Aida's POV Nang maramdaman kong papalapit na si Xavier ay kumilos na ako papuntang kwarto ko. Ayaw kong makatabi sya ngayon naiinis pa din ako sa kanya. Hindi ko na alam kung anong papel ko sa buhay nya. Ginagawa ko naman ang makakaya ko para lang din naman kahit papano eh mapantayan ko kung anong meron sya pero bakit parang wala pa din. You're avoiding me again Aida. Mag usap tayo. You need to hear my side, alam kong sensitive ka ngayon because of your pregnancy but please. I'm begging you to listen first. Naupo naman muna ako sa sofa para pakinggan kung ano man ang gusto nyang ipaliwanag. Yung announcement ni Dad kanina yes aaminin ko napag usapan na namin yun actually years before ka pa dumating dito. Dahil ako lang naman ang only son nya, ako lang ang pwedeng magpakasal kay Step