Magdamag na umiyak si Clara. Halos umaga na nang makatulog ang luhaan niyang mga mata. At mataas na ang sikat ng araw nang magising siya. Nakaramdam siya nang pagkalam ng sikmura kaya gusto sana niyang bumaba. Pero namumugto ang mga mata niya, bukod sa ayaw niyang magkaharap sila ni Bernard. Kahit medyo lasing siya kagabi, natatandaan pa rin naman ni Clara ang mga nangyari. Lalo na ang mga mga pinagsasabi niya. Hanggang ngayon ay kumikirot pa rin ang puso niya. Pero ngayong nasa katinuan na si Clara, hindi niya mapigilang makaramdam ng hiya. Que babae niyang tao pero siya pa ang unang nagtapat ng feelings. Siguradong tutuksuhin siya ng mga kaibigan ni Bernard, lalo na ni A. At sigurado rin na iiwasan na siya ni Bernard ngayong alam na nito ang feelings niya. Naiinis na sinabunutan ni Cl