CHAPTER 20

1646 Words

“Ano na lang ang iisipin ni Mang Bert?” mataray niyang tanong kay Hendrick, wala na ang tuwa sa tinig niya. “Alam niyang party at tiyak na iisipin niya na masikip sa harapan kaya dito ako dumaan , C’mon.” Hinila siya nito. Lumabas sila sa malaking gate at lumapit sa guardhouse. Kumunot ang noo ng matandang lalaki nang lumapit sila. Pero agad din iyong napalitan ng katuwaan. “Hendrick, hijo? Namputsa! Long time, no see! Tagal mong hindi bumisita rito, ha?” “Mang Bert.” Halata ang tuwa sa tinig ni Hendrick. “Mabuti na lang at kayo pa rin ang bantay rito.” “Aba'y, oo! Mga pogii lang kasi ang pwede sa front kaya ‘di ako ma promote.” Pinasadahan nito ng tingin ang mga suot nila. “Pupunta kayo sa party?” “Oho. Dito na kami makikiraan kasi… alam niyo na . Hindi kami makasiksik sa harap.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD