Chapter 1

1320 Words
Unang Kabanata Ana's POV Isang magandang araw! Napaka-ganda ng mga bulaklak sa hardin. Inamoy ko ang mga ito at sadyang ang bango-bango ng mga ito. Pumitas ng isa si Daddy ng isang puting rosas at inilagay ito sa may tainga ko. Napangiti ako sa ginawang iyong ni Daddy. Naglakad-lakad pa kaming dalawa sa hardin namin, minsan lang namin magawa ang bagay na ito, dahil laging busy si Daddy sa trabaho niya. Hindi lingid sa akin kung ano bang klase ng trabaho mayroon ang Daddy ko. Isang Gangster ang Daddy ko. Hindi lang siya basta isang basagulero. Kundi isa siyang leader ng kilalang Fraternity sa Asia ang Quatro Segundo. Isang kakayahan na sa amin lamang nagsimula. Sa apat na segundo, kayang maubos at mapatay ang lahat ng kanilang kalaban. "Ana..." hinarap ko si Daddy. Alam kong kukulitin na naman niya ako sa isang bagay na ayaw kong mangyari. Matagal-tagal na kasi akong pinipilit ni Daddy na tanggapin iyong pwesto niya bilang maging bagong pinuno ng Quatro Segundo. Ngunit, lagi ko itong hini-hindian. Ayaw ko kasi ng gano'ng kalaking responsibilidad. At isa pa, gusto ko na ng normal na buhay. Ngunit mahirap sa mga katulad namin ang magkaroon ng normal na buhay. Laging nasa bingit ng kamatayan ang buhay namin, at ang pagtitiwala ay wala sa bokubuluryo namin. "Daddy, napag-usapan na natin ito hindi ba?" napalingon ako isang nakakairitang boses sa aming likuran, at nandito na naman siya? Ano na naman kaya ang gagawin ng baklang 'to rito? "Ricardo!" tinawag pa ni Daddy si Don Ricardo ng minutong iyon, bahagyang lumapit si Don Ricardo sa kinatatayuan namin, lumapit pa siya sa akin at akmang kukunin ang kamay ko at hahalikan ito. Ngunit kaagad ko itong tinago, at sabay irap sa kanya ng minutong iyon. "Magandang umaga Don Eusebio, at magandang umaga din sa iyo Prinsesa Ana," sabay kindat pa nito sa akin. hays! Kahit kailan talaga ang init ng dugo ko sa baklang ito. Akala naman niya hindi ko alam ang baho niya. Tsk. Amoy na amoy ko ang kalangsahan niya no? "Actually kanina, maganda ang umaga ko. Pero bakit kaya ngayon hindi na?" sarkastiko kong wika sa harapan niya. Ngumsi siya, sabay sabing... "Hanggang ngayon palabiro ka parin, Prinsesa." Peke pang ngiti niya. "Akala ko ba, bawal na ang plastic dito sa Makati? Pero bakit may natira pang isa?" sabay taas muli ng kilay ko. Gusto kong maramdaman niya na hindi ko gusto ang presensya niya rito sa Mansion. At mas lalong hindi ko gusto na makita ang mukha niyang nakakairita. Bukod sa ubod siya ng pangit! Sorry ah? Hindi sa nanlalait ako. Pero gano'n na rin iyon, ang pangit niya talaga, tapos pangit din ang ugali niya. Hays! Kairita! Isa pa kasi sa kinaiiritahan ko sa kanya ay iyong pagiging bida-bida niya. Gusto niyang makuha ang pwesto ni Daddy. Gusto niyang maging kapalit at maging susunod na lider ng Quatro Segundo. Pero, ewan ko, kahit na kanang kamay ni Daddy si Don Ricardoay hindi niya ito pinagkakatiwalaan. Una, hindi katiwa-tiwala ang mukha niya. Pangalawa. Pangit na nga ang mukha niya, pangit din ang ugali niya. Pangatlo, pakiramdam ko, isa siyang bading. Promise! Ang lakas talaga ng pakiramdam ko, yung gay radar ko pumuputok to the highest level sa tuwing narito siya. Imbey! --- Narinig niya ang usapan namin ni Daddy tungkol sa hindi ko pagpayag na tanggapin ang offer nito na palitan siya bilang lider ng Gang. "Baka naman may gumugulo sa isipan mo?" biglang wika ng baklang ito. "Sigurado ka? hindi mo alam kung paano ako biglang nabadtrip?" taas kilay kong sabi sa kaniya. Gusto ko talagang iparamdam sa kaniya na hindi siya welcome dito sa bahay. at mas lalong gusto kong iparamdam sa kaniya na hindi siya welcome sa buhay naming mag-ama. Gusto ko na siyang sapakin. Nanggigigil na ako, gusto na ng kamao ko na ihambalos ito sa pangit na mukha ng baklang iyon. nakakairita talaga siya. "Ana!" napalingon ako nang biglang tumaas ang boses ni Daddy. Iniyuko ko ang ulo ko't nilisan ko na silang dalawa. "Hindi ko maintindihan, kung bakit ayaw na ayaw sa akin ni Ana? Kahit dati pa man, mainit na talaga ang dugo niya sa akin." akala niya siguro hindi ko narinig ang mga sinabi niya, bago ako umalis. Like hello? Sino ba naman ang matutuwa na makit ang pagmumukha na katulad ng sa kaniya? At isa pa, user siya. Ginagamit niya lang ang Daddy ko, kung matapos ko lang talaga ang mga imbestigasyon ko ukol sa kaniya. Malalagot talaga siya sa akin. ipapakain ko sa kaniya ang mga sinasabi niya nang makita niya. --- KINAGABIHAN. Bago ako matulog ay pumunta muna ako sa kwarto ni Daddy, nag-usap kami. nakapag-desisyon na raw siya na ako na ang mamumuno ng Gang, at ito raw ay pinale na. Wala na akong nagawa kundi ang tanggapin ito, marahil ito talaga ang nakatadhana sa akin. Pero kasi gusto kong maging isang normal na babae lang, isang normal na tao na may normal na pamumuhay. Ngunit mukhang hindi ko na ito mararanasan, kapag ako na ang pumalit sa pwesto ng Ama ko. Pahiga na sana ako ng minutong iyon nang makarinig ako ng isang malakas na putok. Napatayo ako't napatingin sa pintuan ng kwarto ko. May mga mabibigat na yakap na papunta sa akin. pinatay ko ang ilaw at nagtago ako. Nakiramdam ako sa paligid. Maya-maya ay bumukas ang pintuan, kung paano nila ito nabuksan? Hindi ko alam, pero ang alam ko nasa panganib ang buhay naming mag-ama ngayon. Pagkatapos ay sunod-sunod na putok ng bala ang narinig ko. Bumilis na ang t***k ng puso ko, kinakabahan na ako sa kalagayan ng Daddy ko. Nang maramdam kong nasa malapit na sa akin ang Assassin ay sinipa ko ito ng malakas at sabay pinaputukan ko ng baril sa ulo, tumba ito. sunod naman na sumugod ang isa pa niyang kasama, since walang ilaw sa loob ng kwarto ko, hindi nila ako makita, ngunit ako? Malakas ang pakiramdam ko sa paligid. Isa ito sa mga pinag-aralan ko't tinuro sa akin ni Daddy. Binali ko ang kamay nito, doon niya nabitawan ang baril na hawak nito, ngunit hindi ko napansin ang biglang pagsugod ng isa pa na siyang sumipa sa aking likuran dahilan para tumilapon ako sa gilid. Nagpagulon-gulong ang katawan ko at nahulugan pa ako ng mga gamit sa ulunan ko. Putang-ina! Ang sakit no'n. sabi ko sarili ko. Pinilit kong tumayo, ngunit binuhat ako ng isang lalaking malaki ang katawan at sinakal. Nahihirapan na akong makahinga. Dinuraan ko ang mukha niya at doon niya ako bahagyan nabitawan. Inipon ko ang lakas ko sa akin paa at buong lakas ko siyang sinipa sa kaniyang ibaba. Oo doon sa bagay na kung saan manghihina talaga siya at napaluhod ito sa aking harapan, doon ko na siya pinaputukan sa ulo. Tumba na siya. Paglabas niya ng kwarto ay nakasalubong niya ang dalawa pang assassins sinugod siya nito ngunit tumalon ng napakataas si Ana at sinipat ang mukha ng dalawang ito, sabay pinagbabaril niya ito. at pagbaba niya ay hindi niya napansin ang isa pa at tinutukan siya nito ng baril sa mukha. "Isang galaw lang Prinsesa, patay ka!" babala pa sa kaniya ng lalaki. Sumabog ang ulo ng lalaking iyon pagkatapos niton magsalita. Natalsikan ng dugo ang mukha ni Ana, at binigyan niya nang masamang titig ang lalaking gumawa nito sa kaniya. "Sorry, Prinsesa. Okay ka lang ba?" tanong pa sa kaniya ni Danilo. Ang Personal Body Guard niya. Ni hindi nga niya maintindihan kung bakit kinuhaan pa siya ng Daddy niya ng Personal BodyGuard, gayong alam naman nito na kaya niyang iligtas ang kaniyang sarili. "Okay lang ako, kumusta na si Daddy?" yumuko si Danilo at hindi ko gusto ang inaasal niya na tahimik siya. Doon na mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi pu-pwede! Putang-ina nila! Papatayin ko silang lahat!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD