"IT'S been three weeks at mukhang siya pa rin ang iniisip mo. Hindi naman siguro dahil sa pera na binigay mo sa babae sa Game Room, kahit wala namang nangyari sa inyo, dahil alam kong baliwala lang iyon sa iyo." Tumawa pa si Dandrick. "Move on na." Hindi niya pinansin ang kaibigan. Yeah, tatlong linggo na simula ng mag-umpisang magulo ang mundo niya. Gabi-gabi na lang ay laman ng panaginip niya ang naturang babae at sa panaginip niyang iyon ay natutuloy palagi ang naudlot sanang pag-iisa nila ng katawan. Simula rin noon ay nawalan siya lalo ng gana sa ibang babae. Hindi niya alam pero malaki ang naging epekto ng pagka-turn-on niya kay Lezy. Binuhay nito ang matindi niyang pagnanasa sa katawan na matagal natulog. At kahit wala namang nangyari sa kanila ay hindi pa rin mawala-wala sa isip