TWO

1144 Words
Military Barracks "Captain! Captain! Ang mga kalaban, sumugod!" Ang balitang dala-dala ng kapwa sundalo ng magpinsang Artemeo Aguillar II at Patricia Faye Aguillar Mondragon. Kasalukuyan pa lamang silang gumagawa ng plano para sa gagawing peace talk negotiation sa mga rebelde. Ngunit mukhang huli na para sa planong iyon. Dahil nilusob na sila. "Alertuhan ninyo ang mga kasamahan natin! Huwag kayong mag-panic!" "Ang tower man! Ihanda si Agila (machine gun)." "On your position! To all the corners!" Mga ilan lamang sa mga command na ibinigay ng magpinsan. Sila naman kasi ang itinalaga ng superior nila sa lugar na iyon. Nasa boundary sila ng Southern Luzon at Northern Visayas. Kung saan maraming mga rebelde na dumukot sa sa mga inosenteng tao. Ayon pa sa kanilang superior, may ilang banyaga sa mga bihag ng kanilang kampo. "Eagle one, sa kanan nandoon ang leader nila!" "Demayo, ten meters away from your back, sniper nila!" "Ang service car nila papalapit na! Agila, fire!" Muli ay command ng magpinsan. Sumasabay din naman sila sa palitan nang putukan ngunit dahil sila ang may hawak sa devices na maaring makita ang kinaroroonan ng kalaban ay sila na rin ang nagbibigay ng utos. "Sh!t! Kamuntikan na ako doon ah! Tang*ina kayong mga rebelde! Ayaw ninyong madaan sa magandang usapan, ito ang para sa inyo!" Sa galit at nerbiyos na lumukob sa pagkatao ni DOS dahil sa kamuntikang pagkabaril ay hindi na siya nagdalawang-isip pa. Tinanggalan niya ng pin ang dalawang granada saka itinapon sa kinaroroonan ng mga rebelde. Kaso! "Pinsan, mukhang full force attack na ito! Sa buong paligid na yata nanggagaling ang mga kalaban!" malakas na sigaw ni Patricia Faye sa pinsang namumula ang buong mukha. "Malamang at iyan ang katotohanan, Bitchichay! Pilitin mong makarating sa tower! Bago pa nila maisipang pasabugin! Alam ko namang Tarzan ka kaya't kunin mo si Agila. Now!" ganti na ring sigaw ni DOS. Kung sa ibang pagkakataon iyon at ganoon ang taas ng boses niya ay siguradong lumipad na siyang walang pakpak. Ngunit alam niyang mauunawaan siya nito. They are all in trouble! Kaya't bawal ang balat sibuyas! "Mag-ingat ka, pinsan." Pahabol niya nang patalihis na itong nagtungo sa kinaroroonan ng tower kung naroon ang machine gun nila. "Ikaw din, pinsan. It's been a while since we go back home in Baguio City. Kaya't mag-ingat ka rin," tugon nito bago nagpatuloy. Alam naman niya ang nais nitong tukuyin basta pag-uwi ang sinasabi. Ang babaeng pinakamamahal niya. But it's not the time in fantasising her. They are in the middle of battlefield! Marami pang panahon para sa bagay na iyon. "F*ck! Ayaw n'yo talagang tumigil ah!" Napamura siyang muli lalo at kitang-kita niya ang ilang kasamahan na pilit din lumalaban. "Dinosaur (radioman)! Dinosaur! Call a back up now!" sigaw niya nang namataan ang radioman nila. Kaso pagapang itong lumapit sa kaniya at iniabot ang radio. "Captain, ikaw na ang tatawag kay Boss. I'll cover you up." Naiinis man siya dahil ipinasa pa sa kaniya ang trabaho ngunit tinanggap pa rin niya. "Tiger one! Tiger one! This is Eagle Two! We are currently under attacked! We need backup, ASAP!" Inulit-ulit niya ang mga katagang iyon upang makasiguradong makuha ang atensiyon ng superior nila. Pagkatapos niyang tumawag at humingi ng back up ay ibinalik niya sa radioman nila. Itinuon niyang muli ang atensiyon sa pakikipagbarilan. "Captain! Captain! Si Agila!" malakas na sigaw nang papalapit ding kapwa sundalo. Kaya't dali-dali siyang napalingon sa tower kung saan niya