CHAPTER 6 - A PARADISE IN BALESIN

1152 Words
ANG MABAGAL NA PAGBABA ng hawak nitong mga pulang rosas ay siya namang pagsilay ng maganda nitong ngiti. Kumikinang rin ang mga mata nito na nakatitig sa kanya. Nahawa na yata siya kay Jaxon na nakakahiligan na rin ang paglunok sa tuwing maghihinang ang kanilang mga mata. Ang mga mata nitong nangungusap ng pagmamahal. Ang marahan nitong paghakbang ay lalong nagpapadagdag sa pagtibok ng kanyang puso. Dinadaga na ng husto. Pakiramdam niya tuloy ay laging bago lang silang magkakilala at nagsisimula pa lang ito na ligawan siya. Nakagat niya ang labi sa tindi ng emosyong nararamdaman. Kalma lang, Celine! Pinipilit niyang maging kalmado dahil nagbabadya na ang mga luha niyang nais maglandas. Kasal na sila pero parang iyon ang sandaling magpo-propose pa lang ang isang Jaxon Anderson. Halos hindi niya maikurap ang mga mata na napako na sa malagkit na titig ng kanyang asawa. Hanggang sa tuluyan itong makalapit sa kanya ay sa kanya nakatutok ang paningin nito. Walang pakialam sa paligid nila o sa mga kasama nila. “Will you be my date, mi amore?” Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa bawat bahagi ng kanyang mukha. Saglit niyang nilingon ang mga taong nakapalibot sa kanila. “Of course,” nakangiti niyang tugon. Agad na tinanggap ang inabot nitong mga bulaklak saka mabilis siyang dinukwang upang hagkan ang kanyang mga labi. “I love you,” sabi pa nito nang maghiwalay sila. Muli siyang napalunok bago nakasagot. “I love you too, sweety.” Mahigpit na niyakap saka siya inakbayan. Narinig niya ang mahihinang bungisngis ni Betty kung kaya’t nilingon niya ito at bumaling muli sa asawa. “Let’s go love,” anito. Agad naman siyang tumango. Ang isang kamay ng asawa ay nasa kanyang baywang kaya kahit naglalakad sila ay magkadikit ang kanilang mga katawan. Nagtataka siyang parang biglang lumakas ang hangin at lumuwag ang kanilang daraanan. Ang mga bodyguards pala at ang iba pa ay hindi na sumunod sa kanila. Marahil utos ng kanyang asawa. Sabik ito na masolo siya. Ganoon din naman siya. Hindi niya nais na hindi maramdaman ang presensiya nito sa kanyang paligid. Nasanay na siyang laging nasa tabi niya ang asawa. “Welcome to Balesin Island my sweet loving wife,” sabi nito at niluwagan ang pagkakahawak sa kanya. Ganoon na lang ang pagsinghap niya ng makita ang malawak na tubig sa kanilang harapan. Walang kaalon-alon ang pinahalong kulay na berde at asul na tila nag-aanyaya sa kanyang magtampisaw doon. Marami na rin siyang private and beach resorts na napuntahan ngunit kakaiba ang Balesin. Para itong isang paraiso na nakaguhit sa isang painting. Nakakamangha sa sobrang ganda. “Where are we exactly, sweety?” “Quezon Province. Nagustuhan mo ba, love?” “Are you serious?!” Napakunot ang noo ni Jaxon. “I really love it, sweety!” “Oh, thank heavens!” “Bakit?” “Akala ko ay hindi mo magugustuhan. Tinanong ko pa si Zeny at Lenard tungkol dito.” He curled his hands on her. “I wanted to give you all the best.” “My husband, alam mo na ang isang katulad mo ay labis-labis na para sa akin. Huwag mo ako sanayin sa mga material na bagay, sige ka, ikaw rin ang mahihirapan.” Lumabi siya. “You’re so cute.” Nakatitig ito sa kanyang labi. “Wala akong pakialam kahit mahirapan ako. Ang mahalaga ay ang kaligayahan mo sa piling ko.” “Ang kulit mo, sweety. Sabi ko, ikaw ang kaligayahan ko.” Hindi ito nakapagsalita agad. Namungay ang mga mata na tila ipinapabatid ang laman ng puso at isipan nito. “Ikaw ang buhay ko, my Celine. Hindi ko kakayanin na mawalay ka sa akin. Ayokong pagsawaan mo ako, ayokong magalit o magtampo ka at lalong-lalo na ayaw kong hindi kita nahahawakan. I really love you so much na ikamamatay ko kung mawawala ka sa aking paningin.” “You’re so dramatic, my love. Pero I love everything you said. I am yours, alone.” “You can ask my heart para makasigurado ka na totoo ang mga sinabi ko – “ Tumingkayad siya saka inabot ang labi ni Jaxon. Saglit itong natigilan. Hindi ito marahil makapaniwala sa kanyang ginawa. Ang dalawa niyang kamay ay ipinalibot sa leeg ng asawa. Nang mahimasmasan ito ay maingat na iniyakap ang mga kamay sa kanyang baywang. Sa ganoong posisyon ay pareho silang nagbigay para sa isa’t isa. “Oh! Mahal ko,”sabi nito sa pagitan ng halik. “I can wait to continue this later.” Sinapo nito ang kanyang mukha. “May kailangan pa tayong gawin.” Pumailanlang ang isang musika at sumulpot ang isang grupo ng mga staff. Siguradong sa kitchen department ang mga ito nanggaling dahil sa mga suot na puti. Patuloy pa rin ang pagtugtog ng awiting minsan na niyang narinig mula sa asawa. Umaangat yata siya sa kinatatayuan. Tila nagkaroon siya ng pakpak dahil pakiramdam niya ay nasa alapaap na siya. Pangako ko na di kita iiwanan Pangako ko na di kita sasaktan Ikaw lang ang sinisigaw ng puso kong ito Dinggin mo ang awitin kong inaalay sa iyo Dito ka lang sa aking tabi, kapiling ka bawat sandali Gusto lang mayakap at mahagkan, pangakong di pakakawalan Oh dito ka lang, oh dito ka lang Sa aking tabi Sabay-sabay na tumungo ang mga kitchen staff matapos maihanda ng mga ito ang pagkain sa mesa. Binudburan din ang ilang bahagi ang malaking mesa ng mga petals ng bulakalak. Sa isang iglap lang ay biglang nagkaroon ng isang candle light dinner. Madilim na pala ang paligid at hindi niya iyon namalayan. “Maupo ka na mahal ko,”anito. Inalalayan siyang makaupo saka ito naghila ng sariling upuan. “Love,”tawag niya kay Jaxon. “Hmn, yes mahal ko?” Naninibago siya sa bagong endearment sa kanya ng asawa. Kay sarap pakinggan. “Pwede bang magkatabi na lang tayo? Ang laki ng mesa, ayokong malayo ka sa akin.” Hindi nito naitago angkakaibang ngiti sa labi na nais niyang mapagmasdan sa araw-araw. “Sure,”mabilis nitong sagot. Dalangin ko pag-ibig mo ay di magbago Pangarap ko di ka mawalay sa piling ko Ikaw lang ang nag-iisa sa puso kong ito Damhin mo ang awitin ko na para lamang sa iyo Dito ka lang sa aking tabi, kapiling ka bawat sandali Gusto lang mayakap at mahagkan, pangakong di pakakawalan Oh dito ka lang, oh dito ka lang Sa aking tabi ”I promise you that I am always here beside you. Always,” paniniguro nitong sabi sa kanya. “Tulad ng awit na naririnig mo, gusto ko rin na dito ka lang sa aking tabi.” Pinupog nito ng halik ang kanyang dalawang kamay na hawak na pala ng asawa. Sadyang napakabait ng langit dahil ang lalaking katabi niya ay isang hulog na mula sa langit. ********* Ay!!! Grabe na talaga ang tambalang #JaxCel na to! Di ko na keri sa KILIG!!! ???
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD