"Damn it!" Naibato ni Bernard ang cellphone pagkatapos tawagan ang mga kaalyansa ng El Combinado Cartel. Halos lahat sa mga ito ay piniling pumanig kay Lord Raccoon. Dahil daw hindi hamak na mas malakas ito kaysa kaniya. Ang iba naman ay ayaw mangialam sa laban nila dahil pareho raw silang importante. Kahit si El Padrino na siyang mas inaasahan ni Bernard na tutulong sa kaniya ay piniling maging neutral. Nang malaman kasi nila kanina na maraming kinuha na kaalyansa si Lord Raccoon, kinumbinse siya ni A na magtawag na rin daw sila ng back up. Hindi raw nila kayang lumaban kung gan'ong marami na itong kakampi. Lalong mapapahamak ang buhay nina Clara at Aarah. Idagdag pang malakas rin ang puwersa ni Lady Bat. Kapag naglaban ang tatlong grupo, siguradong lalamunin ang grupo ni Lord Hare. Ta