Aida's POV
Naynay pwede po ako laro labas?
O sige na anak basta dito ka lang sa hardin natin ha? Rinig ko eh yung kapitbahay natin eh medyo hindi pa lumalabas ayain mo maglaro baka makipaglaro sa'yo nak.
Mainit ngayon dito sa amin dahil panahon na naman ng tag araw. Madalang kaming nasa labas dahil wala naman kaming electric fan o kaya naman ay aircon kaya lumalabas na lang kami ng bahay para kahit papaano ay maibsan ang init. Iyong kapitbahay na sinasabi ng nanynay ay pawang mag asawa na magsasaka habang ang isa ay nagtitinda, may dalawa silang anak na lalaki.
Uy uy uy bata, anong pangalan mo?
Ako si Benedict.
Ah hello bonik.
Be-ne-dict. Ganyan sabihin ang pangalan ko.
Bonik na lang masyadong mahaba eh. Kahit na naiintindihan ko naman kahit paano ay talagang nahahabaan ako sa pangalan nya kaya Bonik na lang ang tinawag ko sa kanya. Malungkot syang nakaupo sa hardin nila kaya naman ay sinabihan ko na maglaro na lang kami. Dahil sa init ng panahon ay hindi kami masyadong pinalabas kaya naman nanatiling sa hardin ng mga bahay namin kami nag uusap at nagpapalitan ng mga kwento. Sabay kami halos na lumaki, noong nagsimula na kaming pumasok ay lagi kaming sabay na pumasok sa eskwela at umuwi ng bahay.
Bonik tara naaaa ang tagal tagal mo! ako yung babae satin pero ikaw tong kupad kumilos eh!
Ito na, ikaw talaga Aida napakamapag madali mo eh!
Mahuhuli tayo sa klase kapag hindi ka pa lumabas dyan!
Kapag umaga naman ay ako palagi ang nauunang kumilos sa aming dalawa.
Sa lahat ng bagay ay magkakampi kaming tunay ni Bonik dahil alam na namin ang karakas ng isa't isa. Kapag napapahamak sya ay ako ang taga pamagitan sa mama at papa nya, at kapag ako naman ang naiiipit sa sitwasyon ay sya naman ang taga pamagitan kila naynay at taytay. Parehas kaming panganay sa magkakapatid pero mas mabigat ang pasanin ko kaya noong high school na kami ay hindi na ako makasabay masyado sa kanya, madalas ay nagkaka ayaan ang mga iba naming kaibigan na tumambay sa may ilog pero dahil kailangan ako sa bahay ay hindi ako pwedeng sumama. Kapag ganoon ay hindi na sumasama si Bonik at tumatambay na lang sya sa hardin kung saan madalas din naman akong gumawa ng mga gawaing bahay.
Uy bonik tawag ka na sainyo, gabi na kasi nandyan ka pa rin.
Eh kasi nga gabi na pero nandyan ka pa din! Pumasok ka na don.
Oo na papasok na, ikaw din. Bukas ulit.
Bukas ulit.
Maraming ginagawa sa school ngayon kaya naman ay hindi din ako makalabas ng bahay. Si Bonik naman hindi pa bumibisita ngayon, mukhang marami din syang ginagawa. Magkaiba naman kasi kami ng strand at medyo complicated ang strand nya kaya dapat maka focus sya sa kanyang mga ina aral.
Anak, pwede mo bang puntahan si Benedict? Sabihin mo ibigay to sa nanay nya kasi hiniram ko yan nung nakaraan lang.
Sige po naynay.
Nag lakad naman na ako papunta sa bahay nila na ilang lakad lang ang layo mula sa amin. Naabutan ko sa sala ang kapatid nyang bunso.
Carl, nasan ang kuya Benedict mo? May ibibigay kasi ako sa kanya.
Ate Aida nasa kwarto nya po sya, pasok na lang po kayo wala po kasi sila mama at papa.
Kumpara sa bahay namin, ang bahay nila Bonik ay mas maganda, masasabi mong kahit na nasa mahirap silang barangay ay nakukuha pa din nila ang pangangailangan at kagustuhan nila dahil na din sa masipag nilang mga magulang.
Bonik *tok tok tok*
Kumakatok ako sa pinto pero parang wala namang sumasagot.
Bonik!!! Buksan mo pinto may pinapabigay lang si naynay.
Bumukas naman ang pinto pagkatapos kong katuk-katukin ito ng paulit ulit.
Bakit ang tagal mong bumukas?
Eh kasi gusto kitang pikunin, pero wag na lang pala baka maging dragonesa ka na naman eh hahahahahaha.
Tawa nito kasabay ang mapang asar nyang tingin sa akin.
Napaka sama mo talaga, oh ayan bigay mo daw sa mama mo, yan yung hiniram ni naynay nung nakaraan eh, salamat daw.
Oh? Ah oo sige salamat.
Sige na babalik na ako samin may mga gagawin pa ako eh.
Aida teka lang!
Tatalikod na sana ako pero bigla nya naman akong tinawag. Pagharap ko eh tinuro nya sa akin ang notebook nya.
Oh ano naman yan?
Turuan mo sana ako sa assignment ko ang hirap eh, bayaran kita pls pls pls
Alam ko naman na kaya nyang sagutan iyon, nabasa nya siguro ang lungkot ng mukha ko nung inabot ko sakanya yung pera na hiniram ni naynay, grabeng bayarin kasi ngayon sa kuryente, pangkain dagdag mo pa na nagkasakit din ang bunso kong kapatid.
Kung ginagawa mo to dahil naaawa ka sa'kin, okay lang ako Bonik. Salamat sa concern pero alam mo naman na ayaw ko lalo na kinakaawaan ano diba?
Hindi naman kita kinakaawaan eh. Magpapaturo nga ako sa'yo tapos bayad din naman serbisyo mo sa'kin
Eh kayang kaya mo naman na aralin yan, hindi na para tulungan kita.
Porke ba matalino at masipag akong mag aral hindi na ako pwedeng humingi ng tulong sa iba tungkol sa mga assignments ko?
Hay sige na nga, oo na tuturuan na kita.
Benedict's POV
Alam nya naman na alam ko, kailangan ko lang talaga syang mapilit na turuan ako, hindi kasi yan papayag ng dahil lang sa naawa ako sa kanya eh.
Si Aida, si Aida na palaging tolero minsan pero maaasahan sa lahat, lalo na ng pamilya nya. Lagi nyang inuuna ang iba kahit na dapat eh sya naman muna kaya nong nabasa ko yung lungkot sa mukha nya, alam ko na kailangan nya pa din ng pera kaya nag offer na ako.
Oh ayan eto kasi ita-transfer mo dito para magkabilaan sila.
Blah, blah, blah. Bakit pa pag aaralan yan kung natuto na ako. Natutong mag mahal. Kung hindi ba naman kasi si Aida lang ang tanging kaibigan ko eh hindi naman ako mababaliw ng ganito
Oh ano gets mo na ba? Naku ka talaga nakatitig ka lang sa'kin buong oras eh, aalis na talaga ko Bonik sinasabi ko sa'yo, baka mamaya ako pa sisihin mo ah!
Ikaw ayan ka na naman, nagiging dragonesa ka na naman! Oo na nage-gets ko na Aida, init ng ulo. Oh ito thank you sa pagtulong sa'kin hehe.
Thank you din dito, sige balik na ko.
Pagkasara ni Aida ng pinto ay agad ko naman na ibinaon ang mukha ko sa unan para doon magsisigaw, hibang na ata talaga ako kay Aida, hindi bale ng hanapin yun sa'kin ni mama, may pang palit naman ako sa pera na yun eh.
Hindi alam ni Aida na matagal ko na syang gusto, paanong hindi ako magkakagusto sa babae na yun? Ang tapang tapang tapos lahat naiintindihan nya. Balak ko na sa katapusan ng graduation namin ay doon na ako magtatapat sa kanya, hindi ko alam kung parehas ba kami ng nararamdaman pero bahala na hindi ko na din naman matatago sa kanya to pag nag kolehiyo na kami.