Bumuntong-hininga ito. "Don't worry, hindi lang ikaw ang nalilito. Ako din. Nasanay ata akong iniisip na akin ka. I'm telling you, this feeling is strange to me. Mas na-shock pa yata ako kaysa kay Aling Ester kanina when I began to throw things." "Hindi ka pa nai-in love?" hindi makapaniwala niyang tanong. Umiling ito. "Call it trauma, call me unfeeling, pero hindi pa. Mapili ako, eh." Ngumisi ito. "Hindi ako naniniwala sa 'yo." "Hindi na 'yan bago. Wala ka naman talagang pinaniwalaan sa mga sinabi ko." Napaisip siya. Tama ito. Hindi niya talaga hinayaan ang sariling paniwalaan ito. Ayaw niyang umasa at masaktan lang sa bandang huli. "Ano'ng iniisip mo?" untag nito. "I was just thinking about what you said,” mahina niyang sabi. "Lagi ko mang pinagdududahan at kinukuwestiyon ang mga