Kabanata 23 TULAD ng inaasahan ni Marie marami tao ang dumalo ng misa kaya’t sa pinakadulo sila. Magkatabi sila ni Diablo dahil dalawang upuan na lang ng natira sa may unahan nila kanina kaya’t ang mag-asawa lang nakaupo hahang sila ay sa pinakalikod. “Nakakapagtaka…” mahinang aniya at tumingin kay Diablo na ngayon ay seryosong nakatingin sa may harap nila. Nagmimisa na ang pari nasa pinakadulong sila ng seremonya. “Peace be with you.” Napatayo siya nang marinig niya ang tao sa harap nila. Akmang magbibigay siya ng kapatawaran kay Diablo nang may naalala siya. Hindi pala kayang patawarin ang lalaki kaya’t kaagad siyang umayos ng tayo at tinikom ang kanyang bibig. “Peace be with you.” Narinig niyang sabi ng lalaki pero hindi siya lumingon sa gawi nito. MAYAMAYA pa ay nasa labas n