Pinikit niya ang kanyang mga mata at pinilit ang sarili na matulog. NANG muling magising si Mauve ay wala na si Chin-chin sa kanyang tabi. Matingkad na rin ang sinag ng araw na tumatagos sa nakabukas na bintana. Bumangon siya, hinagilap ang kanyang roba sa kinasasabitan niyon, at niligpit ang higaan. Pagkatapos ay nagtungo siya sa banyo para maligo. Habang naliligo ay naalala niyang malapit na ang semestral break. Tatawagan niya si Jhaz para malaman kung makapagbabakasyon ito roon. Matapos maligo ay nagbihis siya at lumabas na ng kuwarto. Nagulat pa siya nang makasalubong si Hendrick sa hallway. Sa nakalipas na anim na araw ay pareho silang naging abala at hindi sila nagkaroon ng pagkakataong mag-usap. Batian lamang ang naging palitan nila kapag nagkakasalubong sila sa hallway. In tr