Xavier's POV
Umiinit na naman ang dugo ko ngayong araw, hindi pa man nag uumpisa ang lahat eh iniinis na talaga ako.
Kung hindi nyo kasi pinasa muna sa client yung project edi sana na handle pa natin!?
Hindi po namin sinasadya sir, napindot po kasi ni Alliana yung button.
Mga stupido! Go back to your cubicles, NOW!
Stressed na ako sa family ko pati ba naman dito?
I couldn't help but to pull out the only thing that could help relieve the stress that I am into. Cigarettes.
Pumunta ako sa likod ng office ko kung saan meron tagong mini room na naglalaman ng isang maliit na bintana, upuan, lamesa at iilang mga gamit ko na hindi pwedeng makita sa labas.
Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. Limang stick ng sigarilyo na ang nahithit ko nang biglang mag ring ang cellphone ko.
Ring... Ring... Ring...
Where are you!? Napaka tanga mo why did you let the noobs do the job that you're supposed to be doing!? Come here at my office ASAP!
Sinasabi ko na nga ba at tatawag sya, wala naman syang pakialam sa mararamdaman ko at sa totoo lang pagod na pagod na akong sumunod sa kanya. Hindi ko kasalanan na ganon ang nangyari, hindi ko kasalanan kung hindi ako fit sa trabahong pilit nyang sinisiksik sa pagkatao ko.
Hindi na ako pumunta sa office nya para lang sermonan nya ako sa halip ay pumunta ako sa kapatid ko, si ate Leila.
Ate Leila, hindi ka din ba pumasok?
I didn't expect you to be here nang ganito ka aga? You're supposed to be at work ngayon.
Nag tabi naman silang umupo sa sofa nito habang nakahanda ang juice sa mesa.
Dad suffocates me, may na mishandle na naman kasi ako na client
That explains the smell of cigarette hay naku I told you to quit already, gusto mo bang mag kasakit?
Mas mamamatay ako ng maaga dahil sa stress sa kumpanya ate.
But still, you have to take care of yourself ha
Mayroon pa kaming isang kapatid, si Athena. Nasa New York sya ngayon at doon nag aaral.
So, are you going to stay here longer?
No, I must go. Baka lalong mag init lang ang ulo sa akin ni dad.
Go kiddo, kick his ass HAHA .
As if I can, bye big sis.
Aida's POV
Nag iimpake na ako ng mga gamit ko nang biglang pumasok sa kwarta ko ang taytay.
Anak, kailangan mo ba ng tulong?
Hindi na po taytay, okay lang po ako.
Pasensya ka na talaga anak, hayaan mo kapag nakabawi na tayo eh bumalik ka sa pag aaral.
Opo Tay gagawin ko po yan.
Nang matapos akong mag impake ay plinano kong pumunta sa tree house namin ni Bonik. Hindi pa ulit kami nag uusap simula nung, simula nung umamin sya. Hindi ko talaga akalain na may tinatago pala syang ganon sa akin. Napaisip tuloy ako kung ano ba ang nagustuhan nya sa akin?
Pag pasok ko ng tree house ay nandun din pala sya. Naka upo sya ngayon at tumutugtog ng gitara. Hindi nya ata napansin ang pag pasok ko kaya hinayaan ko lang sya na tumugtog at kumanta.
Playing: Tadhana by Up Dharma Down
Sa hindi inaasahang
Pagtatagpo ng mga mundo
May minsan lang na nagdugtong,
Damang dama na ang ugong nito
'Di pa ba sapat ang sakit at lahat
Na hinding hindi ko ipararanas saýo
Ibinubunyag ka ng iyong mata
Sumisigaw ng pag-sinta
Ba't di pa patulan
Ang pagsuyong nagkulang
Tayong umaasa
Hilaga't kanluran
Ikaw ang hantungan
At bilang kanlungan mo
Ako ang sasagip saýo
Ang bigat naman ng kanta mo Bonik.
Pag lapit ko sa kanya at pag upo sa tabi nya ay nabigla syang andun ako.
Kanina ka pa ba dyan Aida?
Hmm medyo, simula nung tumugtog ka.
Naku nakakahiya naman narinig mo pa pangit kong boses.
Uy hindi kaya, ang ganda nga ng boses mo eh. Ano bumisita lang ako dito sa huling pagkakataon, baka kasi matagalam bago ako bumalik eh.
Buo na talaga ang desisyon mo?
Namin, Bonik. Kaming tatlo naman nila naynay at taytay ang may desisyon neto eh.
Basta Aida huwag mo kaming kakalimutan ah, kamustahin mo din kami kapag may oras ka. At saka lagi kang mag iingat don.
Oo naman Bonik. Saka tungkol dun sa sinabi mo-
Hayaan mo na yun Aida, gagawin na lang kitang inspirasyon para sa pag aaral ko sa kolehiyo. Para sa'yo mag tatapos ako.
Salamat Benedict.
Ay hindi na Bonik?
Syempre Bonik pa din, sayang naman ang maganda mong pangalan kung Bonik ang tawag ko sa'yo.
Makalipas ang tatlong araw
Kumpleto na ba ang mga gamit mo anak?
Andito kami ngayon ni Naynay, Taytay, at Bonik sa tabi ng kalsada para hintayin sina tita Isabel.
Opo Naynay.
Oh basta anak ha yung mga bilin ko sa'yo wag mong kakalimutan. Palagi kang magdadasal ha
Opo.
Pagkatapos ng limang minuto ay dumating na din ang service sakay nito si Tita Isabel at ang asawa nya.
Alis na po ako.
Aida, ingat ka.
Ikaw din Bonik.
Umandar na ang sasakyan at unti unti na silang lumiliit sa paningin ko. Hindi ko maiwasang maluha dahil unang beses lang naman itong nangyari sa akin, unang beses na malalayo ako sa tahanan ko. Paalam San Lorenzo.
Nakatulog ata ako ng pagka haba haba dahil pagkagising ko ay nakarating na kami sa Emerald City.
Oh iha, mag ikot ikot ka lang dito dahil baka may naghahanap ng katulong dyan. Hindi na kita matutulungan sa paghahanap dahil nagmamadali din naman kami.
Salamat po Tita Isabel.
Naglakad na ako papunta sa mga malalaking building. Grabe totoo nga ang sabi nila, city of dreams nga talagang maituturing ang Emerald City. Malalaking building, matataas, engrandeng mga ilaw at kahit saan ay mayroong kainan.
Sorry, we're not currently hiring.
Sige na po kahit taga hugas lang
Sorry you may now leave.
Mabigat sa puso at nakakapagod pisikal ang paghahanap pala ng trabaho. Kailangan mong maging matiyaga at maging ma diskarte, pero kahit anong diskarte ko wala naman akong mahanap na opening.
Maglakad lakad muna kaya ako?
Kaya naman ay tumayo ako sa pagkaka upo at hindi sumuko. Habang naglalakad eh napansin ko ang kakaibang disenyo ng building sa harap ko habang pinagmamasdan iyon ay naglalakad pa rin ako.
Grabe naman to, siguro ang yaman ng may ari nito.
Nang naglalakad ako ay hindi ko naisip na baka mayroon akong mabangga kaya naman ay dire diretso lang ako.
BOOM!
Natumba ako at natapunan ng kape.
ARE YOU DUMB? TANGA KA BA!?
Sigaw ng lalaking naka suot ng suit sa harap ko, matangos ang ilong, siren eyes, makinis ang mukha, maayos ang buhok, at makakapal ang kilay. Galit na galit sya sa harap ko ngayon at kayang kaya ng mag wala.
Pasensya na po kayo di ko po sinasadyang mabangga kayo, namangha lang po ako sa building eh
Even! Kahit na may tinitignan ka dapat cautious ka sa paligid mo! Lahat na lang kayo hindi sinsadya! Excuses!
Napano ba ang isang to eh pwede naman akong mag sorry at palampasin nya na lang, mas mapera naman sya kaysa sa'kin.
Do you even know how much this suit costs? Mas mahal pa to sa buhay mo!
Wow ha, ang arogante din pala ng isang to.
So ano? Tahimik ka na lang dyan ha!? Do something! Babayaran mo ba to?
Pasensya na po talaga kayo sir, wala po akong pera na pambayad sainyo pero, pwede nyo po akong gawing katulong. Naghahanap din po kasi ako ng trabaho.
Shet, tama ba na sinabi ko yun? Baka mamaya araw araw na lang akong sigawan nito napaka arogante pa naman.
Hmm, buti naman kahit papano nag iisip ka, mabuti yan dahil kailangan ko ng maie sa bahay. Follow me.
Aba biglang kumalma! Naku Dyos ko po! Gabayan Nyo po sana ako, hindi ko po kakayanin ang pagka arogante ng isang to, kailangan ko pa ata ng mahabang pasensya.