PROLOGUE
❦❦❦
Sabi nila pag ikaw ang naging Thysia o alay sa Hari ay napakaswerte mong babae, lahat ng mga bagay na kailangan at gusto mo ay makukuha mo.
Maiaahon mo ang buong pamilya mo sa hirap o sabihin na na'ting pati buong angkan mo ay papalarin.
Ibibigay ng Hari ang mga nais mo sa buhay kapalit ng pagiging Reyna mo at pagmamahal mo sa kaniya.
Kaso may tanong na iikot sa isip mo bago mo gustuhin maging Thysia.
Bakit ni isa walang nababalitang Thysia na nakalabas sa palasyo? Bakit lahat ng Thysia ay hindi na nakikita o nakakapiling ng mga mahal nila sa buhay?
Ganoon ba kahirap maging Reyna at asawa ng Hari? Bakit parang kapalit ng kayamanan at paglago ng kapalaran ng pamilya ng isang Thysia ay kapalit naman nito ang buhay niya?
Totoo bang magiging Reyna siya at magiging ina ng isisilang na susunod na Prinsepe at Prinsesa?
O magiging pagkain at alipin siya ng Hari na itinuturing halimaw ng iba?
Salitang Alay.
Alay para sa mga taong takot lamunin ng demonyo.
CHAPTER 1
©All rights reserved 2020
No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or any means without written permission from the author.