Kabanata 16 HAPON na nang dumating sila sa may pangasinan public market. Kitang-kita niya mula sa may bintana ng sasakyan ang unti-unting paglubog ng araw. Hindi niya maiwasang mapangiti. “Kay ganda talaga panoorin ang pag lubog ng araw,” mahinang aniya. “Sinabi mo pa pero alam mo, mas maganda siyang tignan kapag sa dagat,” sang-ayon ni Maica. “True, oo pala, wala akong dalang pang swimming mayroon ba tayong pwedeng bilhan dito? At saka iyong mga toileres ko wala din ako, need ko bumili,” aniya. “Mayroon naman, bibili nga din ako ng swim suit para naman feel na feel nating ang bakasyon na ito, hihihi,” mabilis na sagot ni Maica. “True,” nakangiting aniya. MAYAMAYA pa ay nasa loob na sila ng public market, hindi niya maiwasang mapatingin sa mga naglalakihang hipon at nang hindi si