"Huwag ka ng malungkot apo ko. Hindi lamang ngayon ang paghatid mo sa mga tauhan mo sa kani-kanilang tahanan," ani Grandma Rene sa apong dumating ay animo'y pasan ang mundo.
Nasa kabilang banda lang naman ang tahanan ng magulang nito. Ngunit nakasanayan na nilang magpipinsan ang dumiretso sa bahay nilang mag-asawa. Kahit sino sa mga apo nila ay ganoon. Lalong-lalo na ang mga nasa Baguio.
"Hindi ko mapigilan ang sarili ko, Lola. Lalo at kitang-kita ko kung paano sila lumaban upang pangalagaan ang ating bayan," nakatungo niyang tugon.
Kaya naman ay hindi na niya nalamang nagkatinginan ang mga ninuno niya. Kaya't napatingala na lamang siya nang nagsalita ito.
"Nasabi mo na, apo ko. Nasaksihan mo kung paano nila ipinaglaban ang bayan natin laban sa mga rebelde. Maaring lumang-luma na ito sa pandinig mo pero nakalimutan mo na yatang isang karangalan ang mamatay sa giyera lalo na kung para sa ating bayan. Kaya't sikapin mong labanan ang iyong emosyon dahil ang sundalong tulad mo ay nararapat lamang na matibay ang kalooban. Like your cousin Patricia Faye." Tinapik-tapik naman ni Retired General Artemeo Aguillar I ang balikat ng apo.
Speaking!
"Nasaan pala ang babaeng iyon, Lolo? Aba'y simula dumating kami ay hindi ko pa nakita ah. Mabuti na lamang at sinamahan kami ng mga taga-Camp Villamor sa paghatid sa mga bangkay." Sa pagkarinig sa partner at pinsan niya ay napalinga-linga siya. Kaso wala siyang nakita.
"Tsk! Tsk! Nandito ako, Captain Aguillar. Aba'y natural na sinamantala ko rin ang pagkakataong nandito tayo. I visited my Mom and Dad. Baka ako ang gawing eksperimento ni Jerome." Patricia Faye is walking towards them while giggling.
"Oh, ayan na pala ang pinsan mong mas matapang na yata sa iyo," nakangiti na ring wika ng kanilang abuela nang nasilayan ang isa pang apo o ang dalagang si Patricia Faye.
"Yes, Grandma. Aba'y ang Captain Aguillar na iyan ay babarilin na nga ng kalaban ay ipapakita pa ang sarili." Hagikhik pa ng dalaga.
Hate na hate niya ang tahimik na paligid. Mas gugustuhin pa niya ang maingay kaysa dinaig pa ang punerarya sa kaseryusuhan.
"Really? Oh, don't do that again, my heir." Sakay pa ni Grandpa Sablay.
Paraan lang naman nila iyon upang pagaanin ang pakiramdam ng apo nilang nag-eemote dahil sa pagkalagas ng sampo nitong tauhan. Hindi nga sila nagkamali dahil nag-angat ito nang paningin at iginagawi sa apo nilang babae na wala na yatang kasing-sutil.
"Teka lang, Patricia. Aba'y maka-Aguillar ka ay parang sa ibang lahi ka nanggaling ah. Aba'y ikaw na nga itong inalala ko dahil sumabog ang tower---"
"Natural, Sir Aguillar. Boss naman talaga kita ah. Captain Aguillar ka samantalang Lieutenant Mondragon ako. Kapag nasa battlefield tayo ay walang kamag-anak at walang kaibigan. Inutusan mo akong kunin si Agila kaya't kinuha ko lamang. Ngunit kung sinabi mo sigurong use Agila in the tower ay ganoon ang ginawa ko. Well, pasalamat ka pa nga dahil nahablot kita dahil kung hindi ay ikaw ang ihinatid ng mga tauhan mo. Kaya't puwede bang huwag kang iyakin. We are running out of time. Kaya't kung ako sa iyo ay magpabango ka na lang huwag nang maligo. Iyan ay kung gusto mong madiligan ang nobya mo."
