PUPUNGAS-PUNGAS pa si Matt nang mag-ring ang telepono niya. ‘At last!’ usal ng isip niya habang kinakapa ang telepono sa bedside table niya. Halos wala siyang tulog sa paghihintay ng tawag ni Diana sa kaniya ngunit hindi na ito tumawag sa kaniya. He tried calling her as well but her phone was switched off. Nakailang text message na rin siya sa dalaga ngunit hindi pa rin ito ito nababasa ng dalaga. At kahit hindi man niya aminin, may isang bahagi sa kaniya na nami-miss ang dalaga. Ni hindi na rin niya tuloy namalayan na nakatulog na pala siya kahihintay kay Diana. “I’ve been waiting for your—” Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin nang makilala niya ang boses ng nasa kabilang linya. “Hey, cous’! Wakey, wakey!” masiglang panggigising sa kaniya ni Abigail. “Good morning,” disappointe