07

1393 Words
Chapter 7 3rd Person's POV; "Cross may problema ba? Ayaw mo ng pagkain?" Tanong ni Astrid ng makitang pinaglalaruan ng bata ang mga pagkain nito sa plato. "Pano ako magkakaroon ng gana mommy kung maraming nakatingin saatin at kumukuha ng litrato." Walang buhay na sambit ni Cross bago tingnan ang ama na may kausap na kung sino matapos silang lapitan. "Cros---." "Ayoko sa ganitong lugar mommy." Ani ni Cross na kinagat labi ng dalaga. "Pero alam mong hindi pwede sa mga public place ang daddy mo diba?" Bulong ni Astrid na kinatahimik ni Cross. "May problema ba hon?" Tanong ni Cadmus bago bumalik sa upuan niya at tingnan ang mag ina. "Sorry kanina, you know business." Ani ng lalaki na kinangiti ng konti ni Astrid bago tingnan si Cross. "Cross ayaw mo ba ng pagkain? Papalitan natin?" Tanong ni Cadmus. "May allergy ako sa kahit na anong beans." Ani ni Cross matapos itulak bahagya ang plato nito na kinatigil ng magkasintahan. "s**t! I forgot sorry baby." Ani ni Cadmus habang sapo ang noo at tawagin ang waitress. "Ano bang gusto mong kainin Cross?" Tanong ni Astrid na kinatingin ng binata. "I want fried chicken." Sagot ni Cross. "Wala yun sa menu Cross." Sagot ni Cadmus na kinatahimik ng bata. "Fine kakausapin ko yung chef nitong restaurant." Ani ni Cadmus tatayo ito para umalis ng hawakan siya ng dalaga para pigilan. "Cross diba nag usap na tayo? Yung gusto mo wala sa men---." "Simple dishes lang ang fried chicken mommy, bakit wala sila nun dito?" Tanong ni Cross. "Cross makinig ka kay daddy, masyadong expensive ang restaurant na ito para lang mag luto ng mga simple dishes." Sagot ni Cadmus sa anak. Hindi umimik si Cross pero kitang kita ng dalaga na may gusto pang itanong ang bata pero mas pinili nitong manahimik. Dahil sa hindi naman nagsalita ang bata sa gustong kainin si Astrid na ang umorder at pinili nito ang madalas kainin ng bata. --- "May inaalala ka ba?" Tanong ni Cadmus ng makita ang pananahimik ni Astrid habang nakatingin sa batang si Cross nakaupo sa lilim ng puno at nagbabasa ng libro na binili ng daddy niya kani kanina lang bago sila pumunta ng park. "Iniisip ko lang si Cross, Cadmus." Sagot ni Astrid na kinabuga ng hangin ni Cadmus bago umayos ng upo sa bench katabi ang dalaga. "Lagi na lang ba si Cross ang aalalahanin mo." Out of the blue na sambit ni Cadmus na kinatingin ng dalaga. "What do you mean?" Tanong ng dalaga. "Pano tayo Astrid? Ganito na lang ba tayo?" Balik na tanong ni Cadmus bagot tingnan pabalik si Astrid. "Cadmus napag usapan na natin ito diba? Antayin lang natin lumaki laki pa si Cros---." "Astrid since first year college nag aantay na ako sayo, kasal na lang ang kulang mabubuo na tayo nina Cross." Putol ni Cadmus na kinagat labi ng dalaga bago bumuntong hininga at tingnan ang batang si Cross. "Si Cross ba ang reason bakit ayaw mo ako pakasalan?" Tanong ni Cadmus. "Hindi lang naman si Cross, Cadmus pati ang tatay mo." Sagot ng dalaga. "Once na ilabas mo kami ni Cross, lalabas ang tunay na pagkatao ng anak ko. Cadmus bata pa si Cross at ang kinakatakot ko kuhanin siya ng daddy mo lalo na anak siya ni Callius." Natatakot na sambit ni Astrid. "Astrid bakit ka nag iisip ng mga bagay na mangyayari pa lang. Hindi habang buhay maitatago mo si Cross hon, darating ang panahon malalaman niya din at---." "Cadmus hindi ngayon, hindi pa ngayon ... masyado pang bata si Cross." Putol ni Astrid. "Astrid pano naman tayo? Aantayin pa ba natin mag binata si Cross ... isasakripisyo mo ang relasyon natin para lang maitago mo si Cross?" Hindi makapaniwalang sambit ni Cadmus. "Cadmus anak ko si Cross at gusto ko siyang protektahan, masyadong malaki ang mundo na haharapin niya in future at kung bata pa lang ihaharap ko na siya dun ... sa liit ng anak ko baka siya pa ang kainin nito ng buo." Sagot ng dalaga bago tumayo at tingnan ang binatang Acosta. "Cadmus sana maintindihan mo, hindi ko tatanggalin kay Cross ang pagiging Acosta niya pero sana kahit habang bata siya, hayaan muna natin siya maging malaya at maging bukas ang isip niya sa mga bagay na gusto niyang marating at makuha." Ani ni Astrid bago tumalikod at naglakad palapit sa anak. Dahil dun napayuko na lang ang binata at palihim na nag gitgit. "Bakit ba hindi kita makuha ng walang humahadlang?" Nag gigitgit na tanong ng binata bago tingnan ang mag ina sa lilim ng puno. "Hindi na ako papayag na may tao pang humadlang saating dalawa Astrid, kahit ang anak mo pa." Bulong ng binata bago tahimik na iniyukom ang mga kamao. --- 'Ang gwapo ni president kyaah.' 'Gosh hindi na talaga ako nagtataka kung bakit biglang dumami ang costumer natin dito sa mall.' 'Ang gwafuu kaya lagi akong inspired pumasok ihh hihihi.' Napailing na lang ang dalagang si Astrid ng marinig ang mga bulungan ng mga kasamahan sa department. Nung una nagulat talaga siya ng malaman na ang bumili pala ng mall ay ang lalaking humatid sa anak. Ito na ang bagong presidente nila matapos formal itong nagpakilala na kinagulat niya talaga dahil ito pala ang lalaking halos buong araw pinagchichismisan at pinagpapantasyahan ng mga kasamahan. "Dinaan lang naman lahat sa gwapo." Pabulong bulong na sambit ng babae bago tingnan ang lalaking seryosong nakikipag usap sa head ng mga department ng mall. "Gurl ang gwapo niya noh." Humahagikhik na sambit ng katabi nitong si Catherine na parang kaibigan niya na din sa department nila. "Puro gwapo lang naman." Sagot ng dalaga habang nakatingin sa binata. "Uy wag ka nga sino may sabi? Alam mo ba isa si Lake Acosta sa mga sikat na actor and model sa buong U.S, Nabasa ko nga din na nakapag tapos si Lake Acosta sa course na surgeon, may license pa daw ito pero hindi niya pa ginagamit dahil gusto niya din daw masubukan ang field ng business." "Kaloka noh? Napasok niya na ang entertainment pati business gusto niya na din pasukin kaloka." Kinikilig na sambit ng dalaga na kinangiwi ni Astrid. "Eh di siya na perfect." Sarcastic na sagot ni Astrid bago tumalikod at ayusin sa estante ang mga heels sa estante. "Ano bang problema mo sa mayayaman Astrid? Kaloka ka girl masyado kang bitter hindi ko carry." Banat ng kasamahan nitong babae. "Wala akong problema sa mga mayayaman, may trauma lang talaga ako sa pagpapakitang tao ng mga mamayaman, you know yung pagka obsses nila sa image." May inis na sagot ng dalaga. --- "Magdagdag kayo ng sales, kung kinakailangan babaan niyo gawin niyo na." Ani ng binata. "Pero sir pag ginawa natin yun, bababa ang---." "Kung hindi kayo mag sasale walang bibili sa product natin, kayo na nagsabi yung iba mga tinatapon niyo na nga lang diba? Imbis itapon yung product na dahil sa na stock, ibenta niyo sa mas mababang halaga." Putol ng lalaki. Hindi umimik ang mga head manager ng bawat department. Makalipas ang ilang minutong pag uusap umalis na din ang mga ito matapos makapag paalam. Aalis na ang binata kasama ang ilan pa nitong tauhan ng may humila hila sa laylayan ng suot nitong tshirt. 'Yung bata.' 'Hoy bat---.' "Cross ikaw ulit." Natatawang sambit ng binata ng paglingon niya nakita niya ulit ang batang si Cross. "President." "Hindi ayos lang mauna na kayong bumalik." Ani ng binata sa mga tauhan. "President nag aantay sainyo ang mga stock holders nitong mal---." "Tawagan mo si Sandara sabihin mo siya na muna ang humarap." Putol ni Lake bago lumuhod sa harapan ng batang si Cross. "Hey Kiddo andito ka ulit don't tell me tumakas ka nanaman sa mommy mo." Ani ng lalaki. "Hindi ah, sinabi ko kay mommy na dito lang ako sa mall at babalik ako sa lobby pagtapos na duty niya." Sagot ng batang lalaki. "Gusto mo gumala? Sama ka sakin." Nakangiting sambit ni Lake na kinatango ng batang lalaki. "Okay." Sagot ni Cross na kinatawa ng binata bago tumayo at hawakan ang bata. 'Gosh mukha silang mag ama.' 'Uy wag ka nga single sir.' "Gusto mo pumunta sa opisina ko?" Tanong ni Lake sa bata. "May books ba dun?" Bored na tanong ng batang lalaki. "Boring ang books ... pero may interesting na bagay akong ituturo sayo." Sagot ng binata. "Interesting?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD