Wala pang alas nuebe ay nasa isang malaking port na ng Mexico ang grupo ni Bernard. Inaabangan nila ang pagdaong nang malaking barko na may karga ng kanilang shipment mula sa Costa Rica. Isa ito sa pinakamalaking business deal nila kung sakali. Dahil isang sikat at malaking sindikato sa Russia ang bibili ng kanilang mga produkto. Mula sa loob ng kaniyang sasakyan ay nakita ni Bernard ang nagmamadaling si Juan-ito ang lider na mga pinagkakatiwalaan niyang on call na mga tauhan. Isang purong Mexican si Juan. Pero katulad ni A ay trusted din ito ni Bernard. Pinatay ni Bernard ang music component ng kotse na hanggang ngayon ay nagtutugtog ng kantang "Marikit", nang makitang malapit na si Juan. Sa labas naman ng sasakyan ay nakapaligid ang lima niyang kaibigan. Pagkadating na pagkadating