HINDI ni Marie kung matutuwa ba siya o maiinis sa inasta ni Diablo. Daig pa nito kasi bodyguard kung makabantay sa kanya. “Ano ka ba, paano makaka-enjoy si Marie kung lagi kang umaangal kapag iinom siya?" mamaya ay sabi ni Maica. Mukha napansin na nito na napipikon na siya sa pinsan nito. Lahat kasi ng basong para sa kanya ‘e dito na pupunta. “Oo nga, daig mo pa tatay ko ‘e. Kung ganiyan lang din lang uuwi na lang ako," aniya at akmang aalis na pero pinigilan siya ni Maica. “Huwag ka umalis, sis. Ikaw naman, insan mabuti pa’y humanap ka na lang chix mo, hmmm. Hayaan mong mag-enjoy si Marie, ngayon lang uli iyan ng bar," seryosong sabi ni Maica. Napabuntonghininga si Diablo at tinaas nito ang dalawang kamay na para bang sinasabing suko na ito. “Alright, do whatever you want," pags