Huli na! Huli na upang bawiin ng dalaga ang bulgar niyang salita! Dahil napahalakhak na ang mga ninuno nila!
"Kababae mong tao ngunit bulgar ang bibig mo," nakatawang saad ng Ginang.
"Grandma as in Grandma. Huwag na ang LoLa dahil para lamang kay La Germania ang terminong iyan. Alam ko namang slightly errors lamang po iyon. Kaya't hayaan na natin---"
Kaso!
Nagsisimula pa lamang umingay ay tuluyan nang naging maingay. Dahil na rin sa mga bagong dating. Ang La Germania ay nasa kabahayan!
"Well, well, well. Dahil nangangailangan ng moral support ang mahal nating pinsan ay patatawarin muna kitang Bitchichay ka. At saka tumabi ka muna dahil magbibigay muna kami ng galang sa mahal nating Lola at Lolo." Pabirong pagpapatabi ni Charlotte o La Germania.
La Germania naman kasi ang bansag nila sa kaniya dahil sa Germany siya nakatira at bihirang nasa Pilipinas. Kagaya sa pagkakataong iyon. Well, hindi siya nag-iisang dumating. Nasa bansa sila ng asawa niyang Koreano! Si Buyeo Jang.
"Ay, teka lang, pinsan. Aba'y may pakpak na ba kayong mag-asawa? Susme, halos kadarating ko lamang pero wala naman akong naramdamang nakasunod sa akin eh. Saan ba kayo dumaan?" Nagpaikot-ikot pa si Patricia Faye sa bagong dating at animo'y sinisigurado kung tao ba ang kaharap o multo!
"We used chopper from Manila to Baguio, hipag. Sa Camp Villamor lumapag ang sinakyan namin kaya't kamo hindi mo namalayang may sumunod. By the way, salamat sa pinsan mo at natuto akong magtagalog," ani Jang sa hipag nang nakapagbigay-galang na silang mag-asawa.
" At ang masasabi ko sa iyo, bayaw, mahirap ang mawalan ng mahal sa buhay. Maaring mga tauhan mo lamang sila ngunit dahil nakasama mo sila ng matagal, naging comrades and friends. Ah, I heard it from Tito Pierce in Manila that's why I know the story. Ngunit isipin mo sanang hindi sila matutuwa kung masayang ang kanilang sakripisyo. Namatay man sila ngunit mananatili sa isipan ng mga tao na naging bayani silang lahat. At kung hayaan mong talunin ka ng emosyon mo as Lolo and Lola says, baka babalik sila rito sa mundo at multuhin ka. Stay strong, bayaw. With your kindness and love to the people, God will surely bless you all the way," mahaba-habang pahayag ni Jang sa bayaw.
Kaso!
"Akala ko ba ay ako ang lady priest? Mukhang nagkabaliktad na ah, my love?" Pangangantiyaw pa ni Charlotte.
"Pahiram mo muna, La Germania. Ikaw naman, asawa mo iyan eh." Hagikhik pa ni Patricia Faye.
Kaya naman ay tuluyan nang napangiti si Artemeo DOS. Napakasuwerte niya talaga dahil nabiyayaan siya ng supportive na pamilya. Idagdag pa ang bayaw nilang Koreano.
"Maraming salamat sa inyong lahat. Alam ko namang pinapagaan ninyo ang pakiramdam ko and it help me alot. And yes, I will stay strong for my country and you as my family. At bago pa ako itakwil ng isa pang lady priest ay uuwi na muna ako diyan sa---"
"Hindi na kailangan, little brother. Dahil nandito na kami nina Mama at Papa. Mas itatakwil kita kung mas uunahin mo ang pagdidilig ng mahiwagang halaman kaysa get together nating pamilya." Pamumutol ng iba pang sumulpot o ang panganay na kapatid ni DOS kasama ang Mama Shiela at Papa JC nila.
Kaya naman!
Ang malungkot na araw ni DOS dahil sa mga tauhang namatay ay unti-unting napalitan ng saya. Dahil sumulpot ang iba pa nilang mga pinsan na nasa Baguio City.
They rock and roll the world.
They all belong to Aguillar Clan.