CHAPTER 27

1363 Words

MALAYO pa lang ay tanaw na ni Diana mula sa sinasakyang taxi si Luisa na nakatayo sa tapat ng three-door apartment nito. Nang makita nito ang papalapit na taxi ay sumalubong pa ito at ito pa ang nagbukas ng passenger seat para siya makalabas. Kaagad din nitong isiunuot sa kaniya ang isang puting cap at ito na rin ang naghila ng luggage niya habang ang isang kamay naman ay nakahawak sa kaniya at literal rin siyang hinihila, bagay na hinayaan na lang niya saka niya inihanda ang kaniyang sarili sa pagtalak nito. Mabuti na nga lang at walang tao sa unahan ng apartment kaya walang problemang nakapasok sila sa apartment ni Luisa na nakalagak sa gitnang pinto. Pagkapasok niya ay mabilis nitong isinara ang pintuan at marahas siyang hinarap. “Sit down,” seryosong sabi nito sabay turo sa sofa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD