08

1755 Words
Chapter 8 3rd Person's POV; "Flute?" Nakakunot ang noong sambit ng batang si Cross ng makita ang hawak ng lalaki. "Pano naging interesting ang bagay na yan? Mas gusto ko pa din ang books." Nakacross arm na dagdag ng batang lalaki. "Ano bang trip mo sa buhay bukod sa magbasa at inisin ang mommy mo?" Tanong ng binata na kinaismid ng batang lalaki. "Pano ba gamitin yan?" Ani ng batang lalaki na kinataas ng gilid ng labi ng binata. Hindi umimik ang binata bago nagsimulang tumugtog gamit ang plawta na kinatingin ng batang lalaki. Nang marinig yun ng batang lalaki binaba nito ang dalawang kamay at dahan dahan lumapit sa binata na nakaupo sa mahabang sofa habang tumutugtog. "Hindi sapat na may alam ka lang, dapat may experience ka din." Ani ni Lake matapos niyang ibaba ang flute ng umupo ang bata sa sofa at tiningnan siya. "Madali na lang yan sakin, minsan ko ng nabasa yan sa libro." Ani ni Cross matapos ibigay ni Lake ang flute sa bata. "See?" Natatawang sambit ni Lake ng paghipan ng bata sa flute lumikha yun ng maingay na tunog dahilan para mapasimangot ang binata at bitawan ang flute. "Nahihirapan ka pa din kahit pati history ng flute alam mo." Natatawang sambit ng binata. "Turuan mo na lang ako ang dami mong sinasabi." Singhal ng batang lalaki dahilan para pitikin siya sa noo ng binata. "Aray! Bakit---." "Kung gusto mo matuto, matuto ka munang makinig." Putol ng binata na kinaismid ng batang lalaki. "Mahilig ka sa music instruments kaya marunong ka tumugtog?" Tanong ni Cross habang nakatingin sa ginagawa ni Lake. "Hindi, pero halos lahat ng music instruments natugtog ko na at marunong ako." Sagot ni Lake na kinatingin ng binata. "How?" Tanong ni Cross na kinatingin ni Lake. "Masyadong boring kung hindi ka naman interesado sa ginagawa mo diba? Imean si mommy kasi lagi niya sinasabing bakit hindi ko daw subukan makipag laro sa ibang bata ... gumalaw ako base sa edad ko." Dagdag ni Lake. "Gusto lang ng mommy mo na maranasan mo makipag kaibigan at maglaro katulad ng mga karaniwang bata Cross." Sagot ni Lake. "Sa mga nababasa mo sa books anong karaniwang ginagawa ng mga bata na mga kasing edaran mo?" Tanong ni Lake. "Mag aral, maglaro at makipag kaibigan." Sagot ni Cross na nakatingin kung saan. "Gusto lang maging normal ng mommy mo ang childhood life mo kaya ganun." Ani ni Lake habang inaayos ang flute na hawak. "Hindi ba dapat matuwa siya sa mga achievement ko? 6 years old pa lang ako grade 4 na ako accelerated ako, halos lahat ng award nakuha nung resignation day namin. Bakit gustong gusto niya pa din ako makipaglaro sa mga,bata at makipag kaibigan imbis ipush ako mag aral. Feeling ko walang pakialam si mommy sa future ko katulad ng ibang parents." Sagot ni Cross na kinatawa ni Lake. "What's funny?" May inis na sambit ng batang lalaki. "Kasi hindi naman talaga normal sa isang bata ang naaachieve mo Cross kaya ganun na lang ang pag aalala sayo ng mommy mo." Sagot ni Lake. "Hindi ko maintindihan ang pinopoint niyo." Pokerface na sambit ni Cross. "Like what you see, ang flute na ito may iba't ibang key para makagawa ka ng isang magandang tunog, kung hindi mo ipepress ang mga key na naayon sa tonong gusto mo, kahit paulit ulit mo itong hipan pare pareho lang ang tunog na ilalabas, magulo at masakit sa tenga." "Isipin mo na lang na ang mga kakayahan mo ang flute na ito, then ikaw ang user once na lahat ng key na ito hindi mo nagamit ng tama ... mawawala sa tempo ang musika mo magulo, maingay at hindi yun magugustuhan ng kahit na sino." "Pinopoint mo na kung gusto ko makuha ang mga bagay na gusto ko, malaman at maintindihan kailangan kong---." "Lumakad sa linya mo hindi sa daan na tinadhana sayo." Putol ni Lake. "Malaki at malawak ang mundo Cross at wala ka mababasa sa kahit na anong libro kung pano mabuhay ng tama sa mundo." "Ienjoy mo muna ang pagkabata mo cross masyado ka pang bata para gumawa ka ng sarili mong daan." Natatawang dagdag ni Lake na katahimik ng batang si Cross. "Now naiintindihan ko na kung bakit ganun na lang ang pagpupumilit sakin ni mama na makipag kaibigan at makipaglaro kasi yun ang normal para sa ibang tao." Bulong ni Cross. "No Cross, dahil yun ang kailangan mo." Ani ni Lake na kinatingin ng batang lalaki. "Balang araw maiintindihan mo din ang mommy mo Cross ... maiintindihan mo din ang sinabi ko pero sa ngayon tuturuan na muna kita simula tayo sa basic." Yaya ni Lake sa bata. --- "Lake Acosta?" Nakakunot ang noong sambit ng binatang si Cadmus matapos itong mag angat ng tingin kay Dwayne ng magbanggit ito ng pangalan. "Usap usapan sa palasyo na anak daw ni Mr.Acosta si Lake sa labas ... na last 3 years lang napatunayan matapos lumabas ang isang DNA test. Wala akong masyadong nakuhang impormasyon pero mukhang balak ng daddy mo na iannounce ang existance ng lalaking yun." Ani ni Dwayne. "Bakit walang sinasabi sakin si dad na may kapatid pa pala ako." Walang emosyong sambit ni Cadmus. "Halimaw pala ang kapatid mo Cadmus ibang klase." Natatawang komento ni Alvis kaharap ang isang laptop. "Tinry kong isearch ang identity ni Lake Acosta, I did'nt expect na halimaw pala sa kahit anong field ang kapatid mo, 1year in a half sa entertainment industry before siya maging model and actor sumali siya sa isang banda ng 6 months habang nag aaral ng medisina, 3 years ago nagpatayo siya ng isang lawfirm sa U.S ngayon ay company na gumagawa na ng sariling pangalan sa business industry ... nagtapos ng surgeon ang loko meron na din siyang license pero hindi niya ginagamit." Ani ni Alvis. "I think kung ganito kasikat ang loko na yun sa U.S makakita tayo ng kahit na anong info sa mga sites." Dagdag ni Alvis. "Ang issue dito Alvis kung bakit ngayon lang lumabas ang Lake na yan?" Ani ni Venedict na kinatahimik ng Blackspheres. "Hindi maganda ang kutob ko dito." Ani ni Dwayne habang hinihilot ang sintido niya. Astrid Salves's POV; "Cross." Tawag ko ng makita ko ang anak ko na nakahiga sa higaan na bakal habang nakataas ang dalawang kamay nito at may hawak na---. "Cross saan galing yan?" Tanong ko bago lumapit kay Cross. "Bigay ito ni Kuya Lake." Sagot ni Cross bago bumangon ... na kinakunot ng noo ko "Baby listen to me, wag na wag ka masyadong magtitiwala sa mga tao." Ani ko matapos lumuhod sa harap ni Cross at sapuin ang pisngi nito. "I know mommy don't worry." Sagot ni Cross na kinabuga ko ng hangin. "Sinundan mo nanaman ba siya?" Tanong ko kay Cross. "He teach me how to play this s**t mommy so dont worry nasa loob lang kami ng opisina niya." Sagot ni Cross na kinabuga ko ng hangin. "Akin na Cross ibabalik ko kay Sir Lake, hindi ka dapat tumatanggap ng kahit na ano galing sa ibang tao ... masyado itong mahal." Ani ko bago kuhanin ang hawak na lalagyan ni Cross. Hindi nagsalita si Cross kaya mabilis akong naglakad palabas sa lobby para isauli itong flute. Hindi ko alam kung bakit napakabait ng taong yun kay Cross pero may trauma na ako sa nga mababait na mayaman at para sakin mas gugustuhin ko pa magkaroon ng kaibigan ang anak ko ng kriminal na nagbago kaysa mayaman na marunong manloko. -- "Sir." Tawag ko kay Sir Lake ng makita ko itong may kung anong sinusulat sa papel. Nang lumapit ako dito napapokerface ako ng makitang nag dodoodle lang ito seriously?=_=. "Anong kailangan mo Salves?" Tanong ni Sir Lake na kinabato ko sa kinatatayuan ko, yung boses niya at---. "Ms.Salves?" Ulit ni Sir.Lake matapos mag angat ng tingin. Hindi ko alam pero ng magtama ang mata naming dalawa para nanaman akong nalulunod at nabibingi. Mabilis itong napatayo at tumalikod ng hindi ko malaman na dahilan. "G-Gusto ko lang ibalik ang Flute na binigay mo sa anak ko." Mababa ang boses na sambit ko. "As far as i know binigay ko na yan kay Cross bakit mo ibabalik?" Tanong ni Sir. Lake matapos umalis sa harapan ko at naglakad palapit sa isang mahabang sofa at umupo duon. "Sir.Lake mabuti pa kunin niyo na ito." Ani ko bago lumapit at ibaba ang bagay na yun sa coffee table na nasa harap niya at naglakad paalis. Hindi ko gusto ito, sino ba ang lalaking yun bakit ganito na lang kalakas ang t***k ng puso ko. Naramdaman ko na ito minsan kay Cadmus at alam kong kay Cadmus lang dapat ako ganito baki---. Naputol ang pag iisip ko at para yatang nablangko ang utak ko ng hablutin ako ni Sir. Lake ng lakabas ako ng pinto at isandal ako sa pader. "A-Anong---." "Kung iniisip mo na may kapalit ang pagbigay ko nito sa anak mo, nagkakamali ka."putol ni Sir. Lake dahilan para buong lakas ko siya tinulak ng ikulong niya ako sa magkabilang braso na tinungkod niya sa magkabilang gilid ko. "Wag ako! Kilala ko kayong mga mayayaman, bukod sa image at pera wala ng mas mahalaga pa sainyo ... nagiging mabait lang naman kayo sa mga tulad namin kung may kailangan kayo diba? Lalo na kayong mga Acosta." Ani ko bago siya tingnan pabalik. "Wag mong gamitin ang anak ko para lang sa publicity at---." Nanlaki ang mata ko ng isandal niya ako sa pader and this time nilapit niya ang mukha saakin. Iigkas ang kamay ko para sampalin siya ng hawakan niya ang mga yun at itaas. "Salves sa anak mo lang ako nagiging mabait at hindi sayo, sa oras na ulitin mo pa ang sinabi mo humanda ka sa gagawin ko." Walang emosyong sambit ni Sir.Lake papalag ako ng mas ilapit niya pa ang mukha niya sakin yung tipong konting galawa ko lang didikit na ang labi naming dalawa. "Wag mo ako subukan dahil ayoko sa lahat nahuhusgahan ng wala naman akong ginagawang mali." Bulong ni Sir.Lake na kinapikit ko ng bahagya ng maamoy ko ang pinaghalong amoy ng mint at sigarilyo. Matapang pero mabango saktong pag mulat ko ulit ng mata. Para akong nabato sa kinatatayuan ko ng mas makita ko ang malapitan ang mata ni Lake. 'Ang mga mata niya bakit---.' "Ibigay mo yan kay Cross, tinuturuan ko siya gumamit ng mga music instruments kaya ibigay mo yan." Ani ni Lake bago mabilis na lumayo at tumalikod matapos niyang ilagay sa mga kamay ko ang isang lalagyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD