CHAPTER 5 - THE VIP

1203 Words
NAKANGITI SI Celine habang sinusuklay ang mahabang buhok sa harap ng malaking vanity mirror. Hindi siya pinahintulutang mag-ayos ng kanilang mga gamit na dadalhin sa Balesin Island. Matapos nilang sabay maligo ay agad na kumuha ang asawa ng damit na susuotin at kusang isinuot sa kanya. Pati under garments niya ay ito rin ang nagsuot. Kahit anong pagtanggi niya ay hindi ito pumayag. Wala rin nagawa ang pagka-ilang niya dahil lagi nitong sinasabi na wala siyang dapat ikahiya. Bahagya pa itong tumigil nang mapansin ang mamula-mulang marka sa kanyang kanang hita. “Masakit ba?” tanong nito matapos haplusin iyon. Umiling siya. “I can’t forgive myself for hurting you, love.” Hinalik-halikan nito ang bahaging iyon. “I’m sorry.” Hinayaan niya lang ito. “Bababa lang ako para ilagay ang mga gamit natin sa plane. Babalikan kita, okay?” Muli siyang tumango. Isang malalim na halik ang iginawad nito bago lumabas ng silid. Tumayo siya at dumiretso sa bintana kung saan matatanaw ang buong paligid sa ibaba. Sadyang napakaganda ng ng berdeng kulay ng resort ni Lenard. Sa laki nito ay nagawang ilapag ang private airplane ng asawa na maghahatid sa kanila papuntang Balesin Island. Sa tatlong araw na pamamalagi nila sa lugar na iyon ay nagmistula itong palasyo sa kanila. Palasyo ng kanilang pagmamahalan. Napapikit siya sa pagpasok ng sariwang hangin. Ang sarap lang sa feeling na nakikiramay ang kalikasan sa labis na kaligayahang nararamdaman niya. “Are you ready?” Narinig niya ang boses ng asawa matapos itong yakapin siya. It’s a back hug pero pakiwari niya ay nanlalambot na naman ang kanyang mga tuhod. Inamoy-amoy pa nito ang kanyang buhok at hindi nagtagal ay biniyayaan ng banayad na halik. “Tayo na sa baba,” yakag nito. “Naghihintay na si Xian.” Agad siyang tumango. He curled his left hand on her. Ang isang kamay nito ay nakapalibot sa kanyang baywang. Mahigpit ang pagkakahawak na para bang may hahablot sa kanya anumang oras. “Xian,meet my wife Celine.” Nakangiting tumungo ang piloto. “Magandang araw po Mrs. Anderson!” bati ng lalaki. “You’re so lucky, brother! “ baling nito sa asawa. “Of course!” Nilingon siya nito.”Xian is a friend.” “Hi,” bati niya. Inalalayan na siyang umakyat ng asawa sa plane. “Good day Mr. and Mrs. Anderson!” bati ng isang babae at lalaki na sumalubong sa kanila. Ang akala niya wala silang ibang kasama ngunit sinigurado pala ng asawa na may mag-aasikaso ng kanilang gagamitin sa Balesin. “Hello,”nakangiti niyang tugon. “We’ll just stay in the room,” sabi ni Jaxon sa dalawa. “Yes Sir!” Tumungo pa ang mga ito. “I thought it’s just the two of us.” Hindi pa rin nito binibitawan ang kamay niya. “Pwede natin sila pauwiin kung gusto mo akong masolo,”kumindat ito. “But I want them to care of us, especially you.” “Hindi naman ako alagain, sweety.” “Tumawag sa akin si Dylan. It is very much unexpected to meet an investor sa Balesin at sa mismong honeymoon pa natin. Kung makakaabala sila ay hindi ko kailangan na makipagkita sa kanila.” “It’s your job. I can understand.” Marahan niyang pinisil ang kamay ng asawa. “Anyway, don’t mind it. All I want is your attention. Your full attention only for me.” Ni-lock nito ang pinto saka siya hinila sa kamang naghihintay sa kanila. PINATULOG SIYA NG ASAWA. Mahigpit siyang niyakap nito saka mahina ang boses na binubulungan siya ng mga ‘sweet nothings’. Napansin yata nito ang pagngiti niya kaya paulit-ulit siyang hinagkan sa buhok. “You need to sleep, love. Hindi ka pa nakakatulog ng maayos,” sabi nito na nakalubok ang ulo sa kanyang leeg. Tila sinisimot nito ang amoy sa kanyang balat. “Ikaw nga itong hindi pa nakakatulog ng maayos eh.” “I can handle it. Ikaw ang inaalala ko, my wife.” “Inaalala rin kita, sweety. Ikaw ang asawa ko kaya dapat lang na ako mismo ang mag-alaga sa iyo.” “It’s enough that you have me in your heart. Only me. I won’t allow – “ Kinabig niya ito upang maglapat ang kanilang mga labi. Ayaw niyang mag-isip ito ng kahit ano pa sa mga oras na iyon ng kung anu-ano dahil alam niya na nag-iisa lang ang tinitibok at nagmamay-ari ng kanyang puso. Walang iba kundi si Jaxon Anderson iyon. Ilang sandali pang naghinang ang kanilang mga labi bago sila nakatulog ng mahigpit. Nagising siyang wala ng katabi sa kama. Thirty minutes rin siyang nakatulog. Nasaan kaya si Jaxon? Agad siyang sinalubong ng dalawang staff sa plane. Magiliw siyang binati ng mga ito. “Hi Maam Celine! Ako po si Ernest at si Betty po ang kasama ko. May kailangan po ba kayo?” mahabang sabi ng batang lalaki. Sa tantiya niya ay nasa early twenties ito base sa itsura. “Ah, wala naman akong kailangan. Hinahanap ko ang Sir Jaxon ninyo,” nakangiti niyang tugon sa mga ito. “Maam, hintayin po natin na bumalik si Sir. Kabilin-bilinan niya pong huwag kayong hayaang mapagod,” sagot ni Bettty. Bakit naman ako mapapagod? Nandito lang naman ako sa loob ng plane. “Nasa Balesin na ba tayo?” “Opo Maam. Ayaw po kayong istorbohin sa pagtulog kanina ni Sir Jaxon.” Makahulugang nagkatinginan ang dalawa. Sabay-sabay silang napalingon sa mga lalaking sunod-sunod na umakyat. Humanay pa ang mga ito sa magkabilang bahagi upang may daraanan sa gitna. Isang nakasalamin ang nasa hulihan at tumungo sa kanyang kinaroroonan. “Magandang araw po Madam Celine! Ipinatatawag po kayo ni Mr. Anderson. Iga-guide po namin kayo sa inyong magiging tahanan habang nandito sa Balesin,”magalang nitong sabi. Napatingin siya kay Betty at Ernest at agad naman na tumango ang mga ito. “Huwag po kayong mag-alala Maam Celine, makakasama ninyo po kami at sila po ang mga bodyguards ni Sir Jaxon kaya wala po dapat kayong ikatakot o ipag-alala. “Tayo na po Madam Celine,” aya sa kanya ng lalaki. “Ako ay isang katiwala ni Mr. President kaya mapagkakatiwalaan ninyo po ako.” “Maraming salamat po,” tanging naging tugon niya. “Naku Madam Celine, unang pagkakataon kong masaksihan na makitang aligaga si Mr. Anderson. Ikinasal na pala kayo at dito magha-honeymoon.”Biglang nag-init ang mukha niya. “Kayo lang po ang kaisa-isang babae na dinala rito. At sigurado ako ikaw lang inibig niya.” Nabalot na yata siya ng init sa buong katawan kasabay ng kilig na nararamdaman. “Hindi kayo magsisisi kay Mr. Anderson Maam Celine dahil sigurado akong lahat ay gagawin niya para sa iyo.” Lihim niyang nakagat ang labi sa nag-uumapaw na kilig. Natigil siya sa paghakbang nang isa-isa humanay ang mga bodyguards. Pinalibutan siya ng mga ito kaya’t hindi niya makita ang dulo ng kanilang daraanan. “Madam Celine Anderson, naghihintay na po sa inyo ang inyong asawa. Si Mr. President Jaxon Anderson.”Saka dahan-dahan na nagsitabi ang mgabodyguards sabay na lumitaw ang isang pamilyar na bulto. Nakatakip sa mukha nito ang isang bungkos na mapupulang rosas. ********** Gusto ko rin maging VIP ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD