Prologue
Aida's POV
"Anak, hindi ka na namin mapapag aral sa kolehiyo ng tatay mo. May lima ka pang kapatid kaya naman kailangan mo na din maghanap ng trabaho. Wala tayong makakain at ang mga kapatid mo."
Ayaw ko naman sana na magdamdam dahil pamilya ko naman ang tutulungan ko pero bakit parang hindi naman nila naisip kung anong mararamdaman ko. Hindi naman ako maka hindi sa kanila ngayong nadamay na ang mga kapatid ko sa sitwasyong ito. Naiintindihan ko naman na mahirap lang kami pero sumpa talaga ang pagiging panganay, lahat ng pasanin na dapat ang magulang mo ang pumapasan, pasan pasan mo na rin. Kakatapos ko lang sa huling taon sa high school pero mayroon na lugod naka atang na responsibilidad sa akin.
"Sa susunod na buwan ay luluwas ang tiya Isabel mo, sasabay ka na sa kanya papunta sa Emerald City. "
Emerald City. Ang lugar kung saan madaming pangarap ang natutupad dahil kung ano man ang ipagawa nila sayo, tiyak na meron kang kalalagyan na kaginhawaan. Ayan na naman sila sa pagdidikta sa akin, wala naman akong ibang choice kung hindi gawin ito dahil kung hindi ay kami lang naman ang mahihirapan. Ang tiya Isabel na kaisa isang nag sumikap sa pamilya ng tatay ko kaya naman ay siya ding nagkaroon ng marangyang buhay. Kung sana lang ay napag planuhan din ng mga magulang ko ang lahat bago nag simula ng pamilya ay sana hindi kami ganito kahirap ngayon.
"Aasahan ko ang buwan buwan na padala mo Aida, kailangan namin ng papa mo ng suporta mo para dito sa bahay."
Hindi ka pa man din nakaka alis ay planado na ang sweldo mo. Wala ka pang nahahawakan pero hawak na nila kung ano man ang makukuha mo.
"Opo Nay, tutulungan ko po kayo sa gastusin at pag aaral ng mga nakababata kong kapatid."
"Pasensya ka na anak, ikaw lang ang maaasahan namin ng ama mo. Wala kaming napag aralan pero ikaw nakapagtapos ka naman ng high school kaya naman ay ikaw lang ang pag asa ng pamilyang ito."
At least siguro ay hindi din naman nila ginusto na ako ang umahon sa kahirapan ng pamilya namin, siguro ay dala lang talaga ng kahirapan kaya kailangan na kailangan na din talaga.
"Aalis ka na? Hindi ka na ba mag aaral ng kolehiyo? Paano na ang plano natin na mag aral sa karatig bayan?"
"Bonik pasensya ka na hindi kasi kami kagaya nyo na may kaya sa buhay. May mga kapatid pa ako at matindi na din ang kahirapan dito sa San Lorenzo kaya kailangan ko ng tumulong sa pamilya ko. Kahit ako naman ay gusto pa din naman na mag aral. Kaya lang hindi na talaga kaya eh."
Naka alis na ako sa San Lorenzo papunta na sa lugar ng mga pangarap, ang Emerald City.
"Sorry miss we're not hiring." Hindi ko na alam kung ilang beses ko iyan narinig ngayong araw. Halos kalahating araw na ako naglalakad sa matataas na building na ito. Wala pa akong kain ngayon at medyo nahihilo na din ako. Sa palinga linga ko ay may nabunggo ako nang hindi ako nakatingin.
"NAKU SORRY PO, HINDI KO PO SINASADYA-"
"ARE YOU BLIND STUPID OR TANGA KA? LOOK WHAT YOU HAVE DONE! KAYA MO BANG BAYARAN ITONG SUOT KO!?"
Naloko na.