HINDI maiwasang mapatawa ni Yzel kay Triv dahil nakailang beses din itong huminga muna ng malalim ng matanawan nila ang rest house ng pamilya Ramos na siyang tinutuluyan ng pamilya niya. Kinakabahan ito. Saka lang tila nawala ang anumang kaba sa dibdib ni Triv ng makita ang anak na si Arkin na nagtatakbo palapit sa kanila ng makita silang naglalakad sa may dalampasigan. "Mama!" umamba agad ng buhat ang bata sa kanya ng makalapit ito. Sinulyapan niya si Triv bago binuhat ang anak. "Baby, tanda mo pa ba siya?" tanong niya sa anak na agad namang sumulyap kay Triv. Tila nahihiya pa ito ng ngumiti sa ama. Pagkuwan ay marahang tumango. Inilapit niya ang bibig sa tainga nito. "Siya ang papa mo." May pagtataka sa mga mata ni Arkin ng tingnan siya nito. "Po?" Ibinaba muna niya ang anak sa buha
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books