05

1640 Words
Chapter 5 3rd Person's POV; "Cross! Arkhon!" Sigaw ni Astrid habang nag aalalang iniikot ang buong mall. Hindi alam ng dalaga kung anong gagawin niya ng bigla na lang mawala ang mga bata kahit ang ilang sales lady na kilala ng dalaga tumulong na sa mga bata. Mangiyak ngiyak ang babae ng mag iisang oras na nila hinahanap ang mga bata pero hindi nila ito makita kahit saang parte ng mall. "Astrid mahahanap din sila huminahon ka." Pag cocomfort ng mga katrabaho nito sa mall even ang manager nila sa department tumulong na pero hindi pa din nila makita. "Ang anak ko pano ako hihinahon dapat hindi ko na siya sinama dito. Pano kung may kumuha sakanila mababaliw ako pag nawala ang---." "Tita!" Napatingin ang mga babae sa pinaka entrance ng mall ng may dalawang batang pumasok kasunod ang lalaki. "Cross! Arkhon!" Sigaw ni Astrid na halos matapilok na makalapit lang sa dalawang bata at niyakap ng mahigpit. "Saan ba kayo nanggaling ha?!" Umiiyak na sambit ng dalaga bago tingnan si Cross na napayuko na lang ng makita nanamang umiiyak ang ina. "Ikaw Cross sumusobra kana talaga! Lagi mo na lang ako pinag aalalang bata ka!*sob* mabaliw baliw na ako sa kahahanap sainyo ... ano sabi ko diba sabi ko sa lobby lang kayo diba? Alin dun ang mahirap intindihin Cross." Umiiyak na sambit ng dalaga na napaupo na sa sahig dahil sa panghihina at sobrang galit. Kung dati nakakasagot pa ang batang si Cross tuwing pinagagalitan siya ng ina. Pag umiiyak na ito kahit isang salita wala ng lumalabas sa bibig ng bata. "Tita sorry po hindi namin sinasadya hindi na mauulit." Nangingilid ang luhang sambit ng batang si Arkhon ng makita ang pag iyak ng dalaga dahil sa sobrang galit at pag aalala. --- "S-Salamat Mr.Acosta sa pag sama sa mga bata hindi ko talaga alam ang gagawin ko pag nawala sila." Mababa ang boses na sambit ni Astrid bago tingnan ang batang si Cross na nakaupo sa bakal na upuan sa lobby at nakayuko. "Matalinong bata ang anak mo wag ka lang masyadong mag alala at masyadong mahigpit sa bata." Ani ng binata na kinatingin ng dalaga. "Hayaan mong mag expand si Cross bigay mo ang hilig niya habang iniexplain ang mga bagay na maaring maging consequence nun. Kailangan mo din siguro magkaroon ng extra time sa anak mo at kausapin paminsan minsan para masanay siyang mag open up sayo habang bata pa." Dagdag ng binata bago tingnan si Astrid. "Masyadong matanong si Cross at pag hindi siya nakakakuha ng sagot gumagawa siya ng paraan na sa edad niyang yan napakadelikado, sabi ni Arkhon umalis daw sila dito sa mall dahil may sinusundan silang lalaki na akala nila ako." "Bakit ka daw sinundan?" Tanong ng dalaga. "Tinanong niya kung kaano ano ko daw ang daddy niya at may isa pa siyang tinanong na mukhang hindi ko nasagot ng tama kaya tiningnan niya ako ng masama." Natatawang sambit ng binata. "Matalino ang anak mo Ms.Salves, sa edad niyang yan masyado ng bukas ang utak niya sa mga bagay bagay kaya lalong mas dapat mong ipaintindi ang mga bagay na gumugulo sakanya." Dagdag ng binata bago nakapamulsahang tumalikod at naglakad palapit kay Cross na nakayuko. Habang si Astrid naman ay biglang naguilty ng marealize na mukhang nagkamali talaga siya kung paano palakihin si Cross. Lagi niyang pinagagalitan ang bata pero hindi naman iniexplain kung bakit niya ginawagawa yun, siya dapat ang umiintindi pero sa sinabi ng binata parang si Cross pa ang umiintindi sakanya. Habang tinitingnan niya ang dalawa hindi nito maiwasang ma amaze ng makita ang pag lambot ng expression ni Cross. Hindi naririnig ng dalaga ang usapan ng dalawa pero mukhang may sinasabi ang binata na kinatango ni Cross. Matapos mag usap ng dalawa tumayo na ang binatang si Lake at lumapit sa babae. "Mauuna na ako kakausapin ko pa ang financial manager nitong mall." Paalam ni Lake na kinatango ng dalaga bago yumuko. "Maraming salamat po talaga." Ulit ng dalaga. Hindi umimik ang binata habang nakatingin sa babae at ng mag aangat ng tingin si Astrid tumalikod na ito at umalis. Astrid Salves's POV; "Sissy maraming salamat talaga sa pag alaga sa anak ko ah." Ani ni Aila matapos ako yakapin. "Ayos lang yun hindi nanaman kayo iba sakin." Nakangiting sambit ko bago guluhin ang buhok ni Arkhon. "Sissy gusto ko na lang din ikaw iinform after ng hearing para sa case ni Arkhon last week ang balak namin ni Alcide pupunta kami ng France." Ani ni Aila na kinatingin ko. "France? Sissy bakit?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Akala ko ba ayaw mo sa ibang bansa? Bakit biglaan?" Tanong ko. "Arkhon pumunta ka muna kay Cross mag usap kayo magpaalam ka ng ayos." Utos ni Aila kay Arkhon na agad sinunod ng bata. Nang makapasok si Arkhon sa kwarto bumuga ng hangin si Aila at tiningnan ako. "Natatakot ako sa maaring gawin ni Allen once mapasakorte na ang inapila ko para sa safety ni Arkhon." Ani ni Aila. "Aila kailangan ba humantong lahat sa ganito? Hindi niyo ba pwedeng pag usapan niyo na lang ito ni Allen? May karapatan din naman siya kay Arkho---." "Astrid minsan niya ng sinaktan si Arkhon sa pag aakalang anak namin siya ni Alcide dahil hindi ako pumayag na sumama sakanya at ng sinabi kong namatay ang baby namin." Putol ni Aila na kinatahimik ko. "Hinding hindi ako papayag na gawin niya ulit yun kay Arkhon, mamatay muna ako bago niya ulit mahawakan ang anak ko. Napag usapan na din namin ito ni Alcide at pumayag siya." Dagdag ni Aila. Hindi na lang ako umimik at niyakap ng mahigpit ang kaibigan ko, simula ng magkakilala kami ni Aila sa dami ng napag daanan niyang hirap masasabi kong sobrang tapamg niya na. Mula sa pagharap niya sa mga magulang at sa pagtatago nito ng anak niya ng ilang taon mula kay Allen at higit sa lahat na paniwalain niya ang pamilya, kaibigan at mga kaklase namin dati na namatay ang anak niya dahil sa takot na kuhanin ng mga Freya ang anak niya. "Sigurado ka bang maiipanalo niyo ang kaso?" Tanong ko na kinangiti ni Aila. "Lawyer si Alcide, Astrid at ni minsan hindi pa natalo sa isang kaso ang asawa ko kahit kasisimula pa lang nito ... lalo na alam kong desidido si Alcide na ipanalo ang kaso dahil ang future ng anak namin ang nakataya dito. Hinding hindi niya pababayaan si Arkhon." Nakangiting sambit ni Aila na kinahinga ko ng maluwang dahil kahit ako hindi ko maiwasang mag alala lalo na kung kilalang pamilya din ang mga Freya sa pagiging maimpluwensya. Kasalukuyan kaming nag uusap ni Aila sa iba pang bagay ng makarinig kami ng bagsakan sa kwarto ni Cross kaya halos sabay kaming napatayo ni Aila at napatakbo sa kwarto. "Cros---Cross!" "Arkhon gosh!" Mabilis naming pinaghiwalay sina Cross at Arkhon ng pagbukas namin ng pinto nakita ko si Arkhon na nakapatong kay Cross at pinagsusuntok sa mukha si Cross. "Arkhon! Anong ginawa mo bakit mo sinuntok si Cross!" Sigaw ni Aila kay Arkhon na naiiyak at nakatingin ng masama kay Cross. "Cross anong ginawa mo?" Hindi makapaniwalang tanong ko bago lumuhod sa harap ni Cross at chineck ang mukha ng anak ko. Namumula ang pisngi ni Cross at dumudugo ang labi hindi ko makitaan ng emosyon si Cross sa nangyari pero ng mapatitig ako ss mga mata ng anak ko. Napatigil ako ng may mabasa akong kung ano sa mata ni Cross. "Astrid pasensya na talaga hindi ko ininiexpect na sasaktan ni Arkhon si Cross hindi naman---." "Sissy its okay mga bata eh hayaan mo kakausapin ko itong si Cross mamaya." Putol ko kay Aila bago tingnan si Arkhon na namumula dahil siguro sa sobrang galit na ngayon ko lang din nakita. Hindi na bago samin ang pag aaway ng dalawang ito, pero ang madalas si Cross lagi ang nauuna at sumusuntok kay Arkhon nambubully o ano na hindi naman pinapatulan ng anak ni Aila. Lagi kasi nitong sinasabi na naiintindihan niya daw si Cross kasi kaibigan niya ito lagi niya pang dinidepensahan si Cross kahit siya na naargabyado. "Uuwi na kami Astrid babalik na lang kami ulit dito bukas." Ani ni Aila na kinatango ko bago tingnan si Cross na nakaharap lang sakin ... Ni hindi man lang nito nilingon si Arkhon na hawak ni Aila paalis. "What happened Cross?" Tanong ko bago lumuhod ulit sa harap ni Cross at tingnan ang mga sugat sa gwapo niyang mukha. Hindi sumagot si Cross kaya sinalubong ko ang mga mata niya. "Tell me anong nangyari? Anong ginawa mo para magalit ng ganun si Arkhon?" Tanong ko. "I kissed him." Sagot ni Cross na kinatigil ko. "H-Ha?" Ulit ko dahil baka nagkamali lang ako sa mga narinig ko. "I kissed him mommy, para umalis siya at layuan ako." Sagot ni Cross na kinaupo ko sa sahig. Nashock ako sa sinabi ng anak ko at ng mag sink in ang utak ko sa sinabi ni Cross ... lumunok muna ako bago mag tanong. "A-Anak are you gay?" Nag aalinlangan kong tanong na kinakunot ng noo ni Cross. "Im not mommy, ginalit ko lang si Arkhon para iwan niya ako ayaw niya umalis." Balewalang sambit ni Cross bago naglakad palapit sa kama at umupo. "Hindi niya maintindihan na para yun sakanya, hindi kami magkaintindihan kaya ginawa ko yun nainis ako. Ayaw niya daw umalis dahil saakin kaya ginalit ko siya." Sagot ni Cross. Hindi ko alam kung anong irereact ko sa sinabi ni Cross dahil inshock pa rin talaga ako sa ginawa nito kay Arkhon. Pero sa kabilang banda hindi ko maiwasang mag alala ... dahil sa school nila si Arkhon lang ang naging tanging kaibigan ni Cross at nakakaintindi sa ugali niya kahit madalas sila magkakompetensya. Wala sa mukha ni Cross na malungkot siya pero hindi yun maitatago ng mga mata niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD