Umupo na kaming lahat at nagsimula na. Doon ko na rin napansin ang napakaeleganteng set up ng lamesa para lamang sa dinner na ito. The table was a masterpiece of elegance. The long dining table was draped in a luxurious white tablecloth that flowed gracefully to the floor. A delicate table runner in a soft, shimmering gold ran down the center, catching the light in the most enchanting way.
Ang bawat place setting ay maayos na nakaayos: puting dinner plates sa ibabaw ng elegant na charger plates. Ang cutlery, shiny at polished, ay nakaayos ng maayos—mga fork sa kaliwa, at knives at spoons sa kanan. Ang mga baso, crystal clear at kumikislap, ay nakalagay sa itaas ng mga knives—water glasses at wine glasses, bawat isa ay naka-set na maayos. Ang mga napkin, naka-fold sa magandang hugis at nasa silver napkin rings, ay nagbibigay ng dagdag na sophistication.
The ambient lighting was perfect, with dimmed chandeliers and softly glowing candles creating a warm and intimate atmosphere. Gentle, classical music played in the background, enhancing the refined setting without overpowering the conversation.
Sa kakagala ko ng aking mga mata, unintentionally ay nahagip ng mga mata ko si Gael na nakatingin sa akin. Nang magsalubong ang mga mata namin ay bigla siyang umiwas ng tingin at nagkunwaring inaayos ang kanyang coat. Hindi ko na rin iyon pinansin at itinuon na lang sa iba ang atensyon ko.
Hindi na rin namin nahintay ang kapatid ni Maxine dahil accordingly ay baka matatagalan pa ang dating nito. Hindi ko rin inaasahan na kaharap ko sina Maxine at Gael sa hapag na ‘to. It feels awkward pero hindi na lang ako nagpahalata. Sa tabi ni Maxine ay may bakanteng upuan para sa Ate niya, at sa tabi naman non ay si Noah. Habang katabi naman ni Enzo si Lucas at ang kararating lang na si Axel.
Sa totoo lang ay palaisipan sa akin kung kilala ba ako o nabanggit ba ako ni Gael sa mga pinsan niya. Nang dumating kasi si Axel ay kita ko ang makahalugang tinginan nila at ng ibang mga pinsan nito habang pinapakilala nito ang sarili sa’kin.
Masaya ang naging kuwentuhan nila. Minsan ay sumasabay ako, minsan naman ay nakikinig lamang ako sa kanila. Pansin ko na sobrang close ni Maxine sa mga pinsan ni Gael. Si Axel, siya ang pinakakuwela sa kanila. Si Noah, siya iyong medyo tahimik lang. Si Lucas ay may pinaghalong Axel at Noah.
Ngayon, pinag-uusapan nila ang kanilang mga pinagkakaabalahan sa buhay. At base sa narinig ko, si Axel ay may pinapatayong bar. Lucas is busy with his restaurant. Noah’s trying to shift his career from business to arts.
Tahimik akong nakikinig sa kanila nang bigla akong tinanong ni Lucas.
“How about you, Ms. Isidro?”
Lahat ng mga mata nila’y nasa sa’kin at hinihintay ang sagot ko.
Nagpunas muna ako ng bibig bago sumagot, “I am working as a model at AVB, the same brand where Enzo works.”
“How long have you been working at AVB?”
“For two years already,” I answered.
Gael interfered with the conversation, “What were you doing before that?”
“I worked as Enzo’s personal assistant.”
Lahat sila’y nagulat sa naging sagot ko maliban kay Maxine.
“Oh, so you were a personal assistant and suddenly promoted as a model with no experience at all.”
Napatingin ang lahat sa kararating lang na bisita. Kung hindi ako nagkakamali ay ito na yata ang kapatid ni Maxine. Base sa itsura niya ay parang magkasing-edad lamang kami. Biglang tumayo si Maxine para salubungin ang Ate niya. Tila may binulong pa siya rito bago ito humarap sa amin.
“Ah, Michaela, she’s my Ate Maurene.”
I smiled and slightly bowed at her.
“Excuse me, but what did you say a while ago, Maurene?” Enzo asked. Kalmado ang pagkakatanong niya ngunit halata sa ekspresyon ng kanyang mukha
“Hmm. I said, she was your personal assistant but later on became a model. How is that possible, my dear cousin? Did she seduce you or something?” Saka siya napatingin sa akin. “Tell me your secret, dear.”
Dahil sa pagkabigla ay hindi agad ako nakasagot sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan kung bakit parang galit na galit siya sa akin kahit ngayon lamang kami nagkakilala.
“Ate!” mahinang pagsita sa kanya ni Maxine. “What do you think you’re doing?”
“What?” She laughed and looked at us like she did say anything wrong. “I just asked. There’s nothing wrong with that unless she’s guilty.” Muli siyang tumingin sa akin. “Are you guilty, Ms. Isidro?”
I smiled and shook my head. “I am not guilty nor offended by your assumptions.”
“See? G na g kayo when in fact the other party is not even bothered.” She rolled her eyes.
"I'm rather surprised by your assumptions, Ms. Maurene. It's not something a decent person would do to judge someone they've just met for the first time."
Rinig ko ang impit na pagtawa ng mga pinsan ni Gael. Si Enzo naman ay napahawak sa kamay kong nakapatong sa lamesa.
“What did you just say?” pikon na tanong niya.
“Maurene, you started it. Hindi ko hahayaan na bastusin mo si Michaela. First of all, Michaela became a model because we’ve seen her potential and beauty. Pumunta kami rito because your sister invited us for dinner. Hindi mo lang pinapahiya ang sarili mo, Maurene. Pinapahiya mo rin pati si Maxine,” ani Enzo.
Napatayo si Maurene and she glared at me, “Why is it my fault now? Sino ba ang nagsimulang bastusin ako? Do you even know who I am, young lady?”
“Maurene, stop it!”
Natahimik ang lahat nang magsalita si Gael. I can sense anger by the tone of his voice.
“Show some decency, Maurene. Because between the two of you, you were the one who started everything. Please leave the room now.”
“What?!”
“Ate, you already heard what Gael said, right? Leave now, please.”
Tinapunan niya ako ng masamang tingin bago nag-martsa paalis ng silid na ito. Maxine excused herself after a while para sundan ang Ate niya. She even said sorry about what happened before she left the room.
A silent and cold atmosphere enveloped this dining room. Tila pare-parehas kaming nagulat sa nangyari. Ngunit sa kabila ng katahimikang iyon ay bigla nitong binasag ni Gael na ikinagulat ng lahat ng tao rito.
“Michaela, are you okay?” he asked, and based on the tone of his voice, you can say that he is genuinely concerned.
I gulped, and couldn’t breathe.