"A-Artemeo, ano ba ang problema mo?" nautal na tanong ni Stephanie Yvette sa asawa. Amoy alak ito kaya't sigurado siyang kaya ito ginabi dahil nakipag-inuman sa mga tauhan o mga pinsan. "Bakit, bawal ba? Tandaan mong mag-asawa tayong dalawa. Kaya't kahit kailan ko gusto ay maari kitang galawin. At ngayon ay huwag kang mag-inarte!" mariin nitong sabi. Tama naman ito. Mag-asawa silang dalawa. Kaso dahil sa kabiglaan sa paraan ng paghalik nito o mas tamang sabihing marahas. Idagdag pa ang mga palad na namamasyal sa katawan niya kahit pa sabihing nakadamit siya. Aminado siyang mahal niya ito kaya nga laking tuwa niya noong nagsimula itong magyayang lumabas at ipasyal siya. Ilang buwan na rin simula ikinasal silang dalawa pero kailanman ay walang namagitan sa kanila. At natatakot siyang mala