Hindi mapigilan ni Bernard na maging proud habang pinapakinggan ang malakas na tilian ng mga iba't ibang lahi, habang pinapalakpakan at pinapanood ang pagrampa ng kapwa Pilipino, sa stage. Walang duda na sa kahit anong bagay ay malakas ang dating ng mga Pinoy. Bagaman alam ni Bernard na halos lahat ng mga babaeng nasa harapan nila ngayon ay pawang napipilitan lang. Dahil kapag umalma sila, siguradong papatayin sila ng mga tauhan ni Lord Raccoon. Hindi lingid kay Bernard na puro sa kidnapping nanggagaling ang mga virgins na ibinibid ni Lord Raccoon sa Black and White Agave. Na kung siya pa ang dating Bernard na patay na patay kay Joanna, malamang ay kinontra na niya si Lord Raccoon. Pero tapos na siya sa kabaliwan ni Joanna. Wala ng pakialam si Bernard sa kung ano mang pimagdaanan noon n