"Why?" kunot-noo niyang tanong. Kanina pa kasi panay ang tingin nit Dok. Allie sa kanya.
"Mukhang maayos ang naging tulog mo kagabi, ah!" anito. Katulad niya ay naghahanda na rin ito sa unang araw ng gagawin nilang medical mission.
Totoo ang sinabi nito. Ang buong akala niya ay hindi siya makakatulog dahil sa mga bagay na kanyang iniisip, but she was wrong! Dahil pagkatapos niyang maligo kagabi ay agad siyang nakaramdam ng antok. Ni hindi na nga niya natapos ang kanyang binabasang libro kagabi, eh!
"Dahil sa sobrang pagod siguro?" sagot niya.
"Hindi, ano! Dahil kahit anong pagod at haba ng duty mo, hindi ka kaagad makatulog! Kaya nga nagtataka ako kagabi ng katukin kita sa kwarto mo tapos hindi ka sumasagot, iyon pala, tulog ka na!"
"Nakatulong din siguro na presko ang hangin saka tahimik ang buong paligid kaya nga siguro nakatulog ako," pangungumbinse pa niya.
Nagkibit-balikat lang ito bilang tugon.
Saktong alas siete ng umaga nang mag-umpisa na silang tumanggap ng mga pasyente. Libre ang lahat magmula sa konsultasyon, mga basic laboratory tests at pagbibigay ng tama at kumpletong gamot sa bawat isa. Meron ding dental check ups at free hair cut sa lahat. Nakakalungkot lang isipin na kahit saan man siya makarating, mga bata at matatanda ang kadalasang dinadapuan ng sakit.
"Kailan pa po ba ang lagnat niya?" tanong niya sa isang Nanay na bitbit ang anak. Halata ang pag-aalala sa mukha nito.
"Pangalawang araw na po ngayon, Doc," anito. "Pinainom ko na po siya ng paracetamol ngunit saglit lamang na bumaba ang lagnat. Akala ko nga po kahapon ay okey na siya ngunit kinagabihan ay inapoy na naman po ng lagnat."
Tatlong taon pa lang ang bata, kababakasan ito ng malnutrisyon. Nang suriin niya ito, nakita niyang namamaga ang lalamunan nito.
"Ito pong gamot niya sa lagnat ay tuwing ikaapat na oras ang pag-inom habang ito namang antibiotic ay tatlong beses sa isang araw. Palagi niyo rin pong painumin ng tubig ang anak niyo," aniya. "Hangga't maaari rin po ay pakainin niyo ng gulay at isda ang baby niyo."
"Opo. Maraming salamat po, Doctora."
"Walang anuman po. Mag-iingat kayo sa pag-uwi."
Habol niya ng tingin ang mag-ina. Hindi niya mapigilang maawa sa kalagayan ng mga ito. Base na rin kasi sa obserbasyon niya, mukhang hindi rin maganda ang pinagdadaanan ng ina. She seems to be in distress.
Napahinga na lang siya nang malalim. All she could do was pray that the coming days be all well for them.
She was about to take a quick break when she heard murmurs. And when she glances in front of her, a man stands mighty among all the crowds. Hula niya ay nasa anim na talampakan o higit pa ang taas nito at bawat parte ng katawan nito ay nasa tamang lugar. Broad shoulders, and biceps, and even if she can't see his abdominal muscles, she could tell that it is also in its perfect place.
Marahan niyang ipinilig ang kanyang ulo nang mapagtanto ang kanyang mga naiisip.
"Talaga ba, Camila? Nakita mo na ba ang buong katawan nito para malaman kung nasa tamang lugar ba ang lahat ng mga muscles nito?" sigaw ng isang bahagi ng kanyang isipan.
Nang magtaas siya ng tingin at magtagpo ang kanilang mga mata, hindi niya inatrasan ang malagom nitong mga titig. Then she smiled at him kahit pa malakas ang t***k ng kanyang puso.
Bigla siyang kinabahan na hindi niya mawari!
"Papel niyo po?" tanong niya. Bago kasi umabot sa kanila ang mga pasyente ay naitanong na at naisulat ang ilang personal na impormasyon at kung ano ang mga nararamdaman.
"I didn't come here for that." Mahina ang boses nito ngunit may diin ang bawat salita. "I'm perfectly fine."
"So, ano pong kailangan nila?" tanong niya ulit.
"I invite the whole team for dinner later. A small gesture para sa pagpunta niyo dito sa isla," anito.
"Hindi na po kailangan-"
"I insist, Doctora Camila!" She was cut off by him. And was stunned to know her.
Hindi niya maiwasang titigan ang lalakeng kaharap. His aura exudes authority and it radiates around him. Ang mga titig nito, wari bang pati kaloob-looban mo ay inaarok. Hindi siya madaling ma-intimidate sa isang tao ngunit iba ang hatid na kilabot ng lalakeng kaharap.
"Romano, nandito ka pala!" Narinig niyang bulalas ni Mang Rico. "Nagkakilala na pala kayo ni Doctora Camila!"
Bumaling naman ang matanda sa kanya, nasa mga labi nito ang tuwa. "Magandang umaga, Doctora! Si Romano ang siyang namamahala sa buong isla!"
Ngumiti siya rito. "Opo, Mang Rico! Ang buong akala ko nga po ang magpapa-check siya!"
