"HUWAG n'yo nang pagalitan ang anak ninyo, balaeng Tristan Keith at balaeng Joanna. Ang mahalaga ay maayos at legal ang kanilang pagsasama," pahayag ni Ginoo JC na sinundan ng asawa. "Tama naman ang asawa ko, balae. Masaya kami at siya ang nakatuluyan ng aming anak," anito. Isang linggo ang lumipas noong ikinasal sina Art Dos at Stephanie Yvette ay dumating ang mga magulang ng huli. Subalit kagaya ng dati basta may malakihang okasyon ay sa malaking tahanan ng mga Aguillar o ang mansion ng mag-asawang Lampa at Sablay Dulay sila nagtipon-tipon. "Don't get us wrong mga balae. Dahil masaya rin kaming nag-asawa na ang aming bunso. Nagtampo lang naman ako bilang ina dahil wala namang problema kahit ano'ng oras siya mag-asawa. Iyon nga lang ay hindi man lang sinabi. Ayon nga kina bayaw Clarenc