04

1438 Words
Chapter 4 3rd Person's POV; "Arkhon and Cross behave lang kayo dito okay? Pag hindi kailangan wag na kayo lumabas." Bilin ng dalaga sa dalawang bata na nakaupo sa bakal na upuan. "Yes tita." Sagot ni Arkhon na kinangiti ng dalaga. "Ikaw Cross?" Tanong ni Astrid matapos umiwas ng tingin ng bata. "I can't promise mommy." Sagot ng bata na kinabuga ng hangin ng dalaga matapos mapatingin sa wrist watch nito na nasa kaliwang bahagi ng braso. Ayaw man niya iwan ang dalawa sa lobby room ng mall dahil kailangan niya magtrabaho. "Dito lang kayo, Cross wag kang kung saan saan pumupunta." Bilin ng dalaga bago umalis. Nang makalabas ang dalaga sa kwarto mabilis itong lumapit sa manager niya at humanay sa mga kasamahan nitong sales lady. "Gusto ko lang iannnounce na may bago na tayong presidente." Ani ng head manager sa buong mall. Tahimik lang ang dalaga at kasalukuyang occupied dahil sa inaalala ang mga kasama nitong bata. Lalo na ang pasaway nito na anak na walang ginawa kung hindi pasikitin ang ulo niya. Dahil sa pag aalala hindi na nito narinig ang sinabi pa ng manager at mga anunsyo. 'Sabi ni head manager gwapo daw yung bagong presidente.' 'Kung gwapo siguradong makikilala natin yun kung sino hihi.' --- 'Girl tingnan mo ang gwapo ng mga bata.' 'Uy magtigil ka nga pati ba naman bata.' 'Gaga! Marunong lang ako mag appreciate.' "Cross kahit kailan talaga ang tigas ng ulo mo sabi ni tita sa lobby lang tayo diba?" Singhal ni batang si Arkhon kay Cross na nakapokerface na naglalakad papunta kung saan. "Sino ba kasi may sabing sumunod ka?" Sagot ni Cross. "Kailan ka ba matututong rumespeto sa mas nakakatand---." "For your information matanda ka lang sa buwan." Pabalyang putol ni Cross. "Sino ba kasing hinahanap mo?" Tanong ni Arkhon at hindi pinansin ang sinagot ng bata. "Yung lalaki na pinag uusapan kanina sa lobby." Sagot ni Cross. "Yung bagong presidente na mag iikot ngayon sa mall?" Tanong ng batang lalaki. "Anong meron sa lalaking yun? Iniisip mo bang si Tito Cadmus ang---." "Hindi pag aaksayahan ng oras ni daddy ang ganitong kaliit na negosyo at mas lalong wala yun time para ihide ang identity niya at mag ikot dito." Putol ulit ng batang lalaki. "Eh ano pang ginagawa natin dito? Hindi naman pala ang daddy mo bumalik na tayo siguradong nagwoworry na si tita Astrid satin." Yaya ng batang lalaki. "Arkhon reklamo ka ng reklamo ikaw na bumalik." Naiinis na sambit ng batang lalaki bago binilisan ang paglalakad. "Pano ako babalik ang laki nitong mall ayaw ko maligaw!" Sigaw ni Arkhon bago habulin si Cross na tumitingin tingin sa paligid. Hanggang sa may nakita siyang lalaki na nakahood na itim at kausap ang isa sa mga sales lady. "Arkhon! Ayun siya bilisan mo." Yaya ng batang si Cross bago hilahin ang batang lalaki sa isang escalator. "Cross! Teka baka mahulog tayo dito teka lang." Natatakot na sambit ng batang si Arkhon habang tumatakbo pababa ng escalator at hila hila ni Cross. "Cross bawak tayo lumabas ng mall!" Saway ni Arkhon pero mukhang walang narinig ang bata dahil tuloy tuloy ito sa paglabas para sundan ang lalaking nakahood. Mabilis ang lakad ng lalaki kaya hindi ito agad nahabol ng mga bata. Hanggang sa tumigil ito ng makarating sila sa isang shop at papasok dun ang lalaki ng hawakan siya ng batang si Cross. "May kailangan ka bata?" Tanong ng lalaki ng mapalingon ito. "Sorry namali kami ng sinundan." Ani ni Cross na kinalaki ng mata ng batang si Arkhon na kasalukuyang hinahabol ang hininga matapos igala ang mga mata sa paligid. "Cross! Ang layo na ng narating natin tapos maling tao pa sinundan mo." Hindi makapaniwalang sambit ni Arkhon. Pero hindi siya pinansin ng bata at nanatiling tahimik. -- "Lake nakikinig ka ba?" Tanong ng magandang babae sa harapan niya habang ang kausap nitong binata ay nakatingin sa labas ng glasswall kung nasaan ang dalawang bata na mukhang nag aaway. "Teka lang bukas na natin ituloy may pupuntahan pa din naman kasi akong business meeting." Out of the blue na sambit ng lalaki bago tumayo. "Anong business meeting Lake?! Wala kang schedule para sa ngayong ara---." Hindi na narinig pa ng binata ang sasabihin ng babae ng lumabas na ito ng coffee shop at tumawid sa kabilang kalsada. "Kasalanan mo talaga