"Hindi na kailangan, Doctora! Mas malakas pa sa isang toro itong si Romano! Kung alam mo lang!" Kapagkuwan ay bumaling ito kay Romano saka may ibinulong rito.
Tumango lang ang huli. Maya-maya pa ay namaalam na sa kanya ang matanda. May importante pa raw kasi itong gagawin.
"I'll be expecting all of you later. Ipasusundo ko kayo kay Mang Rico," untag ni Romano.
Tumango siya. "Pasensya na po kayo dahil hindi ko man lang kayo nakilala."
"No worries. Just cut the word "po."
"Yes po!"
Napakagat-labi siya sabay sabay hingi ng pasensya.
"Romano will do."
Unti-unti namang napawi ang kanyang mga ngiti nang magtama ulit ang mga tingin nila ni Romano. May kung ano kasing hiwaga ang mga titig nito. Parang ang daming sinasabi ng mga tingin nito sa kanya!
Pretty!
"Huh?" aniya. Out of nowhere kasi ay parang may narinig siyang nagsalita! "May sinasabi ka ba?" tanong niya sa kaharap.
Umiling ito pero hindi pa rin maalis ang mga titig sa kanya.
Hindi niya maiwasang magtaka dahil malinaw sa kanyang pandinig ang mga salitang narinig. Sa huli ay ipinagsawalang-bahala niya ang bagay na iyon.
Hindi rin nagtagal si Romano ngunit hindi ito umalis hangga't hindi siya umo-oo sa paanyaya nito. Hindi tuloy niya maiwasang mailang lalo na at kumuha ng atensyon ang pagdating nito kaya wala siyang nagawa kundi pumayag. Sabagay, sila naman lahat ang inanyayahan nito kaya kahit paano ay nakampante siya.
Saka nawala rin sa kanyang isipan ang mga nangyari dahil naging abala sila buong maghapon. Maraming dumating na pasyente pero mabuti na lamag at nakaya nilang tulungan ang lahat. It was already four o'clock in the afternoon when the last patient came in na lubos niyang ipinagpasalamat dahil nananakit na rin ang kanyang likod. Pagod na rin siya at wala siyang ibang gustong gawin kundi ang magpahinga. Kaya pag-uwi niya sa bahay na kanilang tinutuluyan, diretso siya agad sa kanyang kwarto upang magpahinga. Mabuti nga at nagawa pa niyang makapagpalit ng damit.
"Oh my God! This is heaven," sambit niya pagkalapat ng kanyang likod sa malambot na kama. Mariin niyang ipinikit ang mga mata upang umidlip ngunit naging tukso naman sa kanyang pandinig ang tunog ng mga alon. Dumagdag pang papalubog na ang araw kaya medyo malamig na ang simoy ng hangin.
Sa huli ay nagpasya siyang magtungo sa tabing dagat. Hindi aabutin ng limang minuto bago niya iyon marating.
"Doktora, saan po ang punta niyo?" tanong ni Mang Rico sa kanya ng makita siya nito sa labas.
"Sa tabing dagat lang po," aniya. "Okey lang naman pong pumunta roon 'di ba?"
"Aba'y oo naman! Makakaasa kang walang mananakit sa iyo rito!"
"Maraming salamat po."
"Walang anuman, Dok. Babalikan ko na lang kayo kapag ihahatid ko an kayo sa bahay ni Romano."
"Sige ho."
Pagkaalis ng matanda ay exited siyang nagtungo sa tabing dagat. Hanggang ngayon ay manghang-mangha pa rin siya sa ganda ng isla lalo na sa dagat na nakapalibot rito kung saan mangasul-ngasol ang kulay. It brings serenity to her.
Pagkarating niya sa dalampasigan ay hinubad niya ang suot na tsinelas saka dinama ng kanyang talampakan ang mga buhangin. Mainit iyon ngunit masarap sa pakiramdam. Hindi niya maiwasang mapangiti lalo na nang maramdaman niya ang paghamapas ng hangin sa kanyang mukha. Ang kaninang pagod na kanyang nadarama kanina ay unti-unting nawala.
Sa huli ay naupo siya sa buhanginan at hinayaang abutin ng mga alon ang kanyang mga paa. She just sit there, alone but at peace.
But not for long. Maya-maya pa kasi ay napalingon siya ng maramdamang may papalapit.
It was Romano.
Agad niyang ibinalik ang tingin sa karagatan. Not that she's afraid by him but by the way her heart beats eratically. Hindi niya alam pero naging mabilis ang pagrigidon ng kanyang puso ng makita ito.
"You're here," pabulong nitong sambit sa kanyang likuran. "Ang sabi ni Mang Rico nagpapahinga ka."
"Sana. Kaya lang mas nanaig ang kagustuhan kong magpunta rito sa tabing dagat kaya nagpunta ako rito," paliwanag niya. "How about you? What brought you here?"
Nang lingunin niya si Romano ay matiim ang pagkakakatitig nito sa karagatan. Pagkuwan ay umupo ito sa tabi niya kaya ng lumingon ito sa kanya ay magkalapit ang kanilang mga mukha.
"I just want to see you. To know you more," diretso nitong sagot habang titig na titig sa kanyang mukha.
"No!" mariin niyang tanggi. "Maraming babae dito sa isla-"
"Too late, Doc. You already captured my attention," putol nito sa kanyang sinasabi. "At kung may gusto man ako dito sa isla, kasal na siguro ako noon pa man."
Oh my God!