Malayo pa lang ay tanaw na ni Bernard si A na nakatayo sa labas ng Macho Disco Bar. Mukhang inabangan talaga nito ang pagbalik niya. Sumagitsit ang gulong ng kaniyang kotse nang iparada iyon ni Bernard. Pagkababa ay dali-dali naman siyang sinalubong ni A. "Kumusta raw ang anak ko? Napahamak ba? Nasaktan?" sunod-sunod na tanong niya kay A. "Ang sabi ng mga tauhan natin sa Australia, Boss, si Dean lang daw ang nawawala simula pa kagabi," pagkukuwento ng kaibigan. "Patuloy pa rin daw hinahanap at inaalam kung sino ang dumukot." Sa tindi ng galit ni Bernard kina Dean at Joanna, dapat siyang matuwa kung ano man ang sinapit ngayon ng asawa ni Joanna. Gayon pa man, hindi makalimutan ni Bernard ang totoong pagmamahal at pagmamalasakit na ibinigay ni Dean sa anak niya. Na dapat siya na ama ni