MR. WALTON 8 - BACK HOME

1410 Words
Third Person's POV "Wala pa rin ba kayong balita sa pinapahanap ko sa inyo?" inis na tanong ni Marco sa inutusan niyang tao para hanapin si Venus. "Meron na boss. Nakita na po namin siya malapit sa tulay kasama ang mga hamog." "Hamog?" "Yes, boss. Nandito kami ngayon sa kinaroroonan niya." "Anong location niyan?" Ibinigay ng mga tauhan niya ang address ng kinaroroonan ni Venus. Kaagad siyang nagbihis para puntahan ito. Habang nagmamaneho ay kung anu-ano ang kaniyang naiisip lalo na sa sinabi ng kanilang attorney. "Kahilingan ng iyong ina na pakasalan mo si Venus. Iyon lang ang paraan para mailipat sa pangalan mo ang malaking shares ng mommy mo sa kompanya." Fvck! Hinampas niya ang manibela nang paulit-ulit na naririnig ang kataga ni attorney. Noon pa man ay sinabi na ng kaniyang ina na gusto nitong pakasalan niya si Venus. Paano niya pakakasalan ang babaeng kinaiinisan niya at higit sa lahat nabuntis pa ng iba. Hindi siya mahilig sa tira-tira. Isa pa parang kapatid lang niya ito dahil sa laki ng gap nilang dalawa. Inihinto niya ang kotse sa tabi nang makita ang kaniyang mga tauhan sa hindi kalayuan. Tinawagan niya ang isa sa mga ito. "Yes boss?" sagot nito. "Dalhin niyo ang babaeng 'yan sa akin. Kapag hindi sasama pilitin niyo o kaya takutin niyo. Wala akong pakialam kung paano niyo madadala ang babaeng' yan sa bahay." mariin na utos niya rito. habang tanaw si Venus na mukhang taong grasa na dahil sa suot nito na puno ng putik. —— Venus POV "Sumama ka sa amin." "S-sino kayo?" kinakabahang tanong ko sa mga ito. "Basta sumama ka na lang sa amin. Hindi ka namin sasaktan kung hindi ka papalag." Napaatras ako nang tuluyan na silang lumapit sa akin at hinawakan kaagad ng mga ito ang braso ko. "B-bitawan niyo ako!" pagsisigaw ko. "Ate!" sigaw rin ni Diday. Kararating lang nito kasama ang kaniyang mga kapatid at ina. "Diday, huwag kang lumapit dito. Huwag kayong lumapit baka madamay kayo rito." pigil ko dahil lalapit na sila sa akin. Ayaw kong madamay pa sila. "Sumama ka na lang sa amin para walang masaktan." "Sasama ako sa inyo. Huwag niyong saktan ang mga tao rito. Maawa kayo." pagmamakaawa ko. Hinila nila ako at ipinasok sa loob ng isang puting van. Narinig ko pa ang pagtawag at pagsigaw ni Diday. Tinakpan ng mga ito ang aking mga mata. "Saan niyo ko dadalhin! Maawa naman kayo sa 'kin. Wala kayong makukuha sa' kin. Mahirap na ako ngayon. Hindi niyo ba nakita nakatira ako sa tabi ng kalsada." pakiusap ko sa mga ito. "Manahimik ka na lang. Huwag mo na sayangin ang laway mo dahil kahit anong pakiusap mo hindi ka namin pakakawalan." Napapikit na lamang ako. Sunod-sunod na kamalasan na yata ang nangyayari sa akin. Ano ba ginawa ko para pahirapan ako ng ganito? Maya maya ay naramdaman ko ang paghinto ng van. Hinawakan na naman ng mga ito ang braso ko. Kabadong-kabado ako sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung nasaan ako. Tanging dilim lang ang nasisilayan ko dahil nakatakip ang aking mga mata. "Venus!" Lumakas ang t***k ng puso ko ng marinig ang boses ni Manang Lucy. Tama ba ang narinig ko? Hindi ba ako nagkakamali ng narinig? Boses iyon ni Manang Lucy. "Venus, mabuti naman at nandito ka na." naramdaman ko na lang ang pagyakap nito sa akin "Manang Lucy kayo po ba talaga yan?" nanginig ang boses ko. Kanina lang sobra-sobra ang kaba na nararamdaman ko pero ngayon nang marinig ko ang boses ni Manang Lucy ay tila nawala ang lahat ng kaba ko. "Oo, ako nga ito hija." Nakahinga ako nang maluwag nang ma-confirm kong siya nga ang yumayakap sa akin. "Manang Lucy, take her to her room now! Ayaw kong makakita ng taong grasa sa pamamahay na ito." narinig ko ang boses ni Kuya Marco. Inutusan niya si Manang Lucy. Siya pala ang may pakana nito. Napakawalang puso, paano niya nagawang utusan ang mga tauhan niyang sapilitan akong kunin at kahit pa masaktan ako madala lang sa kaniyang harapan. " O-opo, senyorito Marco." Tinanggal ni Manang Lucy ang piring sa mga mata ko. "Halika na hija. Pasok na tayo sa loob. Tingnan mo ang hitsura mo? Anong nangyari sa iyo? Bakit ganito puno ng putik ang damit mo?" "Mahabang kwento po, Manang." Hinila niya na ako papasok sa loob hanggang sa pag-akyat sa itaas. Dumiretso kami sa kwarto ko. "Ang sabi ng kuya mo maligo ka raw at magbihis. Alam mo naman yung kuya mo may saltik." "S-sige po, Manang Lucy." Pumasok ako sa banyo. Nagtagal ako sa bathub para mag-isip. Anong dahilan bakit pa niya ako ibinalik dito? Bakit kailangan niya pa akong hanapin ngayong ito naman ang gusto niya, ang mawala ako sa paningin niya at wala siyang kahati sa mamanahin niya. "Venus? Tapos ka na ba?" Narinig kong sigaw ni Manang sa labas ng banyo. Bumaba ako sa bathub at nagpakasawa naman sa shower. Hindi ko sinagot si Manang kaya panay ang pagtawag nito sa labas ng banyo. "Venus, tapos ka na ba? Si Kuya mo nagagalit na bakit daw ang tagal mo?" panay ang pagsigaw ni Manang sa labas kasabay ng pagkalampag nito sa pintuan ng banyo. "Manang, sandali na lang po." mas tinagalan ko pa ang pagtambay ko sa banyo. Alam kong naghihintay si Kuya Marco kaya aasarin ko pa ito. "Venus?" Napalingon ako sa pintuan ng banyo nang marinig ang dumadagundong na boses ng fake brother ko. Galit na tinatawag ang pangalan ko. "Lalabas ka ba diyan o papasukin kita diyan sa banyo?" Nanlaki ang mga mata ko sa banta nito. Pinatay ko ang shower at binalot ang katawan ng towel. "Venus, lumabas ka na riyan hija." narinig ko naman ang tila pabulong ni Manang sa labas ng pintuan. Mukhang wala sa labas si Kuya Marco kaya binuksan ko na ang pintuan para lumabas. "Hays! Mabuti naman at natapos ka na. Tinatakot mo ako na bata ka. Akala ko kung ano na nangyayari sa iyo sa loob ng banyo." tinapik pa ni Manang ang braso ko. "Naliligo lang po ako, Manang." sagot ko. "Oh, siya ito ang isusuot mo." ibinigay sa akin ni Manang ang isang manipis na mukhang pantulog. Hindi ko alam kung ano ang tawag sa pantulog na ito. Mukhang ito yung sinusuot ng babae kapag bagong kasal at oras ng honeymoon. Napanuod ko lang iyon sa TV. " M-Manang, s-sigurado po ba kayo na ito ang isusuot ko? N-nasaan na po mga damit ko?" "Wala na mga damit mo ipinatapon na ni senyorito. Akala ko nga itinapon niya na dahil ayaw ka na niyang pabalikin dito pero ipinagtataka ko, ipinahanap ka naman pala niya sa kaniyang nga tauhan para ibalik dito." "H-hindi po ako nagsusuot ng ganito, Manang. W-wala na po bang iba?" "Hay naku! Hindi ko nga alam diyan sa kuya-kuyahan mo kung bakit iyan ang ibinigay niya sa akin. Iyan daw ang isuot mo dahil kakausapin ka niya mamaya." Tila pabulong na sabi nito sa akin. "Kakausapin? Bakit kailangan ko magsuot ng ganito?" "Ewan ko ba talaga diyan sa kuya mo. Alam mo iyang kuya-kuyahan mo, I smell something—something—ano nga ba iyon, anak? Something isda? English ng isda? Fish? Oo, fishy hija. I smell something fishy diyan sa kuya mo." dagdag pa na bulong ni Manang sa akin. Sa halip na kabahan ay natawa na lang ako dahil sa kalokohan ni Manang Lucy. " Ano nga po ang tawag sa damit na ito, Manang?" tanong ko dito. " Ano nga ba? Teka, hija nasa bucabulary ko lang 'yan eh! Mukhang nakalimutan ko na." tila nag-iisip na na sabi ni Manang sa akin. "Ay! Naalala ko na hija. Linge—oo lingerie iyan anak. Sinusuot iyan kapag sa oras na ng honeymoon or kapag nag-loving loving ang mag-asawa." panunukso ni Manang sa akin. Natahimik naman ako dahil alam kong namumula ako dahil nang-init ang aking mga pisngi. Mamaya maya lang ay bumukas ang pintuan. Iniluwa mula doon si Kuya Marco. Sa akin kaagad dumiritso ang kaniyang paningin. Hindi pa ako nakakabihis at tanging tuwalya pa ang nakabalot sa aking katawan. "Leave us alone, Manang." utos nito kay Manang. Ako naman ay kaagad na tumalikod para magbihis. Hindi ko kaya ang mga titig nito sa akin kaya magbibihis ako kahit pa napakanipis at ikli ng damit na isusuot ko. Narinig ko naman ang mga hakbang ni Manang palabas. Bigla akong kinabahan dahil kaming dalawa na lang dito sa loob ng kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD