"Saan n'yo dadahin ang kaibigan ko?" Alam ni Clara kahit ilang beses man niya iyong itanong sa mga tauhan ni Lord Raccoon, ay hindi pa rin siya maintindihan ng mga ito. Kanina pa sila umiiyak ng kaibigan niya pero walang pumapansin sa kanila. Hindi na rin pumasok pa ulit si Lord Raccoon."Aarah! Beshie!" "Besie! Besie!" Wala ring tigil sa pagsisigaw si Aarah kahit nang mailabas na ito ng kuwarto na pinagkulungan sa kanila. Hindi kasi nila maintindihan ang mga pag-i-Espanyol ng mga tauhan ni Lord Raccoon, na kanina pa nag-uusap sa tabi nila. Lalong napaiyak si Clara nang mapag-isa siya sa kuwarto. Sobrang helpless na ng pakiramdam niya. Kahit gaano niya kapilit na maging positibo pa rin. Siguradong hanggang ngayon ay hindi pa alam ni Bernard kung nasaan sila. Kaya hanggang ngayon ay hin