Dapit-hapon nang dumating ang kanilang grupo sa Isla Veneracion kung saan gaganapin ang medical mission na taunang isinasagawa ng ospital kung saan siya nagta-trabaho. Dahil bago sa naturang ospital, ito ang unang beses na nakasama siya. Atubili pa siya noong una dahil sa isang secluded island sila idi-deploy. Mabuti na lamang ay nagpasya siyang sumama pa rin dahil kung hindi ay pagsisisihan niya ang hindi pagsama!
Bakit hindi?
Sobrang ganda ng isla! Magdidilim na ngunit kitang-kita pa rin niya ang luntiang paligid kung saan mayabang na nakatayo ang mga puno na sa hula niya ay daang taon na ang tanda. Ang huni ng mga ibon ay tila mga musikang sumasabay sa galaw ng bawat puno. Presko at malamig ang samyo ng hangin na pumawi sa kanyang pagod mula sa halos walong oras nilang biyahe patungong isla.
Serene. The exact word she can describe the place. Isang paraiso ang islang iyon para sa kanya. At kung bibigyan siya ng pagkakataon na doon tumira ay gugustuhin niyang doon manatili.
Habang naglalakad patungo sa tutuluyan nilang bahay ay hindi mawala ang ngiti sa kanyang labi. Mukhang mag-i enjoy siya habang nasa isla!
"Doktora, pasensya na po kayo! Medyo ilang minuto rin ang lalakarin natin bago marating ang tutuluyan niyo," maya-maya ay narinig niyang sabi ni Mang Rico.
"Okey lang po, Mang Rico. Kahit pagod ho kami sa biyahe ay hindi ho namin alintana dahil sa ganda ng lugar. Bukod po sa sariwa ang hangin, tahimik pa ho ang paligid. Hindi katulad sa lungsod na napakaingay!"
"Oo nga! Hindi po ito ang inaasahan kong daratnan sa isla! Ang buong akala ko ay napag-iwanan ng panahon ang lugar na pupuntahan natin pero hindi pala!" sabad naman ng kapwa niya doktor na si Doc Allie. "Saan ho pala nanggagaling ang source ng kuryente dito sa isla, Mang Rico?"
"Galing sa hydroelectric power ang main source ng kuryente sa buong isla. Tatlong talon ang gumagana para makapag-produce ng kuryente. Sa ngayon, mukhang may plano na ring mag-invest si Romano sa mga solar technologies."
Kaya kahit malayo sa kabihasnan ang isla, updated din naman sa mga makabagong kagamitan. Ang kaibahan nga lang, napanatili ng lugar ang natural nitong ganda. At mukhang hindi pa abot ng internet ang lugar dahil makailang beses niyang tiningnan ang kanyang cellphone ngunit wala talagang signal.
"Naku, Doc! Wala talagang signal dito sa isla!" sansala ni Mang Rico ng makita siyang panay ang tingin sa kanyang cellhpne. "Radyo ang gamit dito sa tuwing kakailanganin namin ng komunikasyon sa kabihasnan! Si Romano rin ang namamahala noon."
"Romano?" tanong ni Doc Allie.
"Opo! Siya ang punong tagapamahala dito. Lahat ng desisyon na may kinalaman sa isla ay dumadaan sa kanya."
He must be powerful enough to run the whole island. Base kasi sa nakikita niyang kagandahan at kaayusan ng paligid, that Romano must have the means and authority to run everything!
"Nandito na po tayo!"
Natuon naman ang kanyang pansin sa bahay na kanilang tutuluyan. Bagama't yari iyon sa kawayan at pawid, malaki at maaliwalas namang tingnan. Bago pa man siya tuluyang makapaosk ay saglit siyang tumingin sa labas. Tuluyan nang kumalat ang dilim sa paligid at maririnig na huni ng mga panggabing kulisap kasabay noon ay ang tunog ng mga alon sa dalampasigan.
A smile formed on her lips. A paradise indeed!
Ngunit ang kanyang mga ngiti ay agad ring nawala nang may maramdaman siyang tila nakamasidsa kanya. Lumayo ang kanyang tingin sa madilim na bahagi ng kakahuyan, doon ay kitang-kitang niya ang tila dalawang bolang apoy! Mabilis siyang kumurap upang kumpirmahin ang kanyang nakikita ngunit wala na iyon pagtngin niya ulit!
Pinaglalaruan ba siya ng kanyang imahinasyon? Isang guni-guni lang ba nag kanyang nakita? O, baka pagod at puyat lang siya kaya kung ano-ano na ang nai-imagine niya? Pero, hindi eh! Ang bilis kasi ng t***k ng kanyang puso!
Maya-maya ay may narinig siyang malakas na alulong na animo galing sa isang malaking hayop na nasasaktan! Dahil doon ay mabilis siyang napapasok sa loob ng bahay!
"May mga ligaw na hayop po ba dito sa isla, M-Mang Rico?" bahagya pa siyang nautal nang magsalita. Sobrang bilis pa rin ng kabog ng kanyang dibdib dahil sa narinig.
Umiling ang matanda. "Wala po, Doc! Ang narinig niyong alulong ay galing sa alagang aso ni Romano. Kung bago ka lamang dito sa isla ay matatakot kapag narinig mo iyon ngunit kaming taal na tagarito ay sanay na."
Napabuntung-hininga siya nang malalim dahil sa narinig. Akala niya kasi kung ano na, eh!
"Wala naman kayong dapat ipag-alala dahil magmula noon ay wala kaming nabalitaan na nasaktan o nasawi nang dahil sa ligaw na hayop! Saka, hindi papayag si Romano na may masasaktan lalo na sa mga bumibisita rito sa amin," dagdag pa nito.
"Mabuti naman po kung gano'n, Mang Rico! Takot pa naman sa hayop itong si Doc Camila."
"Tunay nga po, Doc?" baling ng matanda sa kanya.
Nahihiya siyang tumango. "Hinabol po kasi ako ng aso noong bata pa ako. Sobrang takot po ang naging epekto noon sa akin na kahit hanggang sa pagtanda ay hindi an ho nawala."
"Gano'n ba? Ay siya, kung ganoon ang siywasyon ay makakaasa kang walang ligaw na hayop dito sa isla na maaari mong ikatakot!"
"Maraming salamat po, Mang Rico! Saka pasensya na rin ho sa abala."
"Walang anuman!" anito kapagkuwan ay itinuro nito ang mga magiging kwarto nila. "Magpahinga ho muna kayo saglit. Tatawagin na lang po namin kayo kapag handa na po ang hapunan!"
"Sige po. Thank you po ulit."
Nang makaalis si Mang Rico ay pumasok siya agad sa kwartong itinakda para sa kanya. Nanlalatang napaupo siya sa gilid ng kama. Hindi pa rin mawala sa kanyang isipan ang nakita kanina. Maniniwala sana siya sa paliwanag ni Mang Rico kung hindi niya mismo nakita ang dalawang bolang apoy sa kakahuyan! Batid niyang hindi siya namamalikmata lamang!
Nagsisimula na naman siyang kabahan kaya pilit niyang hinahamig ang kanyang sarili. Inabala na lang niya kanyang sarili sa pag-aayos ng kanyang mga gamit.
Ngunit tuluyang gumapang ang kilabot sa buo niyang katawan ng maramdaman niya ang malamig na simoy ng hangin sa loob ng kwarto. Nang lumingon siya sa gawing kaliwa, napansin niyang bukas pala ang bintana at inililipad ng hangin ang kurtinang nakakabit.
Dahan-dahan siyang naglakad palapit, pigil ang hininga. Tutol ang kanyang isipan sa ginagawang paglapit sa bintana ngunit iba naman ang gusto ng kanyang katawan. Bawat mga hakbang niya ay mabagal at magaan, takot sa kung anuman ang makikita niya.
Nang tuluyan siyang makalapit sa bintana ay dahan-dahan niyang hinawi ang kurtina. Huli na upang bawiin pa niya ang kanyang ginawa! Dahil kung bibigyan siya ng pagkakataon na ibalik ang mga nangyari, pipiliin niyang manahimk sa loob ng kwarto! Totoo nga namang, curiosity kills the cat!
Sino ba naman kasi ang taong hubo't hubad na naglalakad sa gitna ng gabi? And worst, bigla na lamang itong nawala pagkapasok nito sa loob ng kakahuyan!
Mukhang hindi siya makakatulog sa unang gabi pa lang niya sa isla! Kung dahil ba sa nararamdamang kakaiba sa isla o sa lalakeng hubo't hubad niyang nakita kanina? Hindi na niya alam.