WALANG tigil ang paghikbi ni Venus habang naglalakad sa hindi familiar na kalsada. Wala ring tigil ang pagtulo ng kaniyang mga luha. Nanlalabo na rin ang kaniyang paningin dahil sa kaniyang mga luha na tila ayaw ng tumigil.
Pagkatapos ng kaniyang natuklasan about sa sarili. Halos hindi pa rin siya makapaniwala. Buong buhay niya hindi niya inisip na hindi pala siya tunay na anak ng Walton. Hindi rin sila magkapatid ni Marco.
Bakit tila may saya sa puso niya ng malaman niyang hindi niya tunay na kapatid ang lalaking nakabuntis sa kaniya. Pero naroon ang sakit dahil buong buhay siyang pinagsinungalingan ng taong itinuring niyang ina. Hindi man lang niya naisip na hindi siya nito tunay na anak dahil sa pagturing nito sa kaniya na tunay na anak.
"You don't belong to this family."
Tila tumigil ang mundo dahil sa sinabi ni Marco sa kaniya.
"You're lying" iiling-iling na sabi niya.
Kinakausap ang sariling huwag maniwala dito dahil sobrang sakit na.
"I'm not your brother and especially - we're not blood related and I don't want you to be my sister either." Marco added
Nanubig ang kaniyang mga mata at sunod - sunod na tumulo ang kaniyang mga luha. Pinunasan niya ang luha bago hinarap itong muli. "I'm not leaving here." iiling-iling na sabi niya.
"This is the only memory I have with Mommy. I'm not leaving this house. I don't believe you!"
inis na sigaw niya rito.
"Whatever! Kapag handa ka na, umalis ka na lang at huwag ng magpakita sa 'kin. Wala akong pakialam kung saan ka pupunta. I'll send you all the proof that you don't belong to this family." dinaanan lang siya nito na parang hangin na hindi nakikita.
Mariin siyang napapikit. Hindi pa siya handa. Ayaw niyang malaman kung ano ang totoo. Natatakot siya na baka nga totoo ang sinasabi ni Marco sa kaniya.
Sa ilang minuto niyang pagtayo sa labas ay narinig niya ang pagtawag ni Manang Lucy sa kaniya. Nakalapit kaagad ito sa kaniya at hinila siya papasok sa loob.
Nang makarating sa sala ay pinaupo siya nito sa couch.
"Manang Lucy, meron ka po bang nalalaman tungkol dito?" tila lutang na tanong niya sa taong nagbantay sa kaniya simula bata pa lang siya.
Hindi kaagad nakasagot si Manang Lucy. Tila nag-iisip pa ito.
"Manang Lucy, may alam ka po ba? Totoo ba ang sinabi ni Kuya? Hindi niya ako kapatid at hindi ako belong sa pamilya na ito?" nanginginig ang boses na tanong niya sa Ginang.
Napailing ito. "W-wala akong alam, hija. Walang sinasabi sa akin ang mommy mo. Ang totoo, ngayon ko lang din nalaman."
Muli siyang napapikit nang mariin kaya sunod-sunod na naman na tumulo ang malalaking butil ng luha mula sa kaniyang mga mata.
Bakit ngayon pa? Bakit ngayon lang niya nalaman ito?
"Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin 'to, Mommy? Ayaw kong maniwala pero paano nga kung totoo ang sinasabi ni Kuya. Wala akong lugar sa pamilya na ito. Iniwan mo akong napakaraming sekreto pala na dapat kong malaman. Sana sinabi mo na lang sa akin noon pa. Hindi yung ganito. Nagtatanong na lang ako sa kawalan." Umiiyak na sambit niya sa kawalan. Kaagad naman siyang niyakap ni Manang Lucy.
" Tama na, hija. Tama na. Baka nagbibiro lang ang kuya mo. Baka naiinggit lang iyon sa 'yo o baka nagseselos kasi nga bading ang kuya mo."
Hindi niya napigilan na mapatingala kay Manang Lucy dahil sa sinabi nito. Ang seryoso niya pero nagawa pa nitong magbiro.
Alam niyang hindi ito bading dahil naaalala niya ang gabi noong may nangyari sa kanilang dalawa ni Marco. Napakagaling nga nito habang inaangkin siya ng puno ng pagnanasa.
Dapat ba na matuwa siya dahil hindi sila magkapatid? Nakatakas siya sa kasalanang hindi dapat nila ginawa ng Kuya Marco niya dahil magkapatid silang dalawa. Dapat ba na matuwa siya kapag napatunayan na hindi talaga sila magkadugo.
"Narinig ko ang sinabi mo, Manang. Sino'ng bading? "
Nakita niya ang panlalaki ng mga mata ni Manang Lucy. Kaagad itong napatayo ng tuwid at hinarap ang hari sa bahay na ito.
"Sir, Marco kayo ho pala. W-wala ho. Yung aso sa kapitbahay parang bading kung tumahol" kaagad na pagsisinungaling ni Lucy.
"Take Venus to her room." utos ni Marco dito. "Ibigay mo rin ito sa kaniya." inihagis nito ang envelope. Mabuti na lang nasalo ito ni Lucy.
"Ayaw kong makarinig ng iyak na parang crying baby naririndi ako. Umalis ka na lang dito sa bahay ng tahimik pagkatapos mong makita ang mga patunay na hindi nga kita kapatid." bilin ni Marco tsaka sila nito tinalikuran.
Hindi niya na napigilan pa at tuluyan na siyang napahikbi. Niyakap niya kaagad si Manang Lucy. Niyakap rin naman siya nito.
" Monster itong kuya mo, Venus. Walang puso, hindi man lang ba naaawa sa 'yo?" sambit ni Manang habang yakap siya nito.
Hindi siya nakasagot. Panay lang ang kaniyang paghikbi.
"Halika na sa kwarto mo, baka bumalik pa iyon at kaladkarin ka palabas kapag narinig niya ang hikbi mo."
Wala na siyang lakas na tumayo kaya inalalayan na lamang siya ni Manang Lucy na tumayo at maglakad paakyat ng hagdanan.
Nang makarating sa kwarto ay ibinigay ni Manang Lucy ang envelope. "Gusto mo bang tingnan?" tanong nito na tinitigan niya lang.
Umiling-iling siya pagkatapos ng ilang segundo. "Ayaw ko."
"Paano? Anong gagawin natin dito? Sigurado ka ba na hindi mo titingnan? Baka naman hindi totoo ang sinasabi ng kuya mo. Tinatakot ka lang no'n."
Napapikit siya at unti-unti niyang kinuha mula kay Manang Lucy ang envelope.
Huminga siyang malalim bago niya binuksan ito. "Kailangan kong malaman ang totoo, Manang. Kahit masakit. Titiisin ko na lang para isahang sakit na lang ang mararamdaman ko."
Nalungkot si Manang sa sinabi niya. "Ikaw ang bahala hija. Gusto mo lumabas na muna ako."
Tumango-tango na lamang siya. Lumabas si Lucy sa pintuan ng kwarto niya. Naiwan siyang mag-isa.
Pinalipas niya muna ang ilang minuto bago niya sinubukan ulit tingnan ang laman ng envelope. Nang mabuksan ay hinugot niya mula sa loob ng envelope ang isang papel na medyo kalumaan na.
Napaawang ang kaniyang labi ng makitang may nakasulat sa papel. Pinunasan niya ang kaniyang mga mata dahil nanlalabo na dahil sa kaniyang pag-iyak.
Tinitigan niya muna ang papel bago unti-unting binasa ang nakasulat dito.
KUNG SINO MAN PO ANG MAKAPULOT SA ANAK KO, SANA PO MAHALIN AT ALAGAAN NIYO PO SIYA. HINDI KO NA PO KAYANG ALAGAAN SI VENUS DAHIL ISANG DOSENA SILANG MAGKAKAPATID.
Hindi niya na itinuloy pa ang pagbabasa sa sulat dahil tuluyan na naman siyang napahikbi.
Sa sulat pa lang, parang gusto niya ng sumigaw. Hindi niya kaya ang mga susunod pa niyang matutuklasan about herself.
Pero kahit nahihirapan ay pinagpatuloy niya ang pagbunot sa laman ng envelope.
Nabunot niya naman ang isang litrato ng baby nasa isang basket nakahiga. Naagaw ng kaniyang pansin ang nakasulat sa likod ng picture.
"Ang cute-cute ng batang ito. Ito ang pinakamasayang araw sa buhay ko dahil narinig ang panalangin ko na magkaroon ng babaeng anak." alam niyang sulat iyon ng mommy niya.
Napapikit na naman siyang muli. Ngayon maliwanag na sa kaniyang totoo ang mga sinasabi ng kuya Marco niya. Hindi ito nagsisinungaling.
Para siyang aso na itinapon lang kung saan.
NANLALAMBOT NA ANG mga tuhod ni Venus at nawawalan na ng lakas. Ilang oras na rin kasi siyang naglalakad pagkatapos niyang matuklasan ang totoo. Umalis kaagad siya sa bahay ng Walton. Walang lingon-lingon niya itong nilisan.
Kaya habang naglalakad panay rin naman ang kaniyang pag-iyak.
Hanggang sa hindi niya na nakayanan. Bumigay ng tuluyan ang kaniyang nga tuhod kaya unti-unti siyang bumagsak sa semento.
——
"Sir, Marco! Sir!" tumatakbo habang tinatawag ni Lucy si Marco.
Mula sa pagbabasa ng dyaryo ay ibinaba ito ni Marco at tiningala si Manang Lucy na halos nanginginig na ang boses.
"What is it, Manang? Bakit parang—"
"Si Ma'am Venus po! Yung kapatid niyo! Wala na ho sa kwarto niya."
Tila walang narinig si Marco mula dito. Napailing lang at tiningnan si Manang Lucy.
" I expected her to leave the house —pagkatapos ng lahat na matutuklasan niya. So, don't worry about her as if you were her real mother. Yaya ka lang ni Venus."
"Wala ba man lang kayong gagawin, senyorito? Kahit yaya lang niya ako. May awa naman ako sa batang iyon. Hindi niyo man lang siya pinigilan."
"Manang, she's not my real sister. Bakit ko siya hahabulin at pipigilan na umalis?"
"Pero—Sir, ibinilin siya ni Ma'am Maria sa inyo."
"Yes, but... she is the reason why Mommy died so why would I worry about her? Kung hindi sana siya ang dahilan ng pagkamatay ni mom. Sana pipigilan ko pa siya na huwag ng umalis." walang gana na sagot ni Marco. Napailing na lang si Manang Lucy.
" Hindi niyo po ba talaga susundan si Ma'am Venus?" muli ay tanong ni Manang.
Sinamaan kaagad ito ng tingin ni Marco. "Another word Manang baka pati ikaw ay paalisin ko."
Hindi na muling nagsalita pa si Lucy. Napakamot na lang ito sa ulo.
"Kawawa naman si Venus." tila pabulong na sambit ni Lucy.
"Huwag kang maawa sa babaeng 'yon. Nagawa niya ngang magpabuntis. Siguro naman tutulungan siya ng lalaking nakabuntis sa kaniya." inis na sabi ni Marco.
"Hindi lang mawala sa akin ang mag-alala. Napakabait na bata ni Venus. Lahat naman ng ayaw ni Ma' am Maria ay sinusunod niya. Ang hindi ko lang alam kung bakit nabuntis ang batang iyon. Maaga naman umuuwi 'yon galing sa school. Hindi iyon nagbabarkada. Kapag may gawain nga silang homeworks dito nila ginagawa ng bestfriend niyang si Cheska. Kaya nakakapagtaka kung bakit maaga siyang nabuntis?"
"There is evidence na malandi ang babae na 'yan. So, don' t defend that woman anymore. Just go back to the kitchen and continue your job."
Walang nagawa si Lucy kun' di sundin na lang ang sinabi ni Marco.
—
TANGHALI NA NANG MAGISING si Marco. Hindi pa kaagad siya makakabalik sa Manila dahil marami pa siyang inaasikaso.
Bumaba siya na topless kaya biglang nagulat si Manang Lucy nang bigla lang siyang tumambad sa harapan nito.
"Jusko na batang iri. Masyado naman binabalandra ang katawan." narinig niyang sambit ni Manang Lucy.
"May sinasabi ka ba, Manang?" tanong niya rito habang kumukuha ng tubig sa ref.
"Ay, wala ho, senyorito." Tumalikod si Lucy para asikasuhin ang kaniyang pagkain.
Dala-dala niya ang slice na apple patungo sa sala para tumambay lang muna at manood ng news.
Nakasanayan niyang prutas lang ang kinakain niya sa umaga paggising niya. Kahit na tanghali man siya magising ay gano'n pa rin ang kinakain niya.
Abala siya sa panonood ng news nang bigla na lang may magsalita mula sa main door.
"Hello, my dear nephew!" napalingon kaagad siya roon. Nasilayan niya ang kapatid ng mom niya na mula pa sa Davao.
Ngayon lang ito nagpakita. Sa burol ng mommy niya ay hindi ito pumunta.
Kaagad itong lumapit sa kaniya kaya napatayo kaagad siya para salubungin ito. "Who whispered to you to come here?" tanong niya kaagad rito.
"Wala naman. You know, hijo. Hindi ako nakapunta rito sa burol ng mama mo kasi wala ako sa Davao. May inaasikaso akong importante that day."
"It's okay, I know but why are you here?"
Tumawa ito. "I'm here for Venus." sagot nito tsaka sinuyod ang kabuuan ng sala.
"Nasaan siya?"
"Bakit? Anong gagawin niyo?"
"Kukunin ko si Venus. Ibinilin siya ng mama mo sa akin. Kaya kukunin ko siya."
"Alam kong hindi kaagad kayo papayag kung wala kayong makukuha."
Natawa na naman ito. "Ikaw talaga. Masama na bang alagaan ko ang pamangkin ko? Pamangkin ko si Venus and she's just only seventeen. Kaya dapat nasa akin muna siya."
"Wala siya dito." nakayukong sabi niya.
"Wala? Nasaan siya?"
"She left. I already told her everything and I know you know what I'm talking about."
"Ah, pinalayas mo ang fake sister mo? So sad naman for Venus. Sayang naman ang batang iyon nasa kaniya pa naman lahat nakamana at sa kaniya rin iniwan ng mommy mo ang bahay na ito. Siguro naman alam mo 'yon. Attorney discussed this with me." sarkastikang sabi ng tita Meriam niya.
"Ano?" ikinagulat niya ang nalaman mula dito. "Sa kaniya ipinamana ni mom ang bahay na ito?" halos hindi siya makapaniwala.
"Yup."
Biglang naikuyom ni Marco ang kaniyang kamao. Wala naman siyang pakialam dahil marami naman siyang pera at marami din siyang business na pinapatakbo. Barya lang sa kaniya ang bahay na ito.
"Mom, anong meron sa babaeng' yon bakit mahal na mahal mo? Sa kaniya mo pa ipinamana ang lahat. I'm your real son just asking for your attention." sambit niya sa kawalan habang nakakuyom ang kamao.
"Kung ako sa' yo, hahanapin ko na kaagad si Venus. Dahil maging ang shares ng mommy mo sa kompanya na pinapalago mo ay sa kaniya rin ipinasa ng mahal kong kapatid."
"Iyon ba ang dahilan kaya ka pumunta dito?"
"Well, sabihin na nating oo. Wala namang may care sa batang iyon. As if may pag-aalala ka sa batang iyon. I heard you didn' t like her as your sister. Kaya kung ayaw mong hanapin si Venus, ako ang maghahanap sa kaniya at dadalhin ko siya sa Davao."
Nang makaalis ang Tita Meriam niya ay kaagad niyang kinuha ang phone at tinawagan ang isa sa kaniyang tauhan na kasama umuwi dito sa probinsya.
"Ihanda mo ang kotse may pupuntahan tayo." maawtoridad na utos niya dito