ito Cross pano na tayo uuwi ngayon? Siguradong magagalit si Tita Astrid." Nag aalalang sambit ni Arkhon. "Manahimik ka nga Arkhon inaalala ko pa yung mga lugar na dinaanan natin kanina." Naiinis na sambit ng batang si Cross dahil sa bahagyang pagkainis sa batang lalaki na nag iingay sa tabi niya. "Tumawid na tayo." Ani ni Cross bago hawakan si Arkhon at tatawid sila sa gitna ng kalsada kung saan may mga sasakyang dumadaan. May humawak sa suot na tshirt ng dalawang bata at hilahin ito patabi. "Hindi diyan ang padestrian mga bata ... hindi niyo ba nakita ang sign?" Napalingon ang dalawang bata sa lalaking humila sa kanila at ng mag angat ng tingin si Cross nagulat ito ng makita niya ulit ang lalaki. "Ang mga batang katulad niyo hindi pwedeng basta basta tumatawid." Paalala ng lalaki bago lumuhod para pantayan ang dalawang bata. "Gusto niyong kumain?" Tanong ng binata. "Hindi---." Naputol ang sasabihin ni Arkhon ng takpan ni Cross ang bibig ng kasama at tingnan ang lalaki pabalik. "Gusto namin ng cake." Ani ni Cross na kinangiti ng binata. "Masyadong matamis ang cake para sainyo pero may alam akong sweets na magugustuhan niyo din. Pero sa ngayon kumain muna tayo nagugutom na din ako." Sagot ng binata bago nakangiting tumayo. "Cross sasama talaga tayo sakanya? Baka mamaya bad guys yan kung saan na tayo dalhin." Bulong ni Arkhon habang sinusundan yung lalaki. Pero hindi umimik si Cross at nakatingin lang sa likod ng binata na nakapamulsahang naglalakad. 'Gosh ang gwapo nung guy.' Kabi kabila ang bulungan ng mga babaeng nakakasalubong ng binata yung iba napapatigil pa tuwing napapatitig sa lalaki. "Tara dito mga bata mamaya mawala pa kayo masyadong maraming tao." Yaya ng lalaki bago hawakan sa magkabilang kamay niya ang dalawang bata na kinatigil ni Cross. -- "Anong gusto niyong kainin mga bata?" Tanong ng lalaki ng makahanap sila ng table. "Gusto namin ng fried chicken at spaghetti." Sagot ni Cross. "Sige dito lang kayo." Bilin ng binata bago umalis at pumila. "Cross nasisiraan kana ba ng ulo? Malapit na mag lunch at siguradong nababaliw na si tita kahahanap satin." Nag aalalang bulong ni Arkhon. "Manahimik ka nga Arkhon may gusto lang ako malaman at siya yung hinahanap ko na lalaki sa mall." Sagot ni Cross. "Siya? Eh bakit dito niya tayo dinala? Kung may ari siya ng mall dapat sa restau---." "Mas gusto ko naman dito kumain kaysa sa restaurant, kung gusto mo bumalik mauna kana." Naiinis nanamang putol ni Cross bago tingnan ulit ang binata na nakakunot ang noo na nakatingin sa mga babaeng crew na ngayon ay nagpapacute sa lalaki. "Teka lang ah." Ani ng batang si Cross bago pilit na bumaba sa mataas na upuan at naglakad palapit sa counter. "Papa im hungry na." Ani ng batang si Cross habang hinihila hila ang laylayan ng suot na longsleeve ng binata. Nang mapatingin dito ang binata nagtaka pa ito nung una hanggang sa buhatin nito ang batang si Cross. "Susumbong kita kay mommy kanina pa kami nag aantay ng kapatid ko sa lamesa." Nakasimangot na sambit ni Cross na kinalaki ng mata ng mga babaeng crew. "Teka lang kasi baby malapit na ang order natin." Nakangiting sambit ng binata. 'Sayang may anak na.' 'Girl ang gwapo ng mga bata mygosh.' 'Swerte naman ng mommy.' Yan ang narinig na bulong-bulungan ng dalawa habang nakatingin sa inaakalang mag ama na nakapila. "Sir ito na yung order niyo." Puno ng panghihinayang na sambit ng babaeng crew na nag abot ng tray sa lalaki. Nang makabalik ang dalawa sa lamesa binigay na ni Lake ang mga pagkain sa dalawang bata at inumin. Tahimik lang si Lake at Cross habang busy yung dalawa sa paghiwalay ng hotdog sa spaghetti. "Anong ginagawa niyong dalawa?" Tanong ni Arkhon na kinatingin ni Lake at Cross kay Arkhon na nakatingin sa plato ng dalawa. "Hinihilaway niyo yung hotdog sa spaghetti?" Tanong ni Arkhon na kinatinginan nina Lake at Cross. "Ayoko ng lasa ng hotdog." Sagot ni Lake. "Same here." Bored na sambit ni Cross na kinangiti ni Lake bago tahimik na pinagpatuloy ang ginagawa. "Wierd niyong dalawa kung hindi ko lang alam na si tito Cadmus ang real father mo Cross mas iisipin kong siya ang papa mo." Ani ng batang si Arkhon na kinabato ni Lake sa kinauupuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD