NASA bayahe na sila, dalawang oras na din ang nakakalipas matapos silang maalis sa may hotel. Napahawak siya sa kanyang tiyan nang biglang tumunog iyon. Hindi kasi sila ng breakfast pagkaalis nila kaya’t malamang ‘e gutom na siya. “Nagugutom ka?” tanong ni Diablo na ngayon ay nakaupo sa tabi niya. Tinignan niya ito. “Malamang, nagrereklamo na nga ang sikmura ko diba,” mahinang sagot niya at inirapan ang lalaki. “Grabe lalo ka talagang gumaganda kapag nagsusungit ka,” nakangising sabi ng lalaki sa kanya. Inirapan niya lang ang lalaki na tumawa lang sa kanya. Tapos bumaling ito sa mag-asawa sa kanilang harapan. “Mabuti siguro kung mag-stop over muna tayo sa malapit na cofffee para makakain tayo ng breakfast at kapeng-kape na kasi ako,” sabi ni Diablo sa dalawa. “Mabuti pa nga nagugut