laway si Ivan dahil bumakas sa boses ng guwapong pari ang pagkairita niya. Napagtanto naman iyon ni father Vaughn sa kaniyang sarili kaya kinalma niya ang sarili niya sabay hingang malalim. "Hindi naman po ako nagsasawa, father. Gusto ko lang po talagang yayaing kumain sa labas si Faith. Ngayon lang naman po kam