Kabado si Dale habang naka tali sa paanan ng kama n'ya, habang si Kate ay masarap ang upo sa kama n'ya habang hawak ang phone n'ya na pinabuksan nito sa kanya dahil may tatawagan lang daw itong importante. May dugong na agos sa ilong ang labi n'ya dahil sa pakikipag agawan dito kanina ng bat na tumama sa mukha n'ya ng bigla nitong binitawan. Hindi talaga ito ang Katelyn na kilala n'ya may mali sa Katelyn na ito ngayon. Ngayon s'ya nag dadalawang isip kung wala ba talaga itong kinalaman sa pagkamatay ng asawa n'ya. "Hello lola! I'm back." masayang bungad ni Katelyn sa kausap sa phone. "I told you, this is really me kahit anong pigil ang gawin n'yo lalabas at lalabas ang tunay na ako. Tanggapin n'yo na lang kasi na hindi ako ang apong inaasahan n'yo. Masyado kayong trying hard na gawin ako