"WHAT happened?!" tanong ni Art Dos na napabalikwas mula sa pagkahiga subalit dali-dali ring bumalik sa ilalim ng comforter dahil na rin sa talagang hubo't hubad siya. Kaso mas nanlaki ang mga mata niya dahil may babae siyang katabi sa higaan! Ngunit dahil nakatalikod ito ay hindi namukhaan o mas tamang sabihing wala siyang kaalam-alam kung sino ang katabi sa higaan. "Hey, miss, gising. Paano ka napunta rito sa silid ko?" Panggigising niya rito. Subalit bago pa man magising ang babaeng kapwa niya walang saplot ay kinalampag naman siya ng mga magulang. "Artemeo anak! Aba'y may balak ka bang bumangon diyan o wala? Tanghali na! Late ka na sa trabaho mo!" Tinig ng kaniyang ina. "Pinsan na best friend! May hangover ka ba sa s*x? Ilang babae ba ang kinama mo kagabi ha? Aba'y jusmeomarimar,