pinapunta ang pinsan niya. "No! Hindi ito maari!" "Huwag, Captain! Ikaw ang isusunod nilang patayin kapag magpakita ka!" "At ano ang gusto ninyong gawin ko hayaan ko na lang ang pinsan kong mamatay?!" "Pero---" Hindi na niya hinintay na matapos ang tauhan at mas hindi siya nagpapigil. With his M16 riffle, nakipagsabayan siya sa wala na yatang katapusang kalaban. Kailangan niyang mailigtas ang pinsan niyang Bitchichay. Kaso! Bago pa siya makalapit ay tuluyan nang sumabog ang tower! "Patricia! No! Patricia!" sigaw at pagtawag niya sa pinsan! At dahil na rin sa lakas nang pagsabog ay bahagya siyang tumilapon. Ngunit dali-dali siyang tumayo at muli sanang babalik sa sumabog na tower subalit may poncio pilatong humablot sa kaniya. "Tang*na! Magpapakamatay ka ba, Aguillar? Saan ka pupunta?!" singhal pa nito. Doon niya napagtanto na walang ibang humablot sa kaniya kundi ang Bitchichay niyang pinsan. "Pinsan!" Nakakalalaki man ngunit inaamin niyang naiyak siya dahil sa sari-saring emosyon. Niyakap pa nga niya ito dahil sa tuwa. "Tsk! Nasa giyera tayo kaya't huwag kang magdrama! Ang sabi mo ay kunin ko si Agila hindi ang bantayan ito. Wake up man. Kaysa ako ang pagpistahan ng mga hayop na barilin ay sa kanila ko na ipinain ang tower. Kaya't huwag kang duwag. Tsk! Let's go!" anito kasabay nang muli nilang pakipagsagupaan. Then... After few minutes of fighting against those rebels. They heard a new sounds up in the sky! Their backups arrived, finally. "We did it, pinsan!" aniya dahil sa wakas ay dumating ang mga back up nila. "Tado eh! Ano ba, pinsan! Ikaw ang kapitan eh, ikaw pa ang iyakin!" singhal ni Patricia Faye kaso dali-daling itinulak ang pinsan dahil ang service car ng mga rebelde at naglalaman sa machine gun din ay papalapit sa kinaroroonan nila. Kaya't hindi na rin siya nagsayang ng panahon. Pumuwesto siya sa may kalakihan at natumbang kahoy saka inasinta si Agila. "Mga hayop kayong mga rebelde! Sige, kung ubusan ng lahi ang gusto ninyo ay ibibigay ko!" Ngitngit niya kasabay nang sunod-sunod niyang pagkalabit sa half-loaded machine gun. Hindi siya tumigil hanggat hindi niya natamaan ang sasakyan. "Bullseye! Damn you rebels! Ayan tustado na kayong lahat!" sambit niya saka muli tumakbo palapit sa kinaroroonan ng pinsan niyang abalarin sa pakikipagbarilan. "Call all our remaining team, Captain Aguillar. Bago pa nila pulbusin ang lugar na ito. Look, they're using aerial bombs. Oras na tamaan ang mismong barracks ay tayo ang paglalamayan!" aniyang muli. In emergency cases, mayroon silang DRUM o devices upang alertuhan ang bawat isa. "DRUM, one hundred meters away from the perimeters. Now!" Captain Aguillar ordered. Hindi nga sila nagkamali dahil makalipas ng ilang minuto ay sunod-sunod na ngang aerial bombs ang pinakawalan ng helicopter na pag-aari ng kampo. Few minutes later... Ang Military Barracks sa boundary na iyon ay puro apoy na ang nakikita. Dulot ng mga bombang pinakawalan ng helicopter o ang backup nila ay nagliliyab na ang barracks ng grupo ni Captain Artemeo Aguillar. Sa isang daang sundalo na itinalaga ng superior o ang General sa lugar na iyon ay kalahati na lamang ang mga survivors. Ganoon pa man ay inipon nilang lahat ang mga magigiting na kawal dahil kailangan nilang ihatid sa kani-kanilang pamilya. It's hurt but he need to accept that ten among the corpses were from his own men. And he need to take care of them as he will ask his superior to let him accompany them in going back home in Baguio City.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD