Panay ang tingin ni Katelyn sa listahan ng lahat ng bibilihin na grocery, nag volunteer kasi s'ya na s'ya na ang mamimili dahil wala naman s'yang ginagawa. At nahihiya na s'ya sa mga Brichmore dahil ginagawa na lang n'yang uwian ng bahay ng mga ito habang si Athena naman ay laging nawawala at kung saan na punta na hinahayaan na ng mga lola nito dahil si Athena daw kasi ang tipo ng tao na bawal kulungin dahil lalong nag wawala. Halos puno na ang cart n'ya at tintitingnan na lang n'ya kung na checkan ba n'ya ang lahat ng nasa listahan, mukhang okay naman na kaya siguro kailangan na n'yang ipila sa cashier. Itutulak na sana n'ya ang cart ng isang bulto ang biglang humarang kaya nabangga n'ya ito. "Sorry p_______." natigilan sa pag so-sorry si Katelyn ng makita si Dale, na tumikwas ang sulok