SUCCESSFUL ANG LUNCH DATE NILANG MAG-ANAK. Siyempre, with his ever loving wife. Kahit na napapansin niyang napapadalas ang pag-iba iba ng ng mood nito ay nananatili ang sweetness na ipinaparamdam ng asawa. Marahil dahil na rin sa buo na at tuna yang pagiging bahagi nito ng Anderson family. Panaka-naka niya itong sinusulyapan habang magana itong nakikipag-usap sa kanyang mga magulang. Everything is beautiful in his eyes. Everything about her. All about her. Nakangiti itong sumulyap sa kanya saka mariin siyang hinawakan sa kamay. Tinugon niya ito ng isang napakatamis na pagngiti kasabay ng pangungusap ng mga mata sa asawa. “Jaxon, anak,” narinig niyang nagsalita ang Mom niya. “Dahan-dahan lang sa pagtitig sa asawa mo, baka matunaw iyan.” Muli silang nagkatinginan ni Celine saka sabay na