NAGDESISYON SI JAXON NA PAUNLAKAN ANG IMBITASYON NG THE WILLIAMS OIL CORPORATION. Kailangan niya ang ibang subordinates at bodyguard patungo sa bansang Saudi Arabia. Doon nakabase ang kompanya kahit pa una itong nagtayo sa Canada. “Zendrick, ano ang update doon sa pinagagawa ko sa iyo?” “Nandoon na ang team sa palibot ng inyong mansion Jaxon. Kahit anong oras ay pwede mo silang kontakin para malaman ang status nila doon,” sagot ng lalaki. “Mabuti kung ganoon. I need to call Dylan. Maybe he can help me to meet the Williams.” “Sigurado ka na ba sa desisyon mo? Palagay ko kahit pa si Dylan ang ipadala mo doon ay ikaw pa rin ang hahanapin. Nasa iyo ang huling say ika nga.” “I am aware pero hindi ko pwedeng iwan ang asawa ko sa ngayon. She is so clingy and demanding pagdating sa akin where