"Mama... nandito si Vaughn. Nagkita kami kagabi!" sambit ni Faith nang magising siya. Nanlaki ang mata ni Rosie. "Ano? Paano iyan? Anong sabi niya?" "Paparusahan niya raw ako. Siguro, gagawin niya akong alipin. Bahala na. Susubukan kong magpakaalipin sa kaniya para patawarin ako. Pero huwag muna nating ipaalam sa kaniya ang tungkol kay Axel. Baka kunin niya sa akin ang anak ko. Gusto kong magkaayos muna kami bago ko ipaalam sa kaniya na may anak kami..." kinakabahang sabi ni Faith. Lumunok ng laway si Rosie. "Naiintindihan kita pero paano? Paano natin gagawin iyon? Aalis tayo sa bahay na ito?" Umiling si Faith. "Hindi po. Palalabasin natin na nag- ampon ka dahil hindi ka puwedeng magkaroon ng anak. Bale magiging kapatid ko si Axel." "Sigurado ka ba sa gagawin mong ito?" Mabilis na tu