---
Pangalawang Kabanata
Ana's POV
Pagdating ko sa kwarto ni Daddy ay laking gulat ko nang bigla nalang itong sumabog. Mabuti nalang ay bigla akong nahila ni Danilo at nakalayo kaagad ako sa kwarto ni Daddy. Wala na akong nagawa kundi ang umiyak ng minutong iyon habang kitang kita na natinutupok na nang apoy ang buong kwarto ni Daddy. Kahit na gusto kong sumugod sa loob ng kwarto ni Daddy ay siyang pigil naman sa akin ni Danilo, nang biglang magsilapitan ang mga kalaban, hinila ako ni Danilo't para tumayo at sabay kaming tumakbo palayo sa lugar na iyon.
"Bilisan mo Prinsesa, kailangan na nating iwanan ang Mansion na ito," sabi pa ni Danilo na siyang kinalingon ko ng minutong iyon. Ngunit hindi! Hindi ko makakayang iwanan si Daddy. Hindi pu-pwede, kaya nagpumiglas ako kay Danilo upang balikan si Daddy, narinig ko pang nagmura si Danilo nang bumitaw ako sa kaniya at sinugod ko ang mga kalaban. Ginamit ko ang teknik na tinuro sa akin ni Daddy noon ang Quatros Segundos. Nagbilang ako mula isa hanggang apat pagkatapos nang ibagsak ko ang aking mga paa sa sahig ay sabay-sabay na silang nahulog at wala nang buhay.
Doon na muling lumapit si Danilo't hinila ako palabas ng Mansion tamang-tama ang tiyempo ng paglabas namin, dahil kakasabog lang ng buong mansion mabuti nalang ay tumilapon ang katawan naming dalawa sa may swimming pool. Nanatili kami roon ng ilang minuto, mabuti nalang din at marunong akong lumangoy at pigilan ang paghinga kapag nasa ilalim ng tubig, isa ito sa mga bagay na naituro sa akin ni Daddy, ngunit bigla kong naalala si Danilo, napatingin ako sa kanya lumulubog na siya, kaagad kong binuhat ang katawan niya't inihaon sa may pool, at doon ay sumuka siya nang tubig na nainom niya sa pool.
Kitang kita ko kung paano unti-unting tinutupok ng apoy ang Mansion namin. Maya-maya ay nakarinig na kami ng huni ng bombero, at isa-isa na silang pumasok sa loob ng Mansion, nang makita nila kami ay tinulungan nila kami at pinapasok muna kami sa loob ng isang ambulance at doon ay nilapatan ng first aid.
Nang bigla akong nakarinig ng isang nakakairitang boses. At alam kong galing iyong sa kupal na baklang iyon. Lumabas ako ng ambulance kahit na kakatahi lang ng nurse sa sugat ko, at hinarap ko si Don Ricardo ng minutong iyon at sinapak.
Nagulat naman si Don Ricardo at gano'n din ang mga alalay nito dahilan para tutukan nila ako ng baril ng minutong iyon.
"Iputok niyo!" utos ko pa sa kanila, pero hindi nila ginawa. Lumapit ako sa isa at kinuha ako ang baril niya't sinabing iputok ito sa ulo ko, pero naramdaman ko ang takot sa kaniyang mga mata. Doon ko na hinarap si Don Ricardo at umiwas ito sa akin nang bahagya.
"Ano? Natatakot ka?" singhal ko pa sa kaniya.
"Ana, ano bang nangyayari sa iyo?" napatingin ako sa gilid ko, si Tito Carlos Manalo pala ito kaibigan din ni Daddy.
"I'm very sorry for what happen to you dad," sabi pa ng baklang ito sa akin, ngunit hindi ko siya pinansin.
"Pumunta nga pala kami rito dahil kailangan na pag-usapan ang pagpapalit ng trono sa Daddy mo," sabi pa ni Tito Carlos na siyang nagpataas ng kilay ko ng minutong iyon. like, What the f**k! Hindi pa nila alam na kamamatay lang ni Daddy? At isa pa, hindi pa nila nakikita na gaano kamiserable ang buhay namin ngayon dahil sa nangyari, pero ang iniisip parin nila ay ang pagpapalit sa pwesto sa naiwan ni Daddy? Yung totoo? Mga kasamahan ba talaga sila ni Daddy o inaantay lang nila na mamatay ito?
Ni hindi na nila ginalang si Daddy, paano nila nasasabi ang mga bagay na ito?
"Ano? Papalitan niyo si Daddy? Mga gago din pala kayo e," muli akong pinigilan ni Tito Carlos, ngunit hindi na ako nagpapigil sa kaniya.
"Mga gago kayo, mga duwag, mga putang-inang manggagamit! Mga manloloko, ginamit niyo lang ang Daddy ko, siya ang nagsimula ng samahan na ito tapos ano? Gusto niyong makuha ang pwesto niya? Tang-ina! Kahit na makuha niyo ang pwesto niya, kahit kailan hindi ko kayo susuportahan."
"Aba, ang sakit mo naman atang magsalita, Ana?" sabat pa ni Don Santiago. Hinarap ko siya ng minutong iyon.
"Masakit? Nasasaktan ka? bakit? Putang-ina mo pala e, may ginawa ka ba sa mga oras na ito? wala? Nasaan ka? diba dapat isa ka sa mga taong pinagkakatiwalaan ni Daddy pero ano? Nasaan ka? wala ka, kararating mo lang, o well nakakatuwa nga e. ramdam na ramdam ko ang pag-aalala niyo sa pamilya ko, hindi na para sa akin ah? Kasi alam ko naman kung gaano nag-iinit ang mga puwit niyo sa tuwing nakikita ako, pwes. Wala akong pakiealam doon. Ito lang ang masasabi ko sa inyo, ako ang inatasan ni Daddy na pumalit sa pwesto niya bilang Leader ng Gang, at nailipat na niya sa pangalan ko ang lahat, so I guess wala na tayong dapat pang-pag-usapan." Tatalikod na sana ako nang biglang sumagot itong si Don Ricardo.
"Mali ka, Ana. Hindi pa naililipat ng Daddy mo ang lahat, dapat ngayon araw niya gagawin ang bagay na iyon, kaso wala na siya." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko ng minutong iyon. papaano? At nanghina ang mga tuhod ko ng minutong iyon. Hindi maaari. Papaano na ngayon?
"I'm sorry," sabay hawak pa sa balikat ko ni Don Ricardo. Sa sobrang inis ko ay pinilipit ko ang mga daliri nito ng minutong iyon at saka ko siya tinuhod sa kaniyang ari dahilan para mapangiwi siya, doon ay muli nila akong tinutukan ng baril.
"Patayin niyo ako kung kaya niyo," pinatigil sila ni Tito Carlos, binigyan ko siya nang masamang titig. Mga tyardor!
"Wala na akong pakielam kung sino ang maging lider ng Gang, bahala na kayo, magpatayan kayo sa pwesto ni Daddy, mga walang bayag!" sabay talikod na sa kanila't hinila palayo si Danilo sa lugar na iyon. nakakaramdaman kasi ako na hindi nila ako paaalisin sa lugar na iyon na buhay.
"Alam mo, ayaw na ayaw ng Daddy mo na nakikita kang malungkot at hindi nakangiti," napahinto ako sa paglalakad sa sinabing 'yon ni Danilo, hinarap ko siya at nakangiti ito sa akin.
"Ngumiti ka na," sabi ap niya.
"Gago ka ba? Paano ako makakangiti sa mga nangyari ngayon?" singhal ko pa sa kaniya. Niyakap niya ako nang mahigpit. Ramdam na ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso niya nang minutong 'yon.
"Iniwan ka na nilag lahat, pero ako? Hinding-hindi kita iiwan Prinsesa," bulong pa nito sa akin. kumalas ako sa pagyakap niya ng minutong iyon. at hinarap siya sabay sabing...
"Salamat, Danilo sa pagtitiwala." Saka ako ngumiti.
"Ayan, mas maganda kapag nakangiti ka,"
"I'm sure, na sa tuwing nakikita ka ni Boss na nakangiti? Alam kong maligaya na siya sa kinaroroonan niya ngayon," sabay tingin pa nito sa langit. I'm sure of that also, ngi-ngiti ako para sa Daddy ko, at ipaglalaban ko ang karapatan ko para sa Daddy ko. Babalik ako, at sa pagbabalik ko, papatayin ko kayong lahat!