Isang buwan na magmula ng ikasal kami ni Clifford. Sobrang nasorpres ako sa ginawa niya. Akala ko simpleng okasyon lang iyon . Kasal ko na pala noong araw na iyon. Noong sinundo ako ni Clifford wala na pala sila Nanay at Tatay sa bahay. Sinundo sila maaga palang. Pagkatapos ng kasal tumulak na kaming papunta ng France para sa honeymoon namin. Ang akala ko isang linggo lang kaming mamalagi sa France. Laking gulat ko dahil one month kami dito. Priceless ang naging honeymoon namin dahil umiyak talaga ako nang mag-isang katawan na kami. Sobrang sakit ng naramdaman ko. Hindi ako nagsisisi na pinakasalan ko ang asawa ko. Siya ang pinaka magandang nangyari sa buhay ko. Nakakahanga ang ganda ng France. Totoo ngang city of love ang bansang ito. Bukod sa masarap ang pagkain marami pang